Chapter 1

142 1 0
                                    

-Chapter 1-

Good na medyo bad

[BEA'S POV]

Nakakabwisit! Ano ba'ng problema ng driver na yun! Naka-red naman yung traffic light pero tuluy-tuloy pa din ang pagliko niya. Nakakainis din eh, 'no?

"Good morning, babe. Err... Bea..." Napangiti ako sa bati ni Kenneth. Long-time office buddy ko siya pero under siya ng ibang department. Sanay na ako sa mga biro niyang ganyan. Though sabi nila, crush daw ako nito nung bagong employee pa lang ako.

"Bad Morning, Ken," sagot ko sa kanya.

"Bad mood? Maaga pa para diyan."

"Eh, may pasaway kasing sumira ng umaga ko. Nakakainis lang."

"Why? Anong nangyari?"

"Muntik na akong masagasaan. Tumawid ako kase naka-red na yung traffic light. Tapos, nakita ko, tuluy-tuloy din yung liko niya. Mabuti na lang, nakatakbo ako."

"Nahuli naman ba nung traffic aide?"

"I think so."

"Tch! Buti na lang at nakaiwas ka sa disgrasya. Kapag nagkataon, kargo ka pa niya. Ang dami na talagang reckless driver ngayon!"

Pinilit ko na lang na wag ng isipin. Kaso nga, eto sina Zoey at Thea, nagpapakwento kung anong nangyari. Ang bilis naman ng balita?!

"OMG! Nakita mo ba yung driver?" Tanong ni Zoey sa akin.

"Hindi eh. Sayang, dapat pala, huminto muna ako para kalampagin yung kotse niya," sagot ko kay Zoey.

"Eh girl, dapat nagtry ka din silipin yung driver, malay mo, gwapo pala!" Sabi naman ni Thea.

"Naku! Oo nga, Bea. Karamihan sa mga masusungit na driver, gwapo." Suporta naman ni Zoey.

"Di rin ah! Yung nasakyan kong jeep kanina, suplado yung driver pero-" hindi ko na tinuloy. Basta masungit yung driver at ayaw manukli.

Tumawa lang sina Zoey at Thea.

Ginawa ko namang busy ang sarili ko, paano, may new product launch kami in three days. Sheesh! Eto ang hirap kapag sa apparel and cosmetic company ka nagta-trabaho. Too much pressure will kill you, Beatrize. Hahaha!

Nag-joined forces kami ni Zoey. Iba kasi ang forte ni Thea.

"My ghad!!!" Nag-inat si Zoey. Humigop din siya ng kape na tinimpla ko kanina. "Ahng sharap mo talaga magtimpla ng kape, Bea. Nakakalasheng!" Arte pa nito.

"Tumigil ka nga dyan, Zoey. Malapit na akong matapos, okay?!"

"Okay. Make it quick ha?!"

Niyaya naman ako ni Zoey na magkape sa labas. May pagka-caffeine dependent din kasi ang isang 'to. Pero na-'rehabilitate' na daw ang addiction niya. Kung dati ay four cups of coffee ang naco-consume niya, ngayon daw ay two cups na lang.

"Bru, alam mo, kanina pa tumitingin sa'yo yung isang yun," sabi ni Zoey sa akin at inginuso yung guy na two tables away lang sa pwesto namin.

"Baka naman tulala lang?" sabi ko at dineadma yung itinuturo ni Zoey na lalaki.

"Hindi eh. Iba kasi ang titig sa tulala."

"Naku, Zoeypot! Tumigil ka na nga!"

"Ang gwapo nya! Swear!!!"

"I don't care!"

"Seriously, Bea. I think he likes you."

"That's just too impossible, Zoey. Walang love at first sight 'no! Halika na nga! Umuwi na tayo."

The Garcias: Gino - Melting Mr. SubzeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon