Chapter 18

53 0 0
                                    

-Chapter 18-

Selos nga ba?

[BEA'S POV]

Lasing na nga siguro ako, biruin mo, mukhang hindi ako nakalusot sa beer challenge ni Julius. Malakas din uminom sina Nikki, Kate at Macy. Mabuti na lang at panay rin ang cr ko. Nakakawala ng tama pero nakakahilo nga lang magpabalik-balik papunta doon.

Sinamahan naman ako ni Gino isang beses papunta sa cr. Grabe! Kung pwede lang siguro na samahan ako hanggang loob,  sasamahan yata ako nito. Nagulat naman ako nang makalabas ng ladies room. Aba! Ang bilis niya talaga! May babae na kaagad na kaharap ang unggoy.

Nakita ko naman sila na papunta  sa dance floor, kaya dumerecho ako sa table namin dahil nakita ko na pabalik na rin doon sina Macy.

"Ay! Bakit iba ang kasayaw ni Sir Gino?" Nagreact si Nikki.

"Ikaw, loka ka! Di ka na nahiya! Wag ka ngang ganyan, nasasaktan si Ms. Bea o!" Sabi naman ni Kate.

"Kayo talaga, para yun lang. Wala naman sa akin yun. Kahit magdamag pa silang magsayaw dyan sa gitna." Sabi ko, pero parang mataray ang tono ko.

"Uyy! Bitter!" Panunukso ni Julius.

"Hindi nga Ms. Bea, tayo tayo lang din naman. May pag-asa na ba si Sir Gino sa'yo." Tanong sa akin ni Macy.

Hindi ako nakasagot kaagad dahil umorder si Julius ng dalawa pang beer bucket. Napatingin naman ako dun sa dalawa. Nakakainis yung babaeng kasama niya. Ang laswa sumayaw. Mukha yatang sinasadya niya pang isayad ang puwitan niya sa harapan ni Gino. Ugh! Ang landi! Ang sarap kalbuhin sa taas at baba! Grrrr!

"Pag tinitigan mo lang sila ng ganyan, ikaw ang mawawalan!" Bulong sa akin ni Nikki. "Ang mundo ay isang malaking Quiapo, maraming snatcher... Maaagawan ka, kaya lumaban ka!" Litanya niya.

"Teka! Di'ba linya sa movie yun?" Natatawa kong sabi kay Nikki.

"Eh kasi naman, teh! Kung mahal mo na, sagutin mo na. Wag ng masyadong pakipot!"

"Hindi ko pa nga sinasagot, nambababae na di'ba? Paano kung maging kami na?"

"Edi nagseselos ka nga!" Sinalinan ni Nikki ng beer ang baso ko. "Cheers para sa nagseselos na si Ate Bea!" Pasigaw niyang sabi. Mabuti na lang at maingay sa bar.

So, ayun, mahaba-habang inuman  'toh tonight. Kaya lang nang makita naman kami ni Gino na nag-iinom ulit ay iniwan niya ang babae sa gitna at pinuntahan ang table namin.

"Di'ba sabi ko sa inyo, tama na yan?"  Malakas masyado ang boses ni Gino nang sabihin niya iyon. Napatingin pa yata yung nasa kabilang table sa amin.

"Last na'to, sir." Si Nikki ang naglakas-loob na sumagot.

Kinuha niya naman sa  lamesa ang basong iniinuman ko.  "That's enough for you, Beatrize! Marami ka ng nainom."

Minsan talaga OA din kung magreact ang isang 'toh. Kaya di mo malaman kung protective lang ba o galit na talaga. Tsk.

Nauna na ako palabas ng bar. Nakakabadtrip na kasi. Bahala na muna sina Macy dyan. Makakauwi na naman siguro ng hotel yung mga yun.

Hindi ko naman maintindihan kung bakit inis na inis ako kay Gino ngayon. Kung bakit ba kasi nakita ko pa sila nung babaeng yun na magkasama. Ay! Talaga ka naman! Totoo yata talaga ang kasabihang: Daig ng malandi ang maganda. Assuming ka, Beatrize! Bakit, maganda ka ba?! Choz!

Eh, ano ba kasing 'tong nararamdaman ko? Kasi naman, bakit ba yung 'Darah' pa na yun ang kasama niya sa dancefloor. Hanep kaya makipagdirty dancing ang isang yun! Sarap hilahin sa buhok palabas ng bar ang malantod!

The Garcias: Gino - Melting Mr. SubzeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon