-Chapter 44-
[BEA'S POV]
Hindi ko alam kung ano na naman itong gimik ni Gino. Nandito ako sa harap ng tent. I was expecting to hear loud music but I saw bright lights as I opened the door. Narinig kong kumakanta si Alden ng kantang nagpaluha sa kanya several months ago, and I saw my friends. Doon na nagsimulang pumatak ang luha ko.
Una sa pila sina Jose, Paulo at Wally. Naka Lola costumes sila kaya pabiro akong nagmano. Binigay nila sa akin ang mga roses na hawak nila. Kasunod naman nun si Maine. Bigla ko tuloy naalala...
"Sana makita ko sila in person ano? Ay talaga, mapapasayaw ako ng Fantastic Baby pag nangyari yun."
Fangirl lang ang peg, lalo na nang yakapin ako ni Maine.
"Congrats, Miss Bea. Mahal na mahal po talaga kayo ni Sir Gino," sabi niya sa akin. Akalain mo nga naman. Ang swerte kong marinig ang boses ng dubsmash queen. Nagpabebe wave ako sa kanya at nagpabebe wave din siya sa akin.
Sumunod naman ang mga friends kong sina Zoey, Faye, Macy, Nikkki, Kate at Julius. Nagbigay din sila ng roses sa akin. Nag-group hug kami. Maswerte akong kahit naulila ako ay mayroon pa ring mga taong kagaya nila na palaging nandyan para sa iyo.
Ang mga prinsipe, mga apo ni Haring Manuel. Sina Maico, Elliot, Edward, Jericho at Joshue. Ang ku-cute nila sa mga suot nilang tuxedo. Isa isang silang lumapit sa akin at niyakap ako.
Nakipagbeso-beso naman si Jeanette, "Ganda mo ngayon, girl. Magagaling talaga pumili ang mga Garcia."
"I'm wondering, sino kaya ang pinakamahigpit na misis sa inyong tatlo, but, anyway, you're such an angel in disguise, Bea. Welcome to our family," sabi naman sa akin ni Mikko.
Sina Helga at Enrico. Niyakap ako ni Helga and I heard her say, "We've all waited for this, Bea. Welcome to the Garcia clan."
Kinamayan naman ako ni Kuya Enrico, "yung bilin ko ha? Pag bumalik sa dati si Gino, bigwasan mo kaagad. Congrats, Bea."
Lalong tumulo ang luha ko nang makitang umiiyak si Ate Bettina. Inaalo naman ito ni kuya Calvin.
"Sana nandito sina mommy at daddy para masaya," sabi ni ate. "Hindi ko na kayang pigilan si Gino eh, alam ko naman na magiging masaya ka kasama siya. I'm very happy for you, Bea. I love you and I will always be your ate and bff forever." Niyakap ako ng mahipit ni ate. Nakita ko naman na nginitian ako ni kuya Calvin.
Pansin ko naman na nakakarami na ako ng hawak na bulaklak. Ilan na ba ito?
"Bea, hija. Alam kong masaya ang mga magulang mo kung nasaan man sila. Nawa'y maging masaya ka kasama si Gino," sabi ni Tita Virgie.
"You're so stunning tonight, apo. Happy Birthday, Bea." Sabi naman ni Lola Fely.
"Thank you dahil nakilala ka ni Gino, Beatrize. And I'm looking forward for a baby girl, okay?" Seriously, nagmamadali na ba si Tita Isabel?
"Happy birthday, Bea. Hindi ko na patatagalin, naiinip na si Gino," sabi naman ni Tito Manuel sa akin.
At, ang panghuli, si Gino na dala-dala ang bouquet ng pink roses na halos kakulay na ng damit ko.
Napayakap ako kay Gino. Of all his surprises, ito ang pinakatumagos sa puso ko. Sobrang intense ng nararamdaman kong saya ngayon. At oo, gaya ng sabi ni ate sa akin. Sana nandito sina mommy at daddy para maki-celebrate sa amin.
"What's wrong?" Nakangiting tanong sa akin ni Gino.
"Wala..." hindi ko alam kung iiyak pa rin ba ako o tatawa na.
"Surprised?"
Tumango lang ako, hindi ako makasagot kasi napapahikbi pa rin ako.
"I told you I'm willing to give you everything, right? You told me I do not need to compensate for all the wrongs I've done, and so I gave you this. All that you will not expect to happen." Tama naman ang sinabi niya. Yung wish kong makita ang cast ng Kalyeserye, at yung makasama ko ang friends at family ko ngayon na hindi nangyari nung 25th birthday ko dahil halos sa eroplano pauwi ng Pilipinas ako nagcelebrate nang mga panahong iyon. "Happy birthday, Beatrize. I love you."
"I love you too, Babe."
"Sabi mo pa noon, hindi mo nagugustuhan yung pagiging gastador ko. Baka pag sinabi ko sayo na nagvolunteer ang JoWaPao at Aldub na tulungan ako ngayon, hindi ka maniwala. Kaya sige, magtitipid na ako from now on, para sa future natin."
Natawa ako sa sinabi niya.
"Kaya, Beatrize..." lumuhod siya sa harap ko, "marry me, please..."
Napatingin ako sa JoWaPao. Nakangiti sila at para bang kinikilig, "nagpropose ka na sa akin, di'ba?" Sabi ko pa sa kanya.
"The question is... When?"
Napansin ko ang pabebe wave nila Lola Nidora at ni Yaya Dub.
"Sa tamang panahon," nakangiting sagot ko sa kanya.
"No... Ngayon na!"
No... Ngayon na!
No... Ngayon na!
Nananaginip ba ako or what?
Paulit-ulit kasing nag-e-echo sa akin ang lahat. Tapos nang lingunin ko silang lahat, nakatingin sila sa amin. Sabay may lalaking nakatayo na sa harap namin at may hawak na libro. Ay teka, libro nga ba ang hawak niya?
"Baby?" Pukaw sa akin ni Gino.
"B-babe?!" Napatingin ako sa kanya.
"Sabi ko, handa ka na ba?"
"S-saan?"
"Ikakasal na tayo..."
Now, I finally get it. Judge ang nasa harap namin. Kaya pala may love seat din sa harap ng stage dahil doon. Tapos, very private ang venue dahil ilang close friends at relatives lang ang invited. Isa sa mga witness namin si Mr. Pattinson. At swerte ko pa talaga dahil nandito ang SWAT sisters at ang Aldub! Edi ako na talaga!
Hindi na sila nag-aksaya ng oras. Sinimulan na ng judge ang "wedding ceremony". Hawak-hawak ni Gino ang kamay ko pero ramdam ko ang panginginig niya.
"Babe? Okay ka lang? Masama ba pakiramdam mo?" Bulong ko sa kanya.
"Okay lang, sweetie. Medyo kinakabahan lang ako. Alam mo na," nakangiting sabi ni Gino.
"Pasaway ka rin, ano? Paano pala pag tinakbuhan kita? Edi napahiya ka?"
"Matitiis mo bang takbuhan ang kagwapuhan ko?"
Nang mapatingin kami sa gawi ng judge ay nakatingin ito sa amin.
"Ikakasal ko pa ba kayo o magdadaldalan na lang kayo diyan?" Nakangiting sabi ng judge.
"Sorry po, your honor," sabi ni Gino at tumingin sa akin. Pigil-pigil tuloy namin ang pagtawa.
Ipinagpatuloy din naman ng judge ang seremonyas at sa huli ay naikasal din kami.
"Kiss! Kiss!" Kanchaw nina Jose at Paolo sa amin.
"You heard them," nakangiting sabi ni Gino, pumikit at ngumuso.
"Tch! Hindi bagay, pero... Sige na nga!" Ikinawit ko sa kanya ang braso ko at bahagya ko siyang hinila para maabot ko siya at mabigyan ng smack sa lips.
Bigla namang pinatugtog ng dj ang "Dessert" ni Dawin. Nakita kong nagtatatakbo si Lola Nidora papunta sa amin at nakipag-showdown. Game naman kaming sumabay ni Gino. Nagtawanan tuloy ang mga guests namin.
Life is full of surprises, right, Bea?