Hanggang ngayon ay namomroblema si Don kung paano niya mababawi ang Pseudonym sa hacker o kung ano mang tawag sa kaniya.
"Nagpublish nanaman siya ng bagong issue." sabi ni Don at bumuntong hininga.
Kausap ko ito sa telepono and I know that he's sulking about it. Umagang umaga stress na stress na ang dating niya.
"This time, ang ate mo ang pinupuntirya niya." dagdag ni Don.
Si ate?
Kaagad akong bumangon sa aking higaan at bumisita sa website.
"The secret affair of Avi Nolan and Enrie Reagan."
My heart skip a beat. Secret affair? Hindi na dapat ako naaapektuhan, pero... secret affair? Kailan pa?
My curiosity is attacking me that's why I took some time to read the full article.
"After four years of being apart, a source revealed the truth behind the break up of Enrie Reagan and Toni Nolan."
Huminto ako sa pagbabasa at napatikhim, kahit na tungkol kay ate e dawit parin ang pangalan ko.
Pinagpatuloy ko ang pagbabasa, ngunit habang palalim ng palalim ang ikinukwento ng may akda, palalim din ng palalim ang galit ko kay ate.
Hindi ko na napigilan ang emosyon ko kaya napasugod ako sa bahay ng wala sa oras.
"Toni, anak!" sinalubong ako ni mommy pero tuloy tuloy lamang ako sa paglalakad patungo sa kwarto ng ate.
Kumatok ako ng pagkalakas lakas.
"Toni, what's the matter?" tanong ni mommy pero hindi ako makasagot.
Isang malakas na katok pa ang aking ginawa bago niya ako pinagbuksan.
"What brought you he...--"
I slap her, hard as hell.
"Antonia!" it was dad.
"Totoo ba?" matigas kong tanong holding back my tears.
"Ang ano?"
"Ate, totoo ba?!" I can't help not to shout.
Hindi ito sumasagot kaya nagsalita na akong muli.
"Totoo ba lahat ng nakasulat sa Pseudonym?!" sigaw ko and now my tears are falling down.
"Let me explain, Toni."
"What is happening here?! Toni, Avi!" pati si mommy ay nagagalit na.
"Bakit mo nagawa iyon sa akin! Pinalagpas ko 'yung pagpapakalat ng scandal na iyon dahil kapatid parin kita, ate kita, mahal kita! But persuading our boss na tanggalin ako sa trabaho, spreading fake rumors about me, ginamit mo si Enrie and you even payed trolls! That is way too much!"
Hindi nagsasalita si ate kaya sinampal ko siyang muli. Hindi lang isa, hindi lang dalawa, hindi lang tatlo, but multiple slap.
"Enough, Antonia!" sigaw ni daddy at pinigilan ako.
"Enough?! Noong bang sinaktan mo ako at pinalayas pinakinggan mo ako?! Pinakinggan mo si mommy?!" I even yelled at my father's face.
"Itong magaling niyong panganay, hindi nakuntento sa panggugulong sa dati kong boy friend! Siniraan niya ako, daddy. Siniraan niya ako, ako na anak mo rin!"
"I'm sorry, Toni."
Hinarap kong muli si ate.
"You killed my child. Dahil sa'yo kung bakit hindi nagsurvive ang anak ko! It's your fault! Lahat ng kamalasan sa buhay ko ikaw ang may gawa! Walanghiya ka!"
Patitikimin ko sana si ate ng isa pang sampal ngunit hinarangan ako ni daddy.
"Tama na, Toni! Nasasaktan na ang ate mo! Wala ka ng magagawa sa nakaraan! The damage has been done! Subukan mong pagbuhatan muli ng kamay ang ate mo, you can never call me daddy ever again." banta niya.
"ANTONIO! What the hell are saying!" - mommy
I smirked.
"Kahit naman tawagin kitang daddy e parang wala din akong ama. Dahil si Avi lang naman ang mahal mo 'di ba? Si Avi lang naman ang anak mo...--"
Hindi ko na natuloy ang aking sasabihin dahil nakatanggap ako ng isang malutong na sampal mula sa butihin kong ama.
I laughed sarcastically.
"That was great. Iyon na siguro ang sign na hindi mo na ako kinikilalang anak." sabi ko tumango tango.
"Fine, fine! Magsama sama kayo!"
After saying those words tinalikuran ko na sila.
"Toni, anak." hindi ako makaharap kay mommy dahil ayokong makita niya akong nakakaawa.
Pinalaki niya akong matapang at malakas ang loob, kaya hindi ko ihaharap sa kaniya ang weak at pathetic side ko.
"Toni, anak please! Pati ba naman akong mommy mo kakalimutan mo?"
I love my mom, ayoko na masaktan pa siya lalo. I wipe my tears and I courageously face her with a smile.
"I'm fine, mommy. I love you, always." sabi ko at mabilis na naglakad palayo sa kanila.
"Toni!"
Kaagad kong pinaharurot ang aking sasakyan. Matulin ko itong pinatakbo, kapit na kapit ako sa manibela at sa iisang direksyon lamang ako nakatingin.
Huminto lamang ako nang maubusan na ng gas ang sasakyan. Tulala lamang ako, hindi ko parin tanggap na pinagtanggol parin ni daddy ang ate kahit na alam niyang ako itong talo.
"I'm useless and unwanted." sabi ko sa aking sarili at hindi ko napigilang umiyak.
Ipinatong ko ang aking ulo sa manibela at inilabas ang aking sama ng loob.
Sobrang sikip ng dibdib ko kaya hindi ko na namalayan kung anong nangyayari kasunod.
"Toni, wake up! Toni!"
I hear voices, and I think it's Felix.
"Toni gurl!"
And now it's Don's voice.
"Is she ok? Anong nangyari?"
And... Enrie?
BINABASA MO ANG
Raegan's Divulgence
RomanceAntonia Nolan is a successful news reporter, but she lost her job because of a man. The man of her dreams and the only man for him. What will happen to her after the devastating and painful life she had?
