-Chapter 14-
Date me.
[GINO'S POV]
Salamat talaga at naging mabilis ang recovery ni Bea. Hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin that time. Ni hindi na nga ako nakauwi nung first night nya sa ospital. Nagpadala na lang ako ng gamit kay Mang Tony. Pinagpahinga ko na rin muna si Bettina at Aling Virgie sa bahay nila.
"Sir, mukhang tinamaan ka na talaga sa isang yan ah!" Ganyan talaga ako biruin ni Mang Tony. Mukhang gusto na rin ako nitong mag-asawa eh.
"Mang Tony talaga. Paborito ko kasi yan sa office. Hindi pwedeng mawala yun! Lagot ako kay lola." Palusot ko.
"Uhum! Hindi nga, hijo. Ikaw ba ay nakakaramdam na ng pagtibok ng puso dyan kay Bea?"
Nagulat ako sa tanong niya. Anong ibig sabihin nun?
"Kung ako sa'yo, kikilos na ako. Habang wala pa akong karibal. Mahirap makipagkompitensya, hijo. Mas maigi kung wala kang kahati sa atensyon niya bukod sa pamilya niya."
Nalilito na ako kay Mang Tony. Ang weird nya ngayon.
Pinabayaan ko na lang ang mga staff ko na kumain sa labas. Nagyaya sila pero hindi ako sumama. Pinakiusapan ko kasi si mommy na magkita kami sa restaurant ni Auntie Minerva para doon makapaglunch.
"Hi mom!" Nanibago siguro si mommy dahil nauna ako sa restaurant. Ipinaghila ko siya ng upuan, which seldomly happens.
"Ano na naman ang problema ng bunso ko?" Malambing niyang tanong pagkatapos umorder ng makakain.
"Mom... Uhm... Ano eh..."
"Don't tell me tungkol sa negosyo ng lola mo yan? I thought naging ok na sa board ang men's line nyo?"
"No, my... Hindi 'to tungkol sa business, sa pera, or whatever..."
"Eh saan?" Natatawa na yata ang mommy ko sa akin.
"How..." Ugh! Bakit ba hindi ko masabi?! "How will I tell someone that I like her?"
"Wow, son! Kelan ka pa nawalan ng lakas ng loob?"
"Seryoso kasi, my. Paano?"
"Ano pa, edi kausapin mo siya ng harapan."
"Like...?"
"Yayain mo siya ng date. Or puntahan mo siya sa bahay."
Natigilan ako. Kaya ko ba yun?
"And who's the lucky girl, Gino?"
"Wala naman. Its not what you think, mom."
"Naku, wag ka ngang sinungaling. Inlove ka na sa isa sa mga staff mo, for sure."
"Mom, ang malisyosa mo!"
"Sino ba dun? Yung chinita, yung tisay, yung hawig ni Shamcey, o yung petite?"
"You're crazy, mom!" Natawa kasi ako sa mga descriptions niya.
"I'm not, Gino. Medyo pine-pressure lang kita na mag-asawa na," biro nito.
"Wala pa sa isip ko yan, mom. But definitely, mag-aasawa na ako bago mawala sa kalendaryo ang age ko."
"Yeah! Dapat lang 'no!"
She's as cool as that, hindi katulad ni daddy na palaging seryoso at mahirap biruin.
Nagtext naman ako kay Bea na ihahatid ko na siya sa kanila pauwi. Na-carried away pa yata ako sa pagte-text ko sa kanya. Buti na lang naisip niya na baka wrong send ako. Sobrang gulo na. Ano na bang nangyayari?!