Chapter 17

63 0 1
                                    

-Chapter 17-

Is she jealous?

[GINO'S POV]

Natuloy naman kinabukasan ang napagplanuhan naming activity. Kaya lang ay medyo kakaunti ang activities dahil dumami ang tao sa resort. Hindi ko rin naman inexpect na dadami ang tao.

"Sir Gino..." Tinawag ako ni Julius. Pinapanood ko kasi yung apat na naliligo sa pool.

"Yes, Julius?"

"Eh...  Kamusta naman po? May progress na po ba?"

"Sad to say, wala pa yata."

"Naku! Eh, Sir, kailangan mo na siyang mapasagot."

"Bakit naman?"

"Wala lang. Feel ko naman kasi mahal ka na din niyan ni Ma'am Bea."

"Paano mo naman nasabi?"

"Eh, sir, ano kaya kung pagselosin mo?"

"Hmm? Will it work?"

"Wala namang mawawala kung susubukan natin, diba?"

Ano naman kaya ang plano ni Julius?

"Girls, magnight party daw tayo later!" Sabi ni Julius habang pabalik kami sa hotel.

"Ay! Go ako dyan!" Sabi ni Nikki.

"Korek! Go tayo dyan!" Sabi naman ni Kate.

Nakita ko naman na ngumiti lang si Bea.

Whatever Julius is planning, should I trust him enough? Pagselosin? Paano naman kung hindi siya magselos? Ugh! There's only one way to find out, Gino.

Maingay naman sa bar na pinuntahan namin. Kilala ako nung bouncer sa harap kaya nang makita ako ay kaagad niyang binuksan ang pinto. Bahagya naman akong napa-ngiti nung nag-alangan siyang papasukin sina Nikki at Kate.

"I'm with them. Legal na yang mga yan!" Tumango lang sa akin ang bouncer at pinapasok na sila.

Tamang-tama, may live band. Pero mukhang baguhan pa lang ang banda sa bar. Yung tipong kapapanalo pa lang sa isang singing contest.

"Ano Sir Gino? Game na ba?" Tanong sa akin ni Julius. Eto na ba yung sinasabi niyang plano niya?

"Sige! Go! Order na!"

Yes, we drank hard. Mukhang ang plano ni Julius ay lasingin si Bea para mapaamin siya. Yun ay kung may aaminin man si Bea.

Nakikita ko naman na medyo may tama na si Bea dahil nagiging madaldal na ito.

"Waiter!" Tawag ulit ni Julius. Teka, pang limang beer bucket na 'to kung sakali.

"No, Julius. Enough na siguro. Medyo madami na rin kasi tayong nainom." That's a lie. Nakikita ko kasi na kaya pa namin, pero hindi na kaya ni Bea. Mahina ang tolerance nito sa alak.

"Okay lang yan! Mahuhulasan din tayo, ayan  na oh." Nagulat ako sa sinabi ni Bea. Nakita naman namin na open na ang dancefloor.

"Tara sa gitna, para mahulasan din tayo!" Game na tumayo si Nikki at nagsa-sayaw papunta sa gitna. Sumunod naman si Macy at Kate.

"Tara, Sir!" Sumunod na din si Julius.

So? Kami ni Bea ang maiiwan sa upuan?

"Bea? Kaya mo pa ba?" Tanong ko sa kanya pagkatapos niyang ubusin ang local beer na nasa baso niya.

The Garcias: Gino - Melting Mr. SubzeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon