Simula

13K 400 39
                                    

Simula

Malamig ang simoy ng hangin. Madilim ang kalangitan. Dumadagundong ang kulog at gumuguhit ang kidlat. Mga senyales na malakas ang parating na ulan.

Isang humahagibis na ambulansya ang tumatahak sa kalsada na nagsisilbing entrance at exit sa Sitio Seven.

"Damn it! Bilisan mo pang magmaneho!" singhal ng doktora sa doktor na nagmamaneho ng sasakyan palabas ng Sitio Seven. Hindi sapat sa kanya ang 120 kph lang dahil nababagalan pa siya rito. Kailangang mas bilisan pa!

Nakasuot ng laboratory coat at surgical face mask ang dalawa. Sa sobrang pagmamadali at kabang nararamdaman ay nakalimutan na nila itong hubarin kanina at nang maalala naman ay hindi na sila nag-abala pa dahil hindi naman iyon mahalaga. Mas mahalaga sa kanila ang makalabas agad sa lugar dahil kapag nahuli sila ng kanilang tinatakasan ay tiyak na lagot na.

"Ikaw kaya ang magmaneho?!" naiiritang sigaw ng lalaki. Gustuhin man niyang sagarin ang speedometer ng sasakyan ay hindi niya magawa sa takot na mawalan siya ng kontrol bigla. Kahit gaano pa katibay ang hawak niya sa manibela kung may katabi naman siyang hinahampas ang braso niya sa tuwing mas binibilisan niya ang pagmamaneho ay posible talagang mawalan siya ng kontrol. Bukod kasi sa malabakal nitong kamay ay bumabaon din sa braso niya ang mga kuko nito, idagdag pa ang sigaw nitong napakasakit talaga sa tainga.

"Sige! Para madamay tayo sa kabaliwan ng lalaking iyon!"

"Joke lang. Ito na nga, oh. Nagmamadali na." Parang anghel na ngumiti ang doktor kahit na sa loob-loob niya ay nagngingitngit na siya sa inis. Mas binilisan pa niya ang pagmamaneho at tiniis na lamang ang pananakit ng katabi niya. Tsk. Tuturuan ko na talaga 'tong magmaneho!

Ilang metro na lamang ang layo nila sa arko nang unti-unting umangat ang kalsada. Nanlalaki ang mga matang nagkatinginan ang dalawa. Hindi man sigurado ang lalaki kung kakayanin nilang makatawid pero susubukan pa rin niya. Diniinan niya pa lalo ang pagtapak sa accelerator hanggang sa maging 180 kph na ang speedometer nila. Napakapit nang mahigpit ang babae sa braso ng lalaki at nagdasal ng kung ano-ano. Nahihilo at nasusuka siya dahil para silang lumilipad. No, lumilipad talaga sila. Samantalang kabadong-kabado naman ang lalaki dahil paniguradong mamamatay sila kung hindi sila makakatawid sa kabilang kalsada.

"Yes!" hiyaw ng doktor na napasuntok pa sa hangin. Pinunasan niya ang noo gamit ang likod ng palad niya. Pinagpawisan siya sa sobrang takot at kaba na baka hindi nila kayanin at mahuli sila.

Napamulat na rin ang doktora. Nakakahilo man ngunit nagpapasalamat siya na nakatawid sila sa kabila.

"Walang'ya ka! Kinabahan ako sa 'yo!" Nanggigigil na sinabutan niya ang doktor na napadaing na lamang.

Ngunit natigilan silang dalawa nang makarinig sila ng tunog ng pag-lock. Napatingin silang pareho sa kanilang likuran. Tuluyan ng nakataas ang kalsada at tubig na ang kababagsakan nila sa isang maling atras lamang ng sasakyan. Dagat ang nasa kanan nila at gubat naman sa kaliwa na may mga kulay pulang ilaw. Mga laser iyon na magdadala sa tiyak na kamatayan ng kung sinuman na magtatangkang dumaan dito.

"Sitio Seven is now closed."

ZOMBREAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon