-Chapter 38-
[BEA'S POV]
So ano na'ng gagawin ko. Mapipigilan ko pa ba siya. Wala eh! Andito na kami sa point na'to! Oh shoot!
Naramdaman kong binuhat ako ni Gino habang magkahinang ang aming mga labi. Bigla tuloy akong nahiya sa kanya dahil alam kong may kabigatan ako.
Maingat niya ako ihiniga sa kama. At doon ay magkatabi kaming nahiga.
"Parang ang hirap gumalaw ng hindi prepared," sabi niya sa akin na hindi ko naman nakuha ang ibig sabihin. "Let's take a shower together, shall we?" Nakangiting sabi ni Gino.
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Ano daw?! Eh ni magbihis nga sa harapan ng ate ko di ko pa magawa. Ano pa kaya yung maghubad at maligo sa harap niya.
"Baby, let's go?"
"Ah... Eh... Saan?"
"Magsho-shower..."
"Gino!" Saway ko sa kanya. Palagay ko, kung anu-ano na naman ang nasa isip nya.
"What?" Natatawang sabi niya habang niluluwagan ang necktie niya. Agad niya namang hinubad ang longsleeve polo niya at hinubad na din ang pantalon niya.
"Baby! Come on!"
Napa-iling na lang ako habang napangiti. Loko loko rin naman kasi itong si Gino kung minsan. Kumuha ako ng tuwalya at sumunod sa kanya sa banyo.
Pagkapasok ko naman ay nakita kong prenteng-prente na nakalublob ang katawan ni Gino sa bathtub. Naka-unan ang ulo niya sa isang sulok at mukhang nagha-hum pa.
"Come here na, sweetie. I'll bathe you now."
"Naku, Gino. Nagsimula ka na naman."
"Ayaw mo ba, sweetie?"
"Kasi naman eh! What are you up to ba Mr. Garcia?"
"Ikaw talaga, Mrs. Garcia! Wagas ka kung makatawag sa akin ng family name ko. Gusto mo na bang ikabit yan sa pangalan mo?"
Mukhang may pahaging siya sa sinabi niyang iyon. Hindi naman kasi lingid sa akin na gusto na ni Gino na pag-usapan ang tungkol sa kasal.
Sinamahan ko na siya sa bathtub pero naka underwear pa ako. Not yet, Bea. If you really want to give in, your first should be in bed.
"There," nakangising sabi ni Gino. Kumuha siya ng sabon at sinabon ang mga braso ko.
"Gino, ako na lang, please?"
"Hmm..." Ibinalik niya ang sabon sa soapdish. Mayamaya ay hinila ako palapit sa kanya.
"Gino!" Saway ko sa kanya. His right arm embraced my waist while his left crawled to grab my left hand.
"I wish we will always be like this," he said as he kissed my hand. Sumandal naman ako sa dibdib niya.
"We will, in time, Gino," nginitian ko siya.
"Pakasal na kasi tayo. Bukas na bukas din, mamamanhikan na ako sa inyo."
"Wag ka kasing mainip. Malapit na rin namang makauwi sina ate eh."
"Eh... Kung magpakasal muna tayo sa huwes."
"Masyado ka talagang excited," pinisil ko naman ang tungki ng ilong niya.
"Hindi ka ba nae-excite?"
Natigilan naman ako sa tanong na iyon ni Gino. Is he trying to say na hindi ko sineseryoso ang mga ganitong bagay?