Chapter 29

58 0 0
                                    

-Chapter 29-

[BEA'S POV]

1:55 P.M., Philippine Apparel Expo.

Ang kulit kasi ni Zoey, pumunta daw ako dahil no-show naman si Gino. Nasa Palawan daw kasi ito at naka-vacation leave.

Pumipili ako ng bracelet na ibibigay kay tita Virgie dahil malapit na ang birthday nito. Padaan na sana ako sa booth ng Cleopatra nang mamataan ko si Gino papalapit sa kinatatayuan ko. Kaagad akong naglakad palayo. Ghad, wag nya sana akong aabutan! Mabagal din naman ang paglapit niya dahil maraming tao. Naririnig kong tinatawag niya ako pero hindi ako lumilingon. Ayoko siyang makita. Ayoko rin siyang makausap.

"Madaya ka talaga! Ang sabi mo dadaan ka sa booth." Napagalitan pa nga ako ni Aleng Zoey.

"I came! Hindi lang ako nakadaan sa booth kasi-"

"Kasi na-spot-an mo si Papa G?!"

Hindi ako sumagot. Pababa na kasi ako ng elevator at nagloloko ang signal.

"Hello, Zo-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nasa harapan ko na yung taong pinaka-iniiwasan ko, si Gino!

He was still persistent. Hindi ko naman inaakalang magiging ganun siya kakulit sa akin. Yun nga lang, I think its too late for second chances. Or too late na nga ba?

"Kinukulit ka na naman?" Tanong sa akin ni ate. Dito na kami ngayon nakatira sa condo na binili ng boyfriend niyang taga-Germany. Si tita Virgie na lang ang naiwan sa dati naming apartment kasama ang iba pa naming pinsan.

"Oo, nakasalubong ko siya sa elevator last week."

"Hmm... Eh, ikaw, nasa sa'yo naman yan eh. You'll really know kung talagang seryoso siya sa iyo."

Ang hirap pala magdecide. Ang hirap din magtaas ng pride. Nakakainis yung ganito. Hindi tuloy ako makapag-concentrate sa pag-aaral.

Na-hire ako sa MLG Construction as Marketing Supervisor ng kumpanya. Kailangan ba talagang palaging konektado sa mga Garcia? Hindi ko na sana kasi i-ga-grab ang pagkakataong ito, pero dahil na rin kay Ate Helga, at sa pagngungumbinsi ng mommy ni Gino ay pumayag na ako. This time, magiging scholar na nila ako, kaya kapalit ng position ko ay ang masteral degree ko.

"Hi..." Abala ako sa pagche-check ng mga advertising expenses nang dalawin niya ako. I mean, ni Gino. "Kumusta na?"

Tipid akong ngumiti at binalikan ang ginagawa ko. "I'm okay." Ayoko siyang tignan. Ayoko na rin gibain yung wall na ginawa ko between us.

"Hindi na ako kumatok. Alam mo na siguro kung bakit."

"Yeah, I know. You never learned how to knock, right."

Tumawa siya. "Are you free tonight? I've got free movie tickets. Alam ko namang huge fan ka ng fifty shades, right?"

Alam na alam na nito kung paano ako mapapapayag. But I should resist. "Naka-confirm na kasi ako dun sa friend ko eh."

"Pwede mo namang ulitin, right?"

Sa loob ng tatlong buwang "contract" relationship namin ay hindi pa kami nakakapanood ng sine. Bumabawi ba ang unggoy na'to?

"Parang hindi mo naman ako kilala, hindi ko na inuulit ang isang movie pag napanood ko na."

"Eh, bakit yung kina Sarah at John Lloyd?"

He got me there. Tumayo ako para ilabas ang outgoing documents ko. Gusto ko munang lumabas ng building at takasan ang mokong na ito!

"Bea..." Tinawag ako ni Gino nang makababa ng building. Ano ba kasing ginagawa nito dito? Hindi ba pumasok sa opisina 'to ngayon?

The Garcias: Gino - Melting Mr. SubzeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon