Chapter 28

53 0 0
                                    

-Chapter 28-

[GINO'S POV]

That's foul! Yeah! Alam ko yun! Pero, ewan ko ba? Siguro nga, sobrang nasaktan ako. Siguro nga sobrang natapakan ang ego ko. To the point na gustung-gusto ko siya gantihan sa kahit anong paraang alam ko. Kahit alam kong pwede siyang  masaktan o mapahiya sa gagawin ko. Basta ma-release ko lang lahat ng galit ko.

"Do you really have to do that?" Tanong sa akin ni Ivan, nasa bar niya kami.

"Hindi ko nga alam kung paano ko nagawa yun  eh! Ni hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para gawin yun."

"Tol, may hugot talaga yun, lalo pag galit ka sa isang tao."

Natahimik ako. Galit nga ba talaga ako kay Bea?

"Pare, kung mahal mo pa rin yung tao, wag mong sayangin ang pagkakataon. We can never tell, right?"

"This is bullshit, Ivan!"

"Yeah! I know! Mahal mo siya pero galit ka sa kanya."

"Hindi ko na siya mahal!" Nilagok ko ang natirang brandy sa baso ko.

"Yan tayo eh!" Sinalinan niya pa ulit ng brandy ang baso ko. "I've known you for years, Gino. Kung hindi mo na siya mahal, come on! Look for someone new!"

Hindi ako nakasagot. Oo, ganun nga ako. Hahanap ako ng pang-rebound, para makalimot, at para makamove on din. Pero hindi ko yata kayang maghanap ng kung sinu-sino para kalimutan si Bea. And, to admit, wala na sigurong papalit pa kay Bea. She's the only one na nakapagpasensha sa akin sa mga panahong sobrang lugmok ako. Yung sobrang baba na ng tingin ko sa sarili ko kaya wala na rin akong pakialam sa paligid ko.

Bakit nga ba, Bea? Bakit nga ba tayo nagkaganito?

Hindi ko napansin na tumutulo na pala ang mga luha ko. Masakit. Sobrang sakit. Pero ano nga ba ang pinag-iinarte ko? Yun bang binayaran siya ng lola ko para ayusin ang buhay ko?

Tanga ka rin kasi, Gino. Para sa iyo rin naman pala yung ginawa ng lola mo eh!

Oo, para sa akin nga, na nagkaroon naman ng magandang resulta. Ano na ba talaga? Hahabulin ko pa rin ba si Bea ngayon?

"Naku! Na-late ka ng dating! Kagagaling lang ng syota mo dito,"  bungad sa akin ni Mikko nang makapasok ako sa room ni lola Fely. Mukhang ngayon na siya madi-discharge sa ospital.

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Mikko. Kaagad kong inalalayan si lola sa pagtayo kahit alam kong dalawang nurse na ang umaakay dito.

"Kagagaling lang ni Beatrize dito, Gino. Ipinabibigay sa iyo yung envelope na nasa lamesa." Kaagad ko naman nakita ang isang  short brown envelope na tinutukoy ni lola. Hindi ko na sana kukunin pero mukhang kinutuban ako sa laman niyon.

Resignation letter. Yun ang laman ng envelope na sinasabi ni lola sa akin. Man, this is really getting worst! Kakayanin ba ng pride ko na tuluyan na siyang mawala sa buhay ko. Will I allow her to leave?

Nasa bar na naman ako ni Ivan. Naging tambayan ko na nga yata ito after mangyari lahat ng iyon. Magaling na si lola and she's coping up, at kay Helga niya ipamamana ang position as the new CEO of Cleopatra Beauty and Fashion, Inc. Ako? President of Men's line na. Pero mas gusto ko pa rin sa Marketing. Kung sana ay kasama ko pa si Bea.

Ano na kayang balita sa kanya? Kumusta na kaya si Bea? Saan na kaya siya nagtatrabaho ngayon? Puro ako tanong, ni hindi naman ako makagawa ng paraan. Gusto ko siyang kausapin.  Gusto kong magsorry. Gusto kong humingi ng isa pang chance. Pero paano? Paano ko lulunukin ang pride ko?

The Garcias: Gino - Melting Mr. SubzeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon