Chapter 31

580 8 0
                                        

Pagkatapos naming mamitas ay mabilis kaming bumalik sa bahay. Talagang nagmadali kami dahil ayaw daw ni Nana Caring ang mabagal.

Hanggang sa bahay, dala namin ang ngiti sa aming labi. Napakasaya palang kasama ni Cecil.

Naabutan namin na nakaupo sina Nana sa harapan ng lamesa ngunit wala si Felix.

Tinulungan naman kami ni Nana sa dala naming basket.
"Oh mabuti't nandito na kayo. Akala ko'y hindi na kayo makakahabol sa agahan namin." aniya.

"Nana, si Felix po?" tanong ko.

"Hay nako, tulog pa."

Hindi na ako sumagot pagkatapos at tumuloy sa kubo kung nasaan ang sleeping beauty na si Felix.

"Hoy Felix gumising ka na nga." sabi ko at tanapik ang kaniyang braso.
"Mag a-alas nueve na tulog ka pa din."

Namulat naman siya agad at nag unat.
Mukhang wala pa siya sa wisyo hanggang sa makaupo na siya sa harapan ng hapagkainan.

"Bakit parang puyat na puyat ka, Felix? Hindi ka ba nakatulog ng maayos?" tanong ni Nana.

"Hindi po, Nana. Pinupupog kasi ng lamok itong si Toni kagabi kaya hindi ako makatulog kakapatay sa mga lamok. Pinagpapawisan din siya kaya nalilingat ako para paypayan siya." sagot nito then he yawn.

Mataman kong tinitigan si Felix.
He did that last night? For me?

Sinagi naman ni Cecil ang aking kamay at nginitian ako. Iyong mga ngiti na may ibang kahulugan.

"Hayaan mo, within this week maitutuglong na ni CJ ang kuryente diyan sa kubo niyo." nakangiting saad ni Nana.

Hindi ako nagsasalita sa buong agahan dahil  hindi ko inasahan ang sakripisyo na ginawa ni Felix kagabi.

Kaya pagkatapos naming kumain, dumiretso ako sa kusina at hiniwa ko ang isang pipino sa maliit na piraso. I cut it into four circle pieces at dinala kay Felix na nagpapahinga sa kubo.

"Hey, ilagay mo ito sa mga mata mo before your eyebags get worse." sabi ko at inabot ang dalawang piraso sa kaniya.

Inilagay ko din sa aking mga mata ang natira at humiga sa kaniyang tabi.

"Ginawa mo talaga 'yun? I know you love show-offs."

"Oo nga. Your skin is too flawless para malagyan ng kagat ng lamok." sa tono ng boses niya, para bang inaantok parin ito.

"Thank you, anyway." I said.

"I'm not accepting that thank you of yours."

Umisding ako sa sinabi niya.
"Edi wag."

After that, nabigla na lamang ako nang mabilis na dumampi ang labi niya againts mine.

Napaupo ako at kinurot ang kaniyang tagiliran.
"Ano ba, Felix." suway ko sa kaniya.

"Ayan, much better." sabi nito at pangiti ngiti pa.
"It's just a kiss, Toni. Ilang beses na natin nahalikan ang isa't isa ang arte mo parin." natatawa niyang sabi.

"Whatever." sabi ko at inirapan siya.

Tumayo na ako at lumabas ng kubo. Pinagmasdan ko ang mga malalaking puno at pinakinggan ko rin ang huni ng mga ibon.

Napasinghap naman ako nang maramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likod.

"You're going to enjoy our stay here, I promise you that." sabi nito.

Pagpatak ng ala una, nagpaalam si Felix kay Nana na maglilibot lamang kami.
Dinala niya ako sa isang ilog, pero may naririnig akomg rumaragasang tubig. Kaya nang makalapit kami ng maayos sa ilog, natanaw ko ang napaka gandang talon.

Raegan's DivulgenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon