Chapter 5

87 2 0
                                    

-Chapter 5-

Good news.

[BEA'S POV]

Mukhang successful ang launch. Yun din ang sabi ni Zoey. Hindi ko na nagawang dumaan dun sa sobrang yamot ko. Buti na lang at napadaan si Kenneth sa opisina.

"Oh? Nandito ka pala, Bea?"

Hindi ko siya inimik. Wala ako sa mood.

"Bea, okay ka lang ba?" Seryoso ang mukha niya. Doon na ako napaiyak. Hindi ko na kinayang magtago kasi madalas ko din namang sabihan ng problema si Kenneth.

"Ano?! Ginawa niya yun?!"

Tumango lang ako.

"Hindi ko siya kakampihan, pero malamang na nagulat yun. Yun nga lang, hindi ka niya dapat hinalikan. That's unethical." Conservative ring klase ng lalake 'tong si Kenneth.

"Magresign na lang kaya ako?"

"Wag! Magsasakripisyo ka dahil lang sa bastos na yun? Hindi pwede! Pwede nga siyang ireklamo ng sexual harrassment."

Napa-iyak na lang ako. Now, Beatrize. What are you going to do?!

Ipinatawag kami ni Boss FLG sa office niya. Nagkwento ito ng tungkol sa nangyari sa launch kanina. Kaya lang, wala namang pumapasok sa isip ko. Paano naman kasi, hindi ako makatingin ng diretso dahil alam kong nakatitig sa akin yung apo niya. Balak ba talaga nitong sirain ang buong araw ko. Nakaka-asar talaga.

Paglabas ko ng office ay naghihintay sa akin si Kenneth. Kaya lang ay nandun na naman si Mr. Sub Zero. Papansin lang masyado.

"Let's go?" Nilapitan ako ni Kenneth. Nakita ko namang natahimik si yabang.

"Uhm... Where to?" Saan niya ba ako niyayaya?

"Let's have... Dinner..."

Napa-ngiti na lang ako. Ano na naman kayang pinaplano ni Kenneth?

Nakita ko naman na tahimik si Mr. Sub Zero. Nakatingin lang siya sa aming dalawa ni Kenneth habang naghihintay ng elevator.

Nang may magbukas naman na elevator ay sumakay na kami ni Kenneth, at humabol naman si yabang. Ano ba talagang problema nito? May balak yatang sumunod sa amin.

"Saan mo ba gustong kumain?" Tanong ni Kenneth.

"Seryoso ka ba dyan, Ken?" Tanong ko pabalik sa kanya.

"You deserve a treat. Super stressed ka ngayong araw na'to."

"Wala akong maisip eh."

Bigla namang sumingit si yabang sa usapan.

"Take her to Ayala Triangle! Maraming pagpipilian dun!" Pasuplado niyang sabi kay Kenneth. May binulong siya pero hindi ko naman naintindihan.

Napalingon si Kenneth pero tipid din namang ngumiti at tinanguan si yabang. Yeah! Boys will be boys. Nagkakasundo sila kapag diskarte sa girls na ang pinag-uusapan.

Pero ano bang pakialam niya eh kami ni Kenneth ang nag-uusap.

Sa isang buffet restaurant kami pumasok. Buti na lang at walang pila.

"Eat all you can dito. Pili ka na lang kung anong gusto mo." Sabi niya sa akin, nagsimula na rin naman siyang pumili.

Kumuha lang ako ng kaunti. Wala kasi akong ganang kumain. Hindi pa rin ako makaget-over sa ginawa ng mayabang na yun.

The Garcias: Gino - Melting Mr. SubzeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon