Chapter 6

1.4K 23 0
                                        

"Sabihin mo lang kung ayaw mo rito."

Umiling ako.
"This place is much better kesa naman sa dalhin mo ako sa gubat." sagot ko.

Pinagsaluhan namin ang mga pagkain na dala niya sa loob ng ticket booth.
Wala naman kasing ibang lugar na pwedeng pagkainan, alangan namang kumain kami sa mga rides, 'di ba?

"Try this one." sabi nito at itinapat ang cassava cake sa bibig ko.

Kinain ko naman iyon. Puro high calories ang mga pinapakain niya sa akin, ayokong nagmukhang dabyana kahit na sinasabi nilang chubby is the new sexy. Mas gusto ko na hindi ako ganoon kalaman at hindi naman ako puro buto.

"I'm glad that you didn't resist having a date with me."

"Naaawa kasi ako sa'yo." mabilis kong sagot.

"Ganun? Kailangan pala lagi akong maging kawawa sa harapan mo so that you can't say no?"

"Baliw ka." sabi ko naman at tinapos na ang aking pagkain.

Matagal bago siya nagsalita muli.
"Are you still in love with Enrie?" out of the blue niyang tanong.

Hindi ko ito sinagot. Walang dahilan para pag usapan namin si Enrie sa ganito kagandang oras.

"Mahal mo pa ba siya?" he asked again.

"Oo." mabilis kong sagot upang matapos na ang usapan.

Hindi na siya umimik pagkatapos, hindi na rin kami nagtagal doon at naisipan na naming umuwi. Ngunit hindi parin niya ako kinikibuan.

What now?

"Huwag mo na akong ihatid, umuwi ka na." sabi ko pagkapark na pagkapark niya ng kaniyang sasakyan.

Lumabas na ako ng kotse at lingid sa aking kaalaman e nakasunod parin pala ito hanggang sa elevator.

Naramdaman ko ang lamang ang presensya niya nang sumabay siya sa pagsakay doon.
Talagang balak niyang sumunod hanggang sa unit ko.

Natigil lamang kami sa paglalakad nang makita namin kung sino ang nasa harapan ng unit ko.
Mabilis akong hinapit sa bewang ni Felix.

"What are you doing here?" tanong ko.

Nakatingin lamang si Enrie sa kamay ni Felix na nakapalupot sa aking katawan.

"We need to rest, if you excuse us." malamig na saad ni Felix at hinayaan na akong buksan ang pintuan.

Bago ko pa ito maisara...

"Can we talk, TONI?"

"Ano pang pag uusapan ninyo? Wala na, hindi ba?" sabat ni Felix.

"I'm not talking to you, Felix."

"Ayokong makarinig ng mga salitang walang kwenta. Bilisan mo." sabi ko at lumabas muli.

I'm curious, baka naman may gusto talaga siyang sabihin. Except dragging the "balikan" thingy again.

Lumabas akong muli at sinarado ang pintuan.

"Can we not talk inside your pad?"

"Ok na dito, at least I don't need to force you to get out kapag na pissed off ako sa sasabihin mo." sagot ko.

Huminga siya ng malalim at nagpamulsa.
"I just want to tell you why I left...--"

"That's nonsense." putol ko kaagad at tinalikuran na siya.

"No, please, stay. Bakit ba ayaw mong pakinggan ang explanation ko?"

"Idiot, because I already have a husband. Cheating is not my style." sagot ko at inirapan pa ito.

"You are not cheating, wala namang kayo e. Tita Viktoria doesn't know that you two are married. Stop fooling around, hindi ito nakakatuwa."

Ok, I'm not dead but I'm in a critical situation. Reason, reason, reason...

"Fine, we are not married but we are in a relationship and we're planning to be one. So, please stop pestering my life, Enrie. Tapos na tayo, wala ng  dahilan upang buksan ang nakaraan."

"...and whatever your reasons are, wala na akong pakealam. Leave me alone." sabi ko at pumasok na.

Pagpasok ko naman ay muntik ng maghiwalay ang kaluluwa ko dahil kay Felix.
Nakatayo siya sa gilid ng pintuan at nakatingin sa screen kung saan kitang kita rinig na rinig niya kung ano ang pinagusapan namin ng pinsan niya.

"You scared me, Felix. Ano pang ginagawa mo diyan?" sabi ko at saka na siya nilagpasan.

Dumiretso ako sa banyo upang ihanda ang tubig panligo ko.
Paglabas ko ay sinalubong ako ng isang tanong mula kay Felix.

"Akala ko ba mahal mo parin si Enrie?"

Heto nanaman ba ang issue? So what if I love that man?

"So?"

"Why are you pushing him away? Hindi ko maintindihan. If I were you, seeing my love again after how many years, binalikan ko na siya agad-agad."

Tama ka, ganun dapat ang ginawa ko. But I have plans to be finish.

"Hindi iyon madali." sagot ko.
"Alam mo kung anong ginawa niya sa akin, alam mo kung ano ang mga pasakit na dinulot nang pag iwan niya sa akin. You can't just give up everything like that, you can't just say yes agad-agad, you can't just forget everything sa isang sorry at sugarcoated na mga salita. I'm not the old easy girl, Felix."

Nakatitig lamang siya sa akin hanggang sa makalapit na ito ng tuluyan.

"Date me for real, Antonia."

Umiling ako kaagad.
"No."

Maikling sagot but very meaningful. No, because he's not the man I want. No, because I might hurt him once he really fell for me. No, because he is a Reagan.

Friendship lang ang maibibigay ko sa kaniya.

"Not because I am using you as my fake lover it means na mahuhulog na ako sa'yo tulad ng mga nababasa at napapanood mo. I'm using you because you are my only friend and you are letting me to use you because I am your friend. Sounds selfish, pero that's the only thought I have."

He sighed.
"Hanggang kailan mo ako papahirapan? I mean, hanggang kailan itong set up natin?"

"Kapag nawala na sa frame si Enrie. Kapag napagod na siya titigil na tayo, back to normal na."

I'm sorry Felix.

Raegan's DivulgenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon