Multimedia:taehyung and irene
Kate's POV
"NATATANDAAN mo ba 'yan, baby?" Paanong di ko matatandaan, e dito ko unang nakita si taehyung na nakahalf nake.
"Oo naman, d'yan kita unang nakita e. Tska tinawag mo 'ko d'yan diba?" Sabi ko.
"Ahh, oo." Hahahha, nakakatuwa. Dati lang ay sinusungitan ko siya ngayon naman kami na.
"Bakit mo nga ba ako tinawagan no'n?" Tanung ko?
"Ewan ko ba. 'Yon siguro ang tinatawag na LOVE AT FIRST SIGHT, unang kita ko pa no'n sayo parang nahulog na ako sayo tapos parang inlove na. Ginayuma mo ata ako e." Sabi niya.
Aba, loko talaga ang lalaking 'to. E di nga uso ang gayuma sa kanila tapos ginayuma ko daw siya? Wow lang.
"Hindi nga uso ang gayuma sa inyo e, panu mo nalaman 'yon ha? Baka ikaw ang gumayuma sa'kin, kasi tignan mo. Minahal kita." Tudyo ko sa kanya.
"So, gano'n? Ginayuma lang kita? Talagang gano'n, baby?" Tanung niya.
"Baka lang naman, ang seryoso mo!" Sigaw ko sa kanya tapos iniwan siya do'n. Umupo ako sa tabi nang dagat, nasa pangpang na ako ngayon.
Dito nagsimula ang pagiibigan namin ni taehyung at nauwi sa iwan ko siya then after a years nagkita na naman. And boom, kami na ngayon. Napapikit naman ako nang may yumakap sakin patalikod. Nababasa na kami ngayon.
"What's your thinking?" Tanung niya.
"Wala." Sabi ko.
"Anu nga?" Pangungulit niya.
"Naalala ko na dito tayo unang nagkita then nauwi sa iwan kita kasi kailangan, then after year nagkita na naman tayo." Sabi ko.
"Because, we're destined to each other." Mga banat talaga nang lalaking 'to.
"Kikiligin naba ako, hon?" Sarcastic kong sabi.
"Syempre."
"Gago!" Asik ko.
"Hahaha, mahal na mahal kita kate ha. Kahit na anong mangyari, mahal na mahal kita. Ipaglalaban kita kahit na gumunaw pa ang mundo." Bakit ang seryoso niya?
"Bat ang seryoso mo?" Nakasimangot ko.
"Hindi ako seryoso, sinasabi ko lang na mahal na mahal kita. Since nandito na din tayo kung saan tayo nagkakilala. Dito na din ako mangangako sayo, dito sa harap nang dagat na 'to dito ko bibitawan ang pangako ko sayo. At dito din tayo tutupad nang pangarap. Ang dagat na 'to ang saksi nang lahat." Seryosong sabi niya.
Humarap ako sa kanya tapos nakita ko sa gwapong mukha niya na seryoso siya sa pinagsasabi niya. Bakit ba ang seryoso niya? Natatakot ako pag ganito e.
"Kate, baby. Pinapangako ko sayo, na kahit na anong mangyari hinding-hindi kita iiwan. Ipaglalaban kita kahit na ikamatay ko pa iyon. Kahit na ilayo ka nila sa'kin, hahalugin ko ang buong mundo para makita ka. Gano'n kita kamahal na kahit ibuwis ko pa ang buhay ko para sayo. Mahal na mahal kita, kate. Sana lagi mong tatandaan 'yan ha." Hindi ako makakibo nakatitig lang ako sa kanya. Bakit ang seryoso nang lalaking 'to ngayon? Alam ko naman na hindi niya ako iiwan e.
"Alam kong iniisip mo si mama, wala akong pakialam. Diba nga sabi ko, kahit na buhay ko pa ang ibuwis ko okay lang. Kasi dahil naman sayo. Kung kakailangan na labanan ko si mama para sayo gagawin ko. Kahit na itakwil niya ako bilang anak niya okay lang." Gago ata 'to? Talagang gano'n niya ako kamahal?
"Hindi mo pa kasi kilala si mama, kaya niyang gawin lahat. Kahit na ipapatay ka niya kaya niya. Sabi nga niya, masira na lahat 'wag lang ang dangal nang pamilya namin. Kaya poprotektahan kita ngayon sa kanya." Do'n na tuluyan nahulog ang mga luha ko. Bakit ba nakilala ko ang ganitong klaseng lalaki? Deserve ko ba siya? Deserve ko ba ang pag mamahal niya?
"Pinapangako ko ang lahat nang 'yon, baby. Hangga't kasama mo ako, walang mananakit sayo." Tapos pinahid niya ang luha ko tska niya ako hinalikan sa noo.
"Ikaw? Anong pinapangako mo sa harap nang malawak na dagat na ito?" Tanung niya.
"Wala na akong ipapangako pa, hon. Basta't lagi mong tatandaan ha, mahal na mahal kita at sabi mo nga kahit na anong mangyari di mo ako iiwan. Hinding-hindi din kita iiwan, ipaglalaban kita hon. Always remember that." Then hinalikan ko siya sa labi, napangiti naman ako nang tinugon niya.
Hanggang sa naging mapusok ang halikan namin, ready na akong ibigay sa kanya ang sarili ko. Mahal na mahal ko ang lalaking 'to.
*************
PS:Anung sa tingin niyo? May nangyari ba sa kanila? Hahahha. Enjoy:)
-Jai❤️
BINABASA MO ANG
Forbidden love (Complete)✔️
Teen Fiction"Forbidden to love her." LOVE SERIES 2-KIM TAEHYUNG