Chapter 21

719 20 0
                                    

Multimedia; jungkook, namjoon, jimin

Taehyung's POV

NAKAUPO ako sa waiting area nang hospital na nagmamay-ari isa sa kaibigan ni jaylyn. Nasa OR si kate ngayon tinatanggal 'yon bala na pinutok ni bladimir sa kanya. Nakapagdonate na din ako nang dugo,buti na lang magkatype kami nang dugo.

Ilan oras na ang nakalipas pero hindi pa lumabas sa OR 'yon doktor, bakit ba tagal niyang lumabas? May nangyari bang masama kay kate?

Hindi ko pa nasasabi sa pamilya niya ang nangyari, tinatawagan ko na ang ina ni kate kanina kaso pinigilan ako ni jaylyn. Hindi na daw kailangan, wala naman daw pakialam ang magulang ni kate sa kanya. Bakit sila gano'n kay kate? Mabait naman si kate ha.

"Kamusta na si kate?" Tanung ni jin.

Hindi ko alam anung sasabihin ko kay jin, nandito silang lahat. Pero kahit isang word lang hindi ko masabi. Parang nawalan ako sa hulirat. Inaalala ko si kate ngayon, panu kung iwan niya 'ko? Sana naman hindi, hindi ko makakayanan pag iniwan niya ako. Hindi!

"Hindi ko alam jin, nasa loob pa siya nang OR, at pati doktor hindi pa lumalabas. Nagaalala na ako, baka may nangyari nang masama sa kanya." Sabi ko.

"NAnd'yan ang diyos, taehyung. Hindi niya tayo papabayaan. Basta magtiwala ka lang sa kanya." Singit naman ni namjoon.

"Hindi ko alam, namjoon."

May diyos pa ba? Matagal na akong hindi naniniwala sa kanya, matagal-tagal na. Pero dahil ngayon nasa OR si kate parang naniwala na ako.sisingit sana si jimin kaso biglang lumabas 'yon doktor na nagoopera kay kate, bigla naman akong napatayo. Ohsht! Anu na kayang lagay ni kate?

"Okay na ang lagay nang pasiyente, stable na siya ngayon at natanggal na din ang bala sa tagiliran niya. Nagpapahinga siya ngayon at maaari niyo na siyang puntahan. Hintayin na lang natin kung kailan siya gigising." Sabi nang doktor.

"Maraming salamat, dok." Sabi ko naman.

"Walang anuman." Tinapik niya ang balikat ko at umalis na.

Agad naman akong pumunta sa room ni kate, nailipat na kasi siya sa private room. Nakita ko siyang walang malay at nakahiga sa hospital bed. Nakita ko din na may nakapalibot sa gilid niya. Do'n kasi tinamaan ang bala nang baril. Lumapit ako at umupo sa tabi nang kama na kinahihigahan niya.

"My kate.." simula ko.

Nakatingin ako sa kanya ngayon, hindi ko namalayan na  may luha na  palang tumutulo sa mga pisngi ko. Hindi naman ako iyakin pero dahil kay kate naging iyakin ako. Siya ang kahinaan ko, mahal na  mahal ko ang babaing ito.

"Kate, gumising kana.. Huwag mo akong iiwan, mahal na mahal kita. Hindi mo pa nga ako sinasagot e. Kaya dapat magising kana. May naghihintay din sayo. Kaya please gising na mahal ko.." sabi ko habang umiiyak.

"Hindi mo naman siguro ako iiwan/kami. Hindi mo naman siguro hahayaan na maging baliw---"

"M-manahimik  ka nga sa... Kadramahan mo t-taehyung! Buhay ako, h-hindi mo ba nakikita?! P-pinapatay mo na ako e!"

Dahil sa tuwa ko, bigla ko na lang siyang nayakap. Ohgod! Thanks god, gising na din si kate.

"I-i cant... b-breath!"

Hindi ko alam pero bigla ko na lang siyang niyakap tapos hinalikan. Mahal na  mahal ko talaga ang babaing 'to.

"Hindi mo naman siguro halatang miss na miss mo si kate?" Sarcastic na sabi ni jaylyn.

"Nagagalak lang ako." Sabi ko.

"Wow? Deep tagalog." Asar sa'kin ni namjoon. "Kailan pa 'yan taehyung?" Asar na naman niya.

"Manahimik ka nga, namjoon!" Sigaw ko.

"Good thing gising kana, cous." Papunta ngayon si marj.

Bumangon naman si kate at umupo. "Masamang damo ako cous, so no worries." Then she wink.

"Sabagay cous, halos patayin mo nga si kc no'n e." Natatawang sabi ni marj.

"Yeah, yeah.."

"Umalis mona kayo, kakausapin ko siya." Sabi ko.

"Privacy?" Natatawang sabi ni jimin.

"Gago! Alis mona, kakausapin ko lang siya!" Pananaboy ko sa kanila.

Nang makaalis na silang lahat, tumingin ako kay kate. Siya naman ay nakatitig lang sa'kin.

"What?" Tanung niya.

"I miss you.." sabi ko.

"Manahimik ka nga, taehyung! Nakita mo lang ako kanina." Saad niya.

"Oo, pero no'n barilin ka ni bladimir." Sabi ko naman.

"Kamusta pala ang gagong 'yon? Muntik na niya akong patayin ha?" Inis na sabi niya.

"Hindi mo ba alam na naging syota nang ate jaylyn mo 'yon dati?" Tanung ko.

"What?"

"Sabi ko, naging syota pala nang ate jaylyn---"

"Ohmygod! Siya ba si kuya joshua?" What? Anu daw? Joshua?

"Sinong joshua?" Takang tanung ko.

"May naging syota si ate jaylyn no'n, pangalan niya joshua. Kaso naghiwalay sila. Ang alam ko dahil mas pinili ni kuya joshua ang trabaho niya kaysa kay ate." So, joshua pangalan niya? At hindi bladimir?

"Pero bakit bladimir pangalan niya? Kaya pala familiar 'yon mukha niya sa'kin." Tuloy na naman niya.

Sabi nga ni jaylyn kanina, sumanib ang bladimir na 'yon sa kalaban nila. Pero ang gulo! Pano nangyari 'yon? Kailangan ko sigurong makausap si jaylyn minsan na araw.

"Change topic, what do you feel?" Tanung ko.

"I'm feeling better.."

"That's good to hear." Sabi ko.

"Kailan ako makakauwi? Ayoko sa hospital." Nakabusangot niyang sabi.

"After that, kailan mo ako sasagutin?" Tanung ko.

"Kailan? Pag nagwinter dito sa pilipinas at pag nagkaro'n din nang spring day dito sa pilipinas."

-_-?

"Ginagago mo ba ako, kate?" Tanung ko.

"I'm died serious, Tae." Aba! Loko din ang babaing ito.

"I'm not joking around, kate! I want to be our relationship to officially real! I want to be your boyfriend! Na may karapatan akong magselos na angkinin ka!" Parang sasabog na  ako sa sobrang inis.

Tumawa naman siya. Nakakainis talaga, pinagtatawanan niy---

Nabigla ako nang bigla niya akong halikan tapos kapit na kapit siya sa batok ko. Pinaglalaruan na naman ako nang babaing 'to! Pero ang sarap palang humalik nang isang kate mae sapnu. Feel na feel ko tuloy kami na. Hahaha!

"Pwede na ba iyon?" Sabi niya.

"What?"

Nababaliw na naman ang babaing  'to. Anung pinagsasabi niyang pwede na? Hayyy.

"Kim taehyung, sinasagot na kita! Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na tawagin kang boyfriend at hindi ko na mapigilan ang sarili ko na tumibok ang puso ko sayo. Mahal na mahal kita, so tama na sa drama! Sinasagot na kita, KIM TAEHYUNG!" speechless.

"S-sinasagot mo na ako?" Sabi ko.

"Oo, ayaw mo?" Sabi niya.

"Hindi  'no! Gustong-gusto ko! So, akin kana ngayon?! Akin kana talaga ngayon! Akin lang! Wala nang iba pa!" And then i grabbed her head and kiss her torridly.

"I love you.." i said between are kisses.

"I love you, too.." sabi din niya.

Hinalikan ko siya ulit, mahal na mahal ko ang babaing 'to! She's mine now! Mine only.

**********

PS:HAPPY BIRTHDAY KIM TAEHYUNG! ❤️

A/N:Happy kim taehyung day! Sana po nagustuhan niyo!

-Jai❤️


Forbidden love (Complete)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon