"I'm sorry if you waited for so long." sabi ni Enrie pagdating na pagdating niya sa usual tagpuan namin.
The old bridge.
"It's fine, at least dumating ka." sabi ko at inabutan siya ng polvoron. Our ever favorite delicacy everytime na magkasama kami.
"What took you so long? Ang sabi mo alas sais matatapos ang meeting mo? 7:30 na oh." sabi ko at tumingin pa sa aking relo.
"Something came up. Nag away kasi ang ate ko at ate mo sa studio. That's why I have to pick up ate Erian."
"Nag away sila? Ng ate? Why?"
Naging curios ako sa kwento niya hindi dahil kailangan ko ng bagong scoop. But because the one he is referring is my ate, my alliance, kadugo ko, kapatid ko.
"Sinugod ng ate Erian ang ate mo sa studio dahil nalaman ni ate na may affair sila ni kuya Angelo. You know him, right? Ate Erian's boy friend."
Tumango na lamang ako.
"By now, siguro laman na sila ng internet world." sabi niya at inakbayan ako.
Ayokong mapunta rin ang ate kung nasaan ako ngayon. Siya na lang ang meron si daddy na maipagmamalaki.
After spending one and a half hour, we decided to go home. Sa condo, nadatnan ko doon si Don na busy sa paglalaro ng games sa phone niya.
"What's up?"
"Anong what's up?" sabi ko at dire diretso sa refrigerator upang uminom ng tubig.
"Anong balita? Anong nalaman mo tungkol sa mga Reagan?"
"Nothing much." sabi ko at lumagok ng isang basong tubig.
"Ano nga? Tell me."
"Ayokong gawan mo sila ng bagong issue dahil involved ang ate ko." sabi ko at umupo sa kaniyang tabi.
At saka, ayokong maging insensitive sa nararamdaman ni Don once na sinabi ko sa kaniya kung ano iyon.
Dahil involved din naman si Don sa issue na ito.
"Ano ba 'yan! Ikwento mo na, baka sakaling magawan natin ng ibang angle. 'yung hindi kasali ang ate mo." sabi nito at yumakap sa aking braso.
"Fine. Sinugod ni Erian ang ate dahil may affair sila ni Angelo. Happy?"
Sandali siyang natahimik, mga ilang segundo lang naman. Pagkatapos, ay masigla itong nagsalita.
"Light bulb!"
Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Alisin na natin sa frame ang ate mo. Let's put it in this way, pa-blind item effect muna tayo. Give that work to me, ako ang bahala." sabi nito at inilabas ang kaniyang laptop mula sa kaniyang bag.
Hinayaan ko lamang siya sa ginagawa niya, samantalang ako ay itinuon ko ang aking pansin sa aking emails.
I got an email from Felix.
reaganfelixx@gmail.com
to nolantoni@gmail.com
October 23
I know you want to talk with me. That's not a joke, Toni. Seryoso ako doon, I just want to make it official. Email me once you saw this. Love you, tart! 💙
You idiot, hindi mo alam kung paano ako nahihirapan sa ginagawa mo.
I typed something na siguradong hindi niya magugustuhan.
nolantoni@gmail.com
to reaganfelixx@gmail.com
October 23
Idiot.
Lol! I mean that. Hindi muna siya mag isip or hindi muna niya ako i-consult bago siya gumawa ng hakbang.
"I'm done! Published na rin!" - Don.
"Former reporter na mababa ang lipad, naagawan ng jowa dahil wala ng career."
"This is so palengkera. Negative feedback panigurado ang makikita mo sa article na ito." sabi ko at inirapan siya.
"Wala ka man lang ka-class class. Ilang taon na nating hawak itong website na ito, and we never used such words like this." dagdag ko pa.
"It's time para magpaka showbiz na ang website natin 'no. Darating ang araw hindi na lamang puro Reagan at reporters ang laman ng website natin."
Ilang saglit lamang ay may tumatawag sa akin.
"Yes?"
"I missed you, tart." yup, it's Felix.
"Tara, out of town?"
Umirap naman ako kahit hindi niya kita.
"Are you out of your mind? After that hilarious announcement tapos aayain mo ako ng out of town? You are dreaming." sabi ko at ibinaba na ang tawag niya.
Maya-maya'y narinig ko ang tunog na may pumasok sa aking condo.
Mabilis na tiningkop ni Don ang laptop niya.
"Tart?"
He's really getting into my last nerve.
"Don, please change my passcode. Ora mismo." utos ko.
Tumayo naman na si Don the moment we see Felix entered the frame.
"Bye, Tons! Bye, Felix." paalam ni Don.
Tinapunan ko lamang ng tingin si Felix at wala akong balak na kausapin ang hunghang na 'to.
"Are you mad?"
"Ano sa palagay mo?"
He sighed..
"I'm sorry, ok? I just want you to know that you are special to me."
"Alam ko naman iyon, Felix. Ramdam na ramdam ko kung gaano ako ka-espesyal sa'yo. But you are too much!"
BINABASA MO ANG
Raegan's Divulgence
RomanceAntonia Nolan is a successful news reporter, but she lost her job because of a man. The man of her dreams and the only man for him. What will happen to her after the devastating and painful life she had?
