Chapter 48

42 0 0
                                    

A/N

Konti na lang, epilogue na :)

Need ko na siya tapusin dahil dalawang story na ang naka-line up. Mahihirapan na daw kasi ako kapag hindi ko pa tinapos yung part ni Gino.

__________

-Chapter 48-

[BEA'S POV]

Sobrang sumama ang loob ko kay Gino nang gabing iyon. Alam kong hindi naman big deal pero nakakatampo talaga.

Nandito ako ngayon sa Bulacan, kasama sina Tita Virgie at ang mga pinsan ko. Tahimik dito dahil palayan ang nasa labas nila at sariwa ang hangin.

Kung minsan ay sinusundo ako ni Gino dito, kapag papasok sa opisina, dito ako magpapahatid, hindi sa condo niya. At kapag nagpapa-check up ako, dadaan kami sandali sa mansyon nila, pagkatapos ay dito niya ulit ako ihahatid.

Madalang kami mag-usap. Kadalasan, ang topic pa namin, tungkol sa trabaho. Or di kaya yung result ng check-up. Doon lang umiikot ang pinag-uusapan namin. Pero kung minsan naririnig ko siyang minumura ang sarili niya. Hindi ko na lang pinapansin dahil normal na sa kanya yun.

"Grabe yan, teh! Hindi ba nangingilo ngipin mo sa kakakain ng kamias?" Sabi sa akin ni Lala, pinsan ko.

Kamias ang kinakain ko ngayon, tapos isinasawsaw ko sa alamang.

"Ang sarap kaya," kanina pa kasi ako naglalaway eh.

"Eh... ate, dumaan si Alden Richards dito kanina, kinakamusta ka," pati ba naman dito sa Bulacan eh yun ang tawag sa kanya?

"Hayaan mo na yun!"

"Hindi mo ba namimiss?"

She got me there! Miss na miss ko na si Gino 'noh. Kailangan lang talagang turuan ng leksyon yun paminsan-minsan.

"Ba't ko siya mamimiss eh gabi-gabi niya akong binubwisit!"

"Naku naman teh! Limang buwan na yang tiyan mo. Para ngang walong buwan na sa laki eh! Hanggang sa manganak ka ba paiiralin mo pa rin yang pride mo?"

"Kailangan ko lang naman siyang turuan kung paano magtrato ng tama sa mga buntis."

"Tch! Iba ang pagtuturo sa pagiging hard. Isipin mo na lang yung sakripisyo niya. Imagine driving for hours. Susunduin ka dito ng five in the morning, tapos ihahatid ka niya dito paglabas mo sa office. Then magpapacheck-up ka, yung biyahe pa lang from Makati to Bulacan to BGC to Bulacan, uuwi pa sa kanila."

"Kayang-kaya niya yun. May resting area naman kami. Saka hindi ko naman sinabing gawin niya yun. Nagkusa siya, edi magdusa siya!"

"Ewan ko sayo! Bahala ka nga dyan! Magdahan-dahan ka na nga lang at baka sumakit yang tiyan mo."

Ipinagkibit-balikat ko ang sinabi ni Lala. Wala akong paki! Mas masarap kumain ng kamias kesa isipin ko yung tukmol na yun.

"Carlo, sige na! Isungkit mo na ako ng santol kina Mang Teroy! Dali na..." pilit-pilit ko naman ang pinsang si Carlo.

"Ate Bei, ayoko nga. Baka gapangan ako ng higad dun."

"Sige na please," napa-tigil ako sa pangungulit nang pumarada ang isang itim na kotse sa di kalayuan. Umibis ang sakay nitong si Gino at may dala-dalang basket at isang malaking bag.

"Baby I will be loving you 'til were seventy!" Nanganganchaw na kanta ni Lala. Humagalpak naman ng tawa si Carlo at tumakbo sa gate para salubungin si Gino.

The Garcias: Gino - Melting Mr. SubzeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon