Chapter 9

1.1K 16 0
                                        

"Felix." hindi ko alam kung anong susunod kong sasabihin, o kung ano ang susunod kong galaw. Kinakabahan ako baka makita niya ang ginagawa ko.

"H-hintayin mo nalang ako sa labas." sabi ko at sinunod naman niya.

Madali kong isinave ang gawa ko at pinatay ang computer. Mabilis din akong lumabas ng kwarto.

"Sa susunod icheck mo muna 'yung pinto kung naka-lock ba." sabi nito habang inilalabas ang naka-tupperware na pagkain mula sa paper bag.

"Are you watching porn?"

Namula naman ang aking pisngi sa kaniyang tanong.

"Idiot! Of course not!" singhal ko sa kaniya. Duh!

He chuckled and he asked me to join him eating.

"Anong ginagawa mo kanina? What are you watching?" usisa niya.

"I'm just watching some clips of my news reporting. I feel embarrassed kaya ko tinakpan." I reasoned out.

Nagkibit balikat naman ito sa aking sinabi.
"Anyway, alam kong hindi ka pa kumakain kaya dinalhan kita ng makakain."

"This is too much, Felix."

"I'll join you, tart. Hindi pa rin naman ako kumain, even breakfast hindi pa." sabi nito at sinimulang lantakan ang kimbop na dala niya.

"I really hate being called, tart, or whatever endearments you used to call me." sabi ko naman sa kaniya.

"Why?"

"I just hate it." sagot ko.

Ilang sandali lamang ay may nagdoor bell.
"May inaasahan ka bang bisita?"

Hindi ko ito sinagot at tumayo sa aking pagkakaupo. I'm not expecting someone, pero baka si Don ang nasa labas.

Pagkasilip na pagkasilip ko sa screen ay bumungad ang mukha ni Enrie.

"What the hell is he doing?" wala sa sarili kong nausal.

"Sino iyan..--" natigilan sa pagtatanong si Felix nang makalapit siya sa kinaroroonan ko.

Nagulat naman ako nang bigla niyang pindutin ang unlock button ng aking pintuan.
Walang pinagkaiba kay Don! Argh!

"Hey!" suway ko.

"What? Let him in, I have a plan." sabi nito at kinindatan pa ako.

Muli kong ibinaling ang aking tingin sa screen, kitang kita doon ang mga ngiti ni Enrie ngunit napawi din ito agad nang si Felix ang sumalubong sa kaniya.

I'm feeling nervous right now. Hindi ko alam kung bakit.

"What brought you here, bro?" masiglang tanong ni Felix.
"Halika, come in."

Nauna na akong maglakad sa dalawa at umupo sa sofa.
Nawalan na tuloy ako ng gana kumain. Naglalaro kasi sa isipan ko kung anong plano ang pinagsasabi ni Felix.

"Sit down."

Talaga namang kung maka accommodate itong so Felix e parang kaniya itong condo.

Umupo siya sa aking tabi at saka ako inakbayan. Geez, that was so sudden. Marahan niyang hinahaplos haplos ang aking balikat kaya ang mga mata ni Enrie ay tutok sa kamay ni Felix na naka patong sa akin.

"I'm... I'm here to visit Toni." sabi ni Enrie at inilipat ang tingin sa akin.

"Bakit? May pag-uusapan ba kayo? I mean, hindi naman sa nanghihimasok..--"

"Hindi nga ba?" putol ni Enrie.

Felix smirked.
"I bet you already know that she's my girlfriend right? So, I have the right to ask." - Felix

Malamig ang tingin nito kay Felix, ngunit kapag sa akin siya titingin ay tila nag iiba ang ekspresyon niya.
Or... It's just me?

"Wala naman, nangungumusta lang."

"Ok, kamustahin mo na siya, go..--"

"You know what, Enrie? If you have something to tell or what just drop an email. I didn't change my email address." singit ko.

Pinutol ko ang sasabihin ni Felix dahil ayokong naririnig ang sarcastic side niya. It annoys me, or maybe it annoys me because he is talking with Enrie that way.

"Ok, ok. Can I set an appointment with you? I want to talk to you in private."

Nagmake face ako at napatango na lamang.
"Ok, ok."

Nagthumbs up naman itong si Enrie at tumayo na. Lumakad na siya patungo sa pintuan at hindi ko na ito sinundan pa ng tingin.

"What the fuck is that, Antonia?" now, Felix removed his arm over me at ipinatong iyon sa sofa.

Sasagot na sana ako when Enrie entered the frame again.

"Uhm, Toni..--"

Hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin at dapat ako ay lilingon pero ang pilyong si Felix ay bigla akong hinalikan.
I don't know what and how to react, napakabilis ng pangyayari.

Hindi rin ako makagalaw dahil hapit hapit ni Felix ang aking bewang while his other hand is on my nape pressing it hard to deepen the nasty kiss.

"Never mind, I'll just send you an email."

At nang marinig ko na ang pagsara ng pintuan ay saka pa lamang ako pinakawalan ni Felix.

"Ano ba, Felix. What do you think are you doing?!" singhal ko sa kaniya.

"Ako dapat ang nagtatanong sa'yo ng ganiyan. Akala ko ba the plan is to push that Enrie away?! I have a plan and you ruined it. As if, you really want to be close with that man again!"

Tumango lang ako para matapos na ang usapan. I have no other intentions.

Pero hindi ako makasagot kay Felix ngayon. Ako na nga itong humihingi ng pabor sa kaniya ako pa itong may ganang magalit.

"I'm sorry." sabi ko.

"I'm sorry for dragging you in this situation na dapat ako lang ang umaayos."

"No, Toni, It's just..--"

"It's off, ok na. Ako nalang ang bahala, you don't have to make plans again. I'm really sorry." sabi ko at tumayo na.

"It's obvious that you really really love that stupid asshole. Bakit ko ba inexpect na mahuhulog ka sa akin if we continue doing this?"

Raegan's DivulgenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon