-Chapter 41-
[GINO'S POV]
Mabuti na lang at nakatulog na si Bea sa room namin. I have all the time I needed para sa surprise na matagal-tagal ko ring inihanda para sa kanya.
"Yes, Macy?" Pinakinggan ko ang sinabi ni Macy sa kabilang line. May task kasi akong ihinabilin sa kanila ng Marketing Team ng Adam's. "Well, that's good to hear. Maaasahan ko talaga kayo nila Nikki sa mga ganyang bagay." 'Matic na yun. Kaya nga sa kanila ako sobrang tiwala dahil alam kong mas creative pa silang mag-isip kaysa sa akin. "Yes, thank you, Macy. I'll call you later."
Kaagad akong ipinagdrive ni Mang Tony gamit ang golf cart ng resort. Sa di kalayuan ay nag-aayos ang ibang staff ko ng event's place na pagdadausan ng party mamaya.
"Lyza, complete ba yung mga inorder ni mom na bulaklak? Who's in-charge of the centerpieces?" Tanong ko habang nakatitig sa mga crew na naghahanda ng mga lamesa.
"Yung tatlong florists na kinontrata namin sa bayan, Sir Gino," sagot ni Lyza.
Naisipan ko namang tawagan si Bea habang naglilibot at nag-i-inspect sa buong lugar.
"Hello?" She answered in a croaking voice.
"G-gising ka na?" Nagulat kong tanong sa kanya. This is not what I'm expecting.
"Paano ako hindi magigising eh nagba-vibrate yung phone ko?" Halata naman na antok pa siya dahil narinig ko ang paghikab niya.
"Matulog ka na muna ulit. Busy kasi ako dito sa event na pagdadausan ng party ni Mr. Pattinson mamaya."
"Eh... Nagugutom kasi ako eh."
"I'll ask Yannie to cook for you. Ano bang gusto mo?"
"Gusto ko ng nutella and strawberry pancakes, babe."
"Okay. Tatawagan ko na lang yung mga taga resto. Wag ka ng bumaba, okay. Ipapahatid ko dyan yung pagkain mo."
"Sige, babe. Balik ka kaagad ha?"
"I will, sweetie. I love you."
"Ingat ka, I love you."
Susunod naman siguro sa akin yun. Hindi siya pwedeng magkaroon ng idea. Hindi siya pwedeng magduda. Kailangan ko itong malusutan kahit imposible, lalo na sa sobrang makulit kagaya niya. Wag sana akong mabuko!
Ano ba yan! Kinakausap ko na ang sarili ko. Pasaway naman kasi. Bakit nagising kaagad siya?!
Napunta naman ako sa paglalagyan ng buffet dinner mamaya. Nag-assign ako ng in-charge sa food. Kailangan kasi pulido ang lahat ng bagay mamaya. Hindi pwedeng sumablay. Masisira ako sa kanila at sa matagal ko ng pinaplano.
"H-hello? Sir Gino!" Boses no Yannie yung nasa kabilang line.
"Uhm? Yannie? Why?"
"Sir, wala si Ma'am Bea dito sa suite. Chineck ko na yung banyo, wala din po."
"Ano?!"
"Nakailang katok na kasi ako dito kanina pa. Kaya tinawagan ko na si Rita para sa spare key. Kaso, wala nga dito si Ma'am Bea."
"Sige, sige. Please ask everyone! Ipa-review niyo yung CCTV, tignan niyo kung sino yung huling kasama niya."
I cut the line para naman tawagan si Gem. Siya ang magiging assistant-slash-bantay ni Bea habang wala ako.
"Gem, where are you?"