-Chapter 21-
Separation anxiety?
[GINO'S POV]
Sa wakas! Napapayag ko rin si Bettina na makasama ang kapatid niya bago man lang umalis si Bea. Kasama ko siya ngayon sa Rockwell at namimili kami ng coat at boots na dadalhin niya sa London.
"You need baggage-friendly coats and boots, hon." Biro ko sa kanya.
"Hmm, oo nga. Pero mukhang mabigat ang isang ito." Sinukat niya ang coat na pinili ko para sa kanya.
"Let's try other designs. I'm sure makakakita ka din."
Binilhan ko siya ng 2 coats, at 2 pares ng boots. Mabuti na lang at nagkasundo kami sa pagpili dahil kung hindi, baka nagde-debate pa rin kami hanggang sa pag-uwi.
Pagdating namin ng condo ay kinuha ko naman ang mga coats niya. Importanteng mapa-dryclean yun dahil tatlong araw na lang bago ang flight nila.
"Magshower lang ako, hon. Manood ka na lang muna ng tv, ha." Sabi ko sa kanya nang makita siyang nasa aktong magbibihis. Tapos na kasi siyang magclean-up. Para makaiwas sa tukso eh ako na lang ang magtatago.
"Okay..."
Pagka-pasok ko naman sa banyo ay tinimplahan ko agad ang tubig sa shower. Damn my manly conscience! Mukhang may gustong makaisa ngayon. Kaya imbis na warm water ang ipaligo ko ay cold shower ang ginawa ko.
Paglabas ko naman ng banyo ay mukhang nakatulog na siya. Hininaan ko naman yung aircon dahil balot na balot siya ng comforter.
"Honey?"
"Uhm?"
"I never thought na malikot ka pala matulog."
"Huh?" Napabangon naman siya sa sinabi ko.
"Para kang bulateng inaasinan pag natutulog."
Ngumuso sya. Mabilis ko naman siyang hinalikan sa labi.
"Gino naman eh." Pagmamaktol niya.
"What?" Natatawa kong tanong sa kanya.
"Magbehave ka nga!"
"Masama bang halikan ka?"
"Basta... Wag kang... Wag kang magulo, okay?"
"I love you."
"I love-" Hindi niya na naituloy ang sasabihin dahil sinunggaban ko na talaga siya ng halik.
Sinubukan niya akong pigilan pero para bang nanglambot siya.
"Gino..." She just whispered my name nang maghiwalay ang mga labi namin.
"I can't and I won't do that, Bea. Not until you want me to."
Natahimik naman siya. Nahiga na kami, nakatalikod si Bea sa akin. Gusto ko nang matulog but hell, hindi ako dalawin ng antok! Nakaka-asar lang! Sinilip ko si Bea kung tulog na. Nakapikit na ito. Hindi ko na lang muna siya ginising.
Pagdating naman namin sa opisina kinabukasan ay para namang nailang siya sa akin. Hindi ko na lang pinansin dahil baka busy lang talaga. Nag-eendorse kasi siya ng mga trabaho na maiiwan kay Macy. Sakto pa namang madaling araw ng launch ng Adam's ang alis nila.
"Sir Gino, malapit na pala ang alis nila Ms. Bea." Sabi ni Nikki.
"Oo nga eh." Malungkot kong sabi. Oo nga, two days na lang.