Chapter 39

629 13 0
                                        

Kinabukasan, I didn't felt any different feeling tulad noong una akong mabuntis. Kinakabahan tuloy ako baka false alarm lang ang lahat.

"Ang lalim naman ng iniisip mo." sabi ni Felix sa akin at dumapo ang kaniyang palad sa aking tiyan.

"Nag iisip ka na ba ng pangalan niya? O iniisip mo kung kailan mo ako sasagutin ng oo sa inaalok kong kasal?"

Napatikhim ako.
"Felix...--"

"Ang sabi mo tatawagin mo na akong tart?" putol niya sa akin.

"Ok, tart. Happy?" sabi ko then I released a deep breath.
"Ang gusto ko kasi ay sagutin ko iyang alok mo kapag nasa Manila na tayo at kaharap mo ang mga magulang ko ganun din sa mga magulang mo."

Randam ko na nag iba ang mood niya dahil umayos siya ng higa at inunan ang dalawa niyang kamay sa kaniyang ulo.

"Naisip ko kasi na huwag na tayong bumalik sa Manila. Masyado ng toxic ang mga tao doon at mas gusto ko na rito." mahina niyang sabi pero saktong maririnig ko.

Umupo ako at humarap sa kaniya.
"Kung may problema man sa pastry shop mo huwag mong sarilihin kasi andito naman ako. I will do everything para matulungan kita. Never mong matatakasan ang problema mo na iyan, all you have to do is face your problem and try to fix it."

Hindi naman siya sumagot, he remained silent. He is not the Felix that I used to know.

"Stay positive, tart. Nandito lang ako para sa'yo." sabi ko then I gave him a sweet kiss on his forehead.

"Ok, fine. Para sa ikapapanatag ng loob mo, sige na. Oo na magpapakasal ako sa'yo."

Those words light up his mood. Ngumiti siya at sinalubong niya ang aking labi ng isang matamis na halik.

"Pero kailangan parin natin bumalik sa Manila. At sa harapan ng pamilya ko, doon mo ako yayain ulit."

He nodded.
"Wala ng bawian iyan." he said and the next thing he did is he slip his hand inside my shirt.

"Felix!" suway ko sa kaniya.

Mukhang napalakas ang aking boses kaya naman sabay na nagising ang dalawa naming alaga.
The two squirm and stretch their arms. Natutuwa akong titigan sila, parang nakikita ko na ang future namin ni Felix.

"Tiya, gutom na po ako." sabi ni Sandra habang nag uunat ng katawan.

"Ako rin po." sabi rin ni Roi.

Tumayo na kaming lahat bago dumaan ang mga nangangalampag tuwing ala sais ng umaga
Kasama si Sandra tinulungan na namin si Nana Caring sa paghahanda ng agahan, samantalang sina Roi at Felix ang pumunta sa taniman upang kumuha ng mga kakailanganing sangkap ni Nana para sa tanghalian namin.

"Toni, buntis ka ba?" biglang tanong ni Nana habang piniprito niya ang itlog na native.

Hindi ako kaagad nakasagot dahil masyado akong binigla ni Nana sa kaniyang tanong.

"O-opo." sagot ko.

Tumango tango naman siya.
"Hindi mali ang hinala ko. Kaya maselan ka sa pagkain at amoy."

"Normal din po ba na hindi ako magkaroon ng morning sickness?" tanong ko.

"Oo naman, ibig sabihin nun e hindi gaanong maselan ang pagbubuntis mo."

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Nana. Ayoko naman na paasahin si Felix sa wala.

"Iyang pinagdadala mo e alam naba ng mga magulang mo iyan?" usisa ni Nana.

Bahagya akong umiling.
"Hindi po kami maayos ng daddy ko, Nana. Nag away po kasi kami ng ate ko at pati ang daddy ko po ay nadamay."

"Eh saan ka tumutuloy?"

Raegan's DivulgenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon