"NO!" putol ko sa kaniya.
Napansin ko din na nabigla si Enrie sa aking pagsigaw.
Nag mouth pa ito ng "why? is anything ok?"
Kaya tango ang isinagot ko sa kaniya kahit na hindi ako ok.
Ibinaba ko na ang tawag at kumaripas ng takbo papalapit kay Enrie.
"Stand up, halika na." sabi ko at inagaw ang kutsara sa kaniyang kamay.
"Why? I'm still eating." sabi nito at umupong muli.
"Kailangan mo ng umalis. Don is coming! Hindi niya pwede malaman na nandito ka at hindi niya rin pwedeng malaman ang tungkol sa atin. Now, come on tumayo ka na diyan at ako na ang bahala diyan. Let's go!"
Halos hatakin ko na ang braso ni Enrie palabas ng condo ko. Bago ko siya ihatid sa parking, chineck ko muna kung walang bakas ni Enrie ang naiwan.
"You don't need to do this, Toni. Bumalik ka na sa condo mo. Kaya ko namang bumaba hanggang sa parking lot."
Hindi! Kailangan makita ko siyang umalis ng tuluyan, kailangan kong makasiguro na wala na talaga siya over the premises of this building.
"G-gusto lang kitang ihatid." I can't help not to stammer.
"Hayaan mo na ako." I flashed an awkward smile at sinimulan ko nanaman siyang hatakin pagbukas ng elevator.
Pati sa pagsakay sa kaniyang kotse e pinagtulakan ko siya papasok.
"Sige na, paandarin mo na. Bye!"
Pinaandar naman niya ang kaniyang sasakyan at bago niya kabigin ang kaniyang manibela...
"See you tomorrow. I love you."
Matagal bago ako nakasagot.
"Oh, love you too." sabi ko at sinenyasan siya na lumarga na.
Sinigurado ko ang paglaho ng kaniyang sasakyan sa aking paningin bago ako bumalik sa aking unit.
Kaagad akong dumiretso sa kusina and I get rid all of the evidence that Enrie used.
Hindi pa ako natatapos sa paghuhugas ng plato at kubyertos ni Enrie e narinig ko ang pamilyar na tunog ng aking pintuan.
Lalo akong naaligaga sa pagbanlaw ng mga ito.
"What are you doing?"
Ang bilis ng kabog ng aking dibdib at rinig yata hanggang sa kinatatayuan ni Felix.
"Hey, what's up." sabi ko na medyo hinihingal pa.
"Are you washing dishes while eating?" tanong niya.
"No, I mean... YES?" sabi ko at pinunasan na ang plato.
"May kasama ka kanina?" tanong niya ulit habang sinusuri ang lamesa at pati na rin ang pagkain.
"Wala." mabilis kong sagot.
"Then, sinong umupo rito? Bakit ganito ang pwesto niya?" tanong niyang muli at umupo pa doon sa upuan n tinutukoy niya.
Napapatikhim ako sa mga tanong ni Felix.
"Si Don. Kanina dumating siya, kasabay ko pa ngang kumain e. Kanina pa din siya umalis. Maybe 30 minutes ago." sabi ko at ang sarili ko namang pinagkain ang aking inayos.
"Are you done eating? I don't think you have eaten already." sabi nito na nakatingin sa pagkain na nasa plato.
"Busog pa talaga ako, pinilit ko lang kumain para may makasabay si Don." sagot ko.
"Bakit ngayon ka pa lang naglilipit kung trenta minutos na pala ang lumipas noong umalis si Don?"
Hindi ko na napigilan ang mairita.
"Bakit ba napaka usisa mo? It's annoying, tbh." sabi ko at inirapan siya.
"I'm just asking." sabi nito at tumayo na.
"If you're still hungry, I have foods. Syempre your favorite udon. (noodles)"
Itinigil ko na ang ginagawa ko at sinundan siya papunta sa sala ng aking condo.
Habang pinagmamasdan ko siyang maglabas ng mga pagkaing dala niya, hindi ko maiwasang makaramdam ng guilt.
Deserve ko ba na maging kaibigan si Felix? Sa ginagawa kong pagsisinungaling sa kaniya, pagsira sa pangalan ng kaniyang ina at angkan ay sapat ng dahilan para isumpa niya ako.
Felix doesn't deserve a friend like me.
"I don't deserve your treatments, Felix." mahina kong sabi pero saktong rinig niya.
Tumigil siya sa kaniyang ginagawa at umusog pa ng kaunti banda sa akin.
"Emo ka nanaman. 'di ba nga, I told you na kahit anong mangyari, kahit na anong kahapon mo, kahit na anong mga kasalanan ang gawin mo sa akin, mahal parin kita. I love you at hindi na iyon magbabago."
Sa mga sinabi niya, mas lalo akong nakakaramdam ng sobrang guilt.
"I love you, hindi lang as a friend. I love you with all my heart, tart."
Hindi ako makahinga, I'm drowning on his words.
Hindi ako makapagsalita at nakatingin lamang sa kaniya.
Nararamdaman ko na nagzoo-zoom in ang mukha niya hudyat na hahalikan niya ako. Kaya naman bago pa dumampi ang kaniyang labi againts mine, pinigilan ko na siya.
Bahagya kong itinulak ang kaniyang dibdib upang maputol ang kaniyang balak.
"I'm sorry. Na-carried away lang." natatawa nitong sabi at umayos na ng upo.
Hindi na ako nagsalita at kinain na lamang ang pagkaing dala niya.
Pero hindi ako makalunok ng maayos dahil sa dami ng iniisip ko. I hate this feeling!
"You ok?" tanong nito sa akin.
"Ha? Y-yah, of course I am." sagot ko naman.
"Anyway, I want to invite you tomorrow for the opening event of my business. It's a pastry shop, I think you'll love our products." nakangiti niyang sabi.
Napatango naman ako kaagad. At huli na nang marealized ko na bakit ako pumayag na sumama sa kaniya?
"Great! I will pick you up at 4 P.M. Make sure you look good, ok?"
"Hindi ako magtatagal." iyon lamang ang tugon ko sa kaniya.
--
Kinabukasan, alas syete pa lamang ng umaga ay may nambubulahaw na sa labas ng unit ko.
Tumayo ako at natigilan ako sa harapan ng aking pintuan nang makita ko kung sino ang nasa screen.
"Enrie?"
Pinagbuksan ko siya ng pintuan, at siya namang pasok niya ng tuloy tuloy sa aking condo.
"I missed you." sabi nito at binati ako ng halik.
"Why are you so aggressive? That is so annoying." sabi ko at tinalikuran na siya.
"I'm sorry, love. It's just, I can't help not to kiss you since this is our first day."
Hindi ko alam kung bakit hindi ako natutuwa sa mga sinasabi niya. Yeah right, kahit anong sabihin niya pala e hindi na ako natutuwa because of our tragic past.
"I just want to spend my day with you. May meeting ako ng 3 P.M at may lakad na din ako sa mga susunod na araw. Siguradong hindi tayo magkikita, kaya dito muna ako."
Buti naman at wala akong tataguan mamaya sa lakad ko.
Hindi na ako sumagot sa kaniya at dumiretso ako sa aking sofa at doon ko balak magpatuloy ng tulog.
"Love..." paglalambing niya at dinaganan pa ako.
"Get off, Enrie. Ang bigat mo!" I complained.
"Ayoko. Tutulugan mo ako e."
"Enrie, c'mon. Get off!" singhal ko sa kaniya.
Ang pilyo e talaga namang nagpabigat pa! Argh! I hate this set up!
"What are you doing?"
BINABASA MO ANG
Raegan's Divulgence
RomanceAntonia Nolan is a successful news reporter, but she lost her job because of a man. The man of her dreams and the only man for him. What will happen to her after the devastating and painful life she had?
