Chapter 22

548 10 0
                                        

Hindi na rin kami nagtagal sa pastry shop ni Felix. Nag aya na akong umuwi dahil may pinapagawa sa akin si Don.

Paglabas ko ng kotse ni Felix, kaagad na akong nagpaalam at dumiretso na sa aking condo.
Malayo pa ako sa pintuan ng aking tinitirhan nang makita ko ang isang pamilyar na tao.

"Babe." sabi nito at agad akong sinalubong.
"I've been waiting you for so long, where have you been?" tanong nito at inakbayan ako.

"Bakit ka nandito?" tanong ko.

Mukhang hindi niya inasahan na ganoon ang sasabihin ko.

"I missed you, that's why." kaagad niyang tugon.

Pagpasok ko sa aking condo, nadatnan ko si Don sa aking sofa. Ngunit may isa pa siyang kasama.

"Ate, anong meron?" tanong ko. Inalis ko ang pagkaka akbay ni Enrie sa akin at lumapit sa kaniya upang mahalikan ko ito sa pisngi.

"Gusto ko lang makita itong tinitirhan mo. Never mo pa kasi akong ininvite na bumisita dito." sagot niya at mabilis namang lumihis ang kaniyang mata kay Enrie.

"Nandito ka pala Enrie." kumento niya kaagad nang magtama ang kanilang mata.

Nginitian naman ni Enrie ang ate.
Umupo na kami sa sofa, magkatabi ang ate at si Don. Samantalang ako e katabi ko si Enrie.

"So, how's life?" tanong ni ate.

"Ok naman..--"

"I'm asking Enrie, baby girl. I know naman that you are fine." sabat niya at nginitian ako.

"I'm... doing fine."

I don't know if it's just me but I can sense a different kind of atmosphere right now.

"Are you visiting my baby girl?" tanong muli ni ate Avielle.

"Honestly....--"

"Yes, ate. By the way, kumain ka na ba?" tanong ko, kasabay nun ay tumayo na rin ako.

"I'm full, baby girl. Umupo ka na muna diyan, kwentuhan tayo." sagot ni ate.

Nagkatinginan naman kami ni Don, mukhang nababasa niya rin ang nasa isip ko.

"Actually, I am her boy friend." sabat ni Enrie.

Napangiwi ako at umiwas ng tingin. What the fudge is he thinking?!

"Really? So, pinanindigan mo talaga ang pangako mo na babalikan mo si Toni once you get back." nakangiting sabi ng ate.

Pangako? So, may balak talaga si Enrie na balikan ako?

"Yes, dahil siya naman talaga ang mahal ko."

Ano ba iyan, I can feel tension between them. May kailangan ba akong malaman mula sa dalawang 'to?

"Ok, mauna na ako. I just want to check my baby girl if she's doing fine." then ate grab her bag.

Tumayo na rin ako upang ihatid sya sa labas but she said...
"You don't need to, baby girl. Stay ka na lang dito."

Pag alis ni ate, wala paring kumikibo ni isa sa amin. Iniisip ko tuloy kung may mga sikreto sina ate at Enrie na kailangan kong malaman, o baka naman may hindi sila pagkakaintindihan.

"May problema ba kayo ni ate?" tanong ko kay Enrie.

"Wala naman. Bakit mo natanong?"

Hindi na ako sumagot. Naniniwala ako sa instincts ko, kapag ako may naramdamang kakaiba sigurado ako na may tinatago sila.

Hindi naman na nagtagal si Enrie at nagpaalam na. Napansin siguro niya na wala ako sa mood at isa pa, narito din si Don.

"What?! Naghalikan kayo ni Felix!?"

Napapikit naman ako ng mariin.
"Baka gusto mo ng mic, Don?" sabi ko at inirapan siya.

"What the hell are you doing, Toni!" singhal niya sa akib at sinapok ako bigla.

"Aray ko naman! Nabigla din naman ako e." sabi ko habang hinihimas himas ang ulo ko.

"Nabigla pero gumanti ka! Iba ka talaga, 'te."

Agad ko namang iniba ang usapan nang humupa naman ang galit nitong si Don sa akin.
"Ano palang ipapagawa mo sa akin?"

"Any update kay Erian? I mean, gawan mo na siya ng bagong issue kung meron."

Umiling ako.
"What do you mean... like this?" tanong ni Don at umiling din.

"Wala. Enrie is being careful, wala siyang kinukwento." sagot ko.

"Then gumawa ka ng paraan. You see, mahal ka ni Enrie, mahal na mahal. Kaya gagawin niya lahat ng gusto mo."

Umirap ako.
"Don, sabihin mo nga kung kaibigan mo talaga ako." then I paused for a couple of seconds.

"O baka naman magkaibigan lang tayo dahil sa pesteng Pseudonym na iyan?" dagdag ko.

"So, nagda-doubt ka na ngayon sa akin? Iyan ba ang epekto ni Felix sa'yo?"

"My God, Don! Bakit naman nasali si Felix dito?"

"See? Ang daling uminit ng ulo mo kapag napag uusapan si Felix. May gusto ka ba sa kaniya?"

What kind of a question is that?!

"Felix is my friend, Don." mahinahon kong sagot.

"Yes or no, Toni."

"No." kaagad kong sagot.

"Be sure, Toni. Baka dumating ang araw na kakainin mo lahat ng sinasabi mo ngayon. I'm telling you, hindi pwedeng maging kayo ni Felix. He's a Reagan! Huwag mong kalimutan na tayo ang dahilan kung bakit bumagsak ang angkan niya, kung bakit may namatay sa pamilya nila. Kuya ni Felix, si Greg pati na rin ang ina ni Enrie."

"Alam ko, Don. You don't have to remind me, maingat ako sa mga kinikilos ko. At huwag mo ng ipaalala sa akin ang mga taong iyan, tanggap ko na masusunog na ako sa impyerno."

Minsan, naiisip ko na mag quit na sa gingawa naming ito. Mukhang hindi lang ako masusunog sa impyerno, mukhang ako na papalit kay Satanas kapag pinagpatuloy pa namin ito.

Kaya makaraan ng ilang araw, tinawagan ko si Enrie. Sa tagpuan namin, old bridge.

"I missed you." sabi nito at kaagad akong ginawaran ng yakap.
"Bakit ngayon ka lang tumawag? Akala ko ayaw mo na sa akin."

"Let's end this, Enrie. Hindi ko na kaya."

Ayoko ng magpasakalye pa, ayoko ng magtagal dito dahil hindi ko talaga masikmura. Hindi ko masikmura lahat ng pagpapanggap na ginagawa ko para lang masira ang buhay niya.

Ayoko ng gumanti, gusto ko ng itama ang mga pagkakamali ko. Gusto ko ng makawala sa lungkot ko at sa hawlang hindi naman ako masaya.

"Toni... what are you saying?"

Raegan's DivulgenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon