-Chapter 25-
Time to reveal
[BEA'S POV - CONT.]
Naluto na si kaldereta, at kamuntik ng matuyo ang brewed coffee namin.
"Baby?" Tawag ni Gino sa akin.
"Uhm?" Tinignan ko siya.
"Ang bagal mong kumain! Pati yang inimbento kong bacon pancakes, ninanamnam mo?"
"Hey... You got this recipe from me, di'ba? Wag mo nga kine-claim na inimbento mo!"
"Correction, dear! You got that recipe from the net, kasalanan ko ba kung yan din ang lalabas sa google pag nagsearch ako?"
Another petty debate! Well, at least, nada-divert ang topic. Which is parang pareho naman naming gusto dahil mukhang parang nasa awkward state kami ngayon.
"Baby?" Eto na naman ulit siya.
Napatingin na naman ako sa kanya. Hindi ko kasi siya talaga tinititigan.
"Uhm?" Tuloy lang ako sa pagkain.
Yumupyop lang siya sa lamesa at pinanood akong kumain. Nakangiti pa nga ang mokong, his boy-next-door smile na walang palyang tumutunaw sa akin.
"Ang sarap mong panoorin habang kumakain."
"Sinabi ko bang panoorin mo'ko?"
"Bakit, bawal ba?"
"Hmp! Nevermind!"
At ang unggoy, nakangiti na naman!
"Gino, stop it!" Saway ko sa kanya.
"Bakit?" Ayan na naman ang ngiti niya! Naku naman! Ano bang ginagawa ni Alden Richards sa harapan ko!
"Naiilang kasi ako!"
"Hindi ka pa nasasanay?"
"Na alin?"
"Hindi ka pa nasasanay na tinititigan kita ng ganito?"
"Huh? Kailan yun?"
"Hah! Sabi ko na nga ba! Reyna ng deadma ka kasi kung minsan! Mabuti pa mga yung mga consignors na nakakausap natin, napapansin ako. Eh kahit nga tulog ka, minsan nga tulo laway ka pa, di'ba?"
"Pati ba naman yun napapansin mo pa?"
"Joke lang!" Tumawa siya ng malakas. "Sige na, magbihis ka na. Baka dumating na si Mang Tony para sunduin tayo."
"Yes, boss. Sabi ko nga po eh."
"Baby..."
"Hmm?"
"Gusto ko ikaw ang pangatlong pinakamaganda sa party mamaya. Kaya pwede kang mag-effort mamaya." Ngumiti siya.
"Pangatlo?"
"Siyempre, si lola, si mommy... tapos ikaw!"
"Ahh..."
"Bea!" Papasok na sana ako ng kwarto nang humirit na naman siya.
"Ano na naman?!"
"Yung... yung naudlot..." He grinned. "I can wait until tonight." Kumindat siya.
Natawa na lang ako. Eto nga pala ang side nyang hindi marunong makalimot.
Nag-ayos naman ako. Sinimplehan ko lang ang buhok ko, yung simpleng hair updo lang. Nagpahid ako ng make-up base at foundation, kaunting blush on at lipstick. Less is more, sabi nga nila. Nakatapos na ako ng pumasok sa kwarto si Gino.
![](https://img.wattpad.com/cover/21257105-288-k896167.jpg)