Chapter 39

45 0 0
                                    

-Chapter 39-

Warning: SPG ahead

[GINO'S POV]

Hindi ko naman alam kung bakit ako pinagpapawisan. Malamig naman ang paligid. Kumportable naman ako sa aking kinauupuan. Beatrize squeezed my hand to get my attention.

"Alam mo, Gino, wala ng mas importante pa sa akin kundi ang makitang masaya ang kapatid ko. Alam mo na rin siguro ang pwede kong maging reaksyon kapag nakita kong nasaktan yang kapatid ko," kalmadong sabi ni Bettina sa akin.

"I always keep that in mind, Bettina. That's why I am asking your permission to marry your sister."

"Si Bea na ang makakapagdesisyon niyan, Gino. I know you're a good man dahil sabi nga ni Bea ay nagbago ka na. And I know you will never hurt my sister."

Para akong nabunutan ng tinik matapos ang araw na iyon. Ramdam ko na ang excitement.

"O, babe, bakit ka napatawag?" Tanong ni Bea sa akin. Ihinatid ko kasi siya sa ospital dahil ibinalita sa amin ni kuya Enrico na nanganak na daw si Helga.

"I'm just checking you out. Kumusta naman si Helga as a patient? Hindi ba nangungulit?" I did warn her beforehand. Kung makulit si Helga sa paningin ko, tingin ko ay mas magiging makulit siya dahil si Bea ang kasama niya.

"Sa lagay ba naman ni Helga na 16 hours naglabor, tingin mo, makakapangulit pa 'to?"

"Wait! Seriously?! 16 hours?"

"Oo... Eto, gumising na siya pero groggy pa rin kaya pinatulog muna ulit ni kuya Enrico."

"Okay. I'll be there in a while. Pupunta tayo ng Palawan bukas eh," I know magugulat siya. Pero may kailangan kasi akong asikasuhin at kailangan na kasa-kasama ko siya.

"Kaagad? Bakit ang bilis naman?"

"Nasa Pilipinas kasi si Mr. Pattinson. Remember the guy who was with me during the anniversary party?" Alam kong natatandaan niya iyon knowing her na hindi man mabilis makapag-memorize ng linya ng isang kanta ay madali niya namang nakikilala ang mga tao sa paligid niya.

"Oo, eh, bakit daw?"

"May business proposal siya para sa resort!" Excited kong pagkakasabi sa kanya.

"Oh really?! Wow babe! Ikaw na talaga! Improving!"

"Told you! Life's a lot better when you're with me!" Pagmamayabang kong sinabi sa kanya.

"Yeah, fine!" Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang line. "See you later, babe."

"Okay. I love you!"

"Take care. I love you more, babe!"

Ang hindi lang alam ni Bea, there's so much more to Palawan besides that business proposal. And I'm getting so much excited. Ilang oras na nga lang ba?

Tinupad ko naman ang usapan na dalawin si Helga sa ospital. Kumpleto kami ngayong magkakapatid at nandoon din ang mga misis nila, kasama ang soon to be misis ko na si Bea.

"Dude, wag kang ng ma-inggit kay kuya! Panahon na para gumawa ka na rin ng sa'yo. Malay mo, ikaw pa ang makaputol ng sumpa!" Kanchaw ni Mikko sa akin.

"Kayo talaga, minamadali ninyo si Gino. Baka mamaya gumawa na agad yan!" Biro naman ni Kuya Enrico.

"Eh... Basta ba gusto na ni Bea, makaka-hindi pa ba ako?" Napatawa naman silang lahat kasama si Bea.

The Garcias: Gino - Melting Mr. SubzeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon