-Chapter 30-
[GINO'S POV]
Nagsisimula na kaya ulit kami?
Sinubukan kong yayain si Bea na manood ng sine. Pero tinganggihan niya ako. Madalas niyang idahilan ang MBA class niya. Bea is indeed on her way to get her goals. Eh, sa totoo lang, isa talaga siyang taong puno ng pangarap. Ako lang naman ang hindi goal-oriented spa aming dalawa.
"Eh, Sir, wag mo na lang sabihin na ako ang nagbigay sayo ng schedule niya ha." Pakiusap ni Zoey sa akin.
"Ako ng bahala, Zoey. Marami naman pwedeng ipalusot. She knew din naman na I have connections."
Mondays and Wednesdays lang siya may pasok. And the rest is her free time besides work. Mukhang may pag-asa naman pala akong maka-singit sa schedule. All I have to do is convince her.
Kaya eto ako ngayon sa harap ng Ateneo graduate school. Matiyagang naghihintay na baka sakaling maabutan ko pa siya papalabas ng school.
Hindi naman ako nabigo. Mga pasado alas dos naman nang lumabas siya ng campus. Tama nga ang schedule na binigay ni Zoey sa akin. Hindi na muna ako bumaba ng kotse. Iisip ako ng magandang gimmick para i-surprise siya.
"Eh, Gino. Bakit hindi mo pala siya yayain manood ng sine. Showing na si Christian Grey next week." Sabi ni Helga sa akin habang kumakain kami sa boardroom.
"Parang hindi mo naman kilala ang girlfriend ko. May pagka-manang din ang isang yun sa pagiging conservative niya."
"Your girlfriend, you say!" Tumawa si Helga. Magkasing tanda lang kami kaya malamang ay mas close ako sa hipag ko na ito kesa kay Jeanettte ni Mikko. "Hindi mo pa nga naide-date ulit, girlfriend mo na kaagad?"
"Ganun lang talaga kalakas ang fighting spirit ko. I know na time will come at magkakabalikan din kami ni Bea."
"Hmm... Garcia ka nga. Born with great confidence. Pareho lang kayo ni Kuya Enrico mo eh."
Natahimik naman ako. Ano bang sinasabi ni Helga?
"Malapit na pala ang birthday mo? Magpakain ka dito sa office."
Shoot! How come nakalimutan ko yun? I lost track of days. Kung kami pa rin pala ni Bea, isang taon na kami. Baka nga nagpo-propose na rin ako ng kasal. Napaseryoso ang mukha ko.
"Ano bang plan sa birthday mo? Isasama mo ba siya sa bahay?"
May pagka-makulit din talaga itong si Helga. She won't stop asking pag hindi siya satisfied sa sagot mo. Bagay na kapareho din ni Bea. Namimiss ko na talaga siya.
"Sir, may naghahanap po sa inyo," sinamahan ng receptionist namin ang private investigator na hinire ko para sundan si Bea.
Nang magkasarilinan kami ay saka lang siya nagsalita.
"Confirmed, sir. Sa Horizon Condominiums sila nagrerent nung kapatid niya. Silang dalawa lang doon. Yung boyfriend na foreigner po ang-"
"Boyfriend na foreigner?!" Bullshit! Sinong may boyfriend na foreigner?!
"Opo, sir. Foreigner po ang boyfriend ni Bettina Punzalan."
"Ah... Okay... Then what?"
"Nagma-masterals degree po si Beatrize Punzalan sa Ateneo at hinahatid sundo po ng isang Dodge Viper na kulay red. Mukhang sa pinsan nyo po yata ang kotse."
"Pinsan?"
"Yes sir. Pinsan nyo po si Arthur Johnson, di'ba?"
"Ano namang kinalaman ni Arthur dito?"