Kailangang maging careful si Don sa sasabihin niya dahil nasa kwarto si Felix.
"Bakit ka nandito?" I asked.
I am acting weird, hindi ko alam kung paano kumalma. Ninenerbyos ako, hindi ko alam kung paano maging natural.
"Are you fine? Kanina pa hindi mapakali iyang mga mata mo ah? Sumusumpong nanaman ba iyang astigmatism mo?" Don asked.
"No." lamang ang aking isinagot.
"Anyways, here. Happy birthday to you, bff." inabutan niya ako ng sobre.
"Mag so-solicit ka?"
"Punyeta ka, mukha ba akong namumulubi? Duh! Alam kong malungkot ka sa kaarawan mo dahil naghiwalay kayo ni Enrie tapos may issue pa kayo ng ate mo, kaya gusto kitang pasayahin."
"What's this?"
"Open it."
Pagbukas ko, isang gift certificate iyon na maaaring gamitin sa sinehan.
"GC? Nanalo ka ba sa pa-raffle?"
"Tanga! Ano ba, Toni! Huwag mo ngang sirain mood ko. Hindi ako nanalo sa raffle, duuuh! Bigay iyan ng bebe boy ko."
Umirap naman ako at tumayo na.
"Where are you going?" Don asked.
"Magbibihis ako. Aalis tayo 'di ba?" sabi ko at tinalikuran na siya.
"Oh yes, ngayon na natin gamitin iyang GC mo. Marami pa namang magagandang movies ngayong December."
Tumuloy na ako sa kwarto ko upang magpalit ng damit. Pagbukas ko ng cabinet ay talaga namang nagulat ako nang makita kong nakaupo doon si Felix.
"Bakit ka nandiyan?" mahina kong tanong.
"Baka pumasok si Don sa kwarto mo kaya nagtago na ako dito." sabi nito at umalis na sa cabinet.
Tumuloy naman ako sa paghahanap ng isusuot.
"Aalis kayo?" he asked.
Tumango ako bilang sagot.
"Nag hiwalay kayo ni Enrie? So, binalikan mo pala siya?"
Natigil ako sa paghahalungkat ng aking mga damit.
"Yes." I answered him honestly.
"I see, mahal mo parin?" he asked again.
"No." sagot ko kaagad at hinatak na ang isang baby blue na blouse and my maong pants.
"Sana nga hindi mo na siya mahal, dahil mahihirapan ako na hulihin ang puso mo kapag ganun."
Hindi ako sumagot.
"Magbibihis muna ako. Pag alis namin umalis ka na din, baka makita ka ni Don." sabi ko at pumasok na sa banyo.
Naguguilty ako dahil hindi ko man lang sinabi kay Felix ang tungkol sa amin ni Enrie to the fact na we're friends.
Kaya sa sinehan, tahimik lang ako. Ni hindi ko nga maabsorb ang istorya nitong pinapanood namin.
"I wonder what OTLUM means." sabi ni Don habang nakapila kami sa isa pang movie.
"Multo."
"Multo? Asaan?" kapit na kapit pa ito sa aking braso.
"OTLUM, MULTO. Tanga, binaliktad lang e." sabi ko at nauna ng pumasok sa sinehan.
Kalagitnaan ng palabas, biglang sumagi sa isip ko si Felix. Muntik ng may mangyari sa amin, napaka careless ko talaga!
Kailangan kong mag ingat, baka may mangyari na talaga sa amin sa susunod at lalo ko lang itong ikapapahamak.
Don asked me.
"Wala kang ka emo-emosyon gurl ha? Ok ka lang?"
BINABASA MO ANG
Raegan's Divulgence
Roman d'amourAntonia Nolan is a successful news reporter, but she lost her job because of a man. The man of her dreams and the only man for him. What will happen to her after the devastating and painful life she had?
