Limang buwan na kaming nagsasama ni Felix. Mula noong nag usap kaming muli ni Don, ang sabi niya'y susuportahan na lamang niya ako sa ano mang desisyon ko.
"I'm going to visit my shop. Stay here." matamlay na sabi ni Felix pagpasok ko sa kwarto at saka pa ito umubo habang naglalagay ng toothpaste sa kaniyang toothbrush.
"You're sick." sabi ko at linapitan siya.
Kinapa ko ang kaniyang noo pati na rin ang kaniyang leeg. Mainit siya, sobrang init.
"Are you dumb? Wala ka bang nararamdaman?" tanong ko sa kaniya then I rolled my eyes.
"Meron, pero kailangan ako sa shop e. Kailangan kong mag inspection ngayon." sabi nito at pinagpatuloy na ang kaniyang ginagawa.
"Ako na lang ang pupunta." presinta ko.
Umiling siya.
"Ako na lang, you stay here. Gusto ko lagi kang nagpapahinga." sabi nito at humarap sa akin.
Binitawan niya ang toothbrush na hawak niya saka niya hinaplos haplos ang aking buhok at ikinulong ni Felix ang aking pisngi sa kaniyang mga palad.
"I have a strong feeling na...--ano."
Napakunot naman ako ng kilay.
"Na ano?" tanong ko.
"Na magkakalaman na ito." aniya at sunod na dumapo sa aking tiyan ang kaniyang mga kamay.
Natahimik ako at umiwas ng tingin. Limang buwan na ang lumipas at alam kong dapat may nabuo sa ginagawa namin.
Nagui-guilty ako dahil may hindi ako sinasabi sa kaniya. I'm taking pills para walang mabuo dahil hindi pa ako handa. I mean, gusto ko munang ikasal kami bago ako magbuntis.
"Hindi ka naman baog dahil minsan ka ng nabuntis, hindi rin naman ako baog dahil alam kong healthy ako." sabi nito at patuloy ang paghaplos sa aking sinapupunan.
Napapatikhim lamang ako, ni hindi ako makasagot sa kaniya.
"Gusto mo na bang makabuo tayo? I mean, hindi ba parang masyado kang nagmamadali? Kakaumpisa pa lamang ng relasyon natin at sigurado ka na ba sa akin?"
Humiwalay siya sa akin at tinitigan ako.
"Baka ikaw ang hindi sigurado sa akin." sabi nito.
Lumabas siya sa bathroom at umupo sa gilid ng kama.
"I'm... I'm sorry." iyon lamang ang aking naisagot sa kaniya.
"Come here." sabi nito at tinapik ang kaniyang hita.
Kaagad naman akong umupo sa kaniyang kandungan.
"I'm upset." sabi nito, ngunit ginawaran parin niya ako ng yakap.
"Parang pinaparamdam mo sa akin na pansamantala lamang ako sa buhay mo." dagdag niya, then he rest his head on my chest.
Randam ko ang init ng kaniyang mukha sa aking dibdib, pati na rin ang kaniyang mga kamay na nakapalupot sa akin.
"I love you, Felix. Iyon ang nararamdaman ko ngayon at iyon din ang gusto kong iparamdam sa'yo. I'm sorry if I made you feel that way."
Felix deserve to be love, wala siyang ibang ginawa kung hindi ang pasiyahin ako sa tuwing nalulungkot ako and he never failed to make me feel worth it.
I leaned over him para halikan siya ngunit pinigilan niya ako.
"Hindi pa ako nag toothbrush."
I rolled my eyes for the nth time, hinatak ko ang kaniyang kamay papasok ng banyo.
"Aaaah." sabi ko at itinutok ang toothbrush sa kaniyang bibig.
Sinunod naman niya ako at ako na mismo ang nagsipilyo sa kaniya.
Ngumiti siya kaya naman nginitian ko na din siya. Pagkatapos niyang nagmumog, pinunasan ko ang kaniyang bibig. Mabilis kong idinampi ang aking labi sa kaniya ngunit mabilis din siyang kumalas.
"Ano nanaman?" irita kong tanong.
"I'm sick, baka mahawa ka."
"I don't care."
Kaagad ko itong hinalikan at ipinalupot ang aking dalawang kamay sa kaniyang leeg.
He smiled, randam ko ang mainit niyang labi. Nahahawa ako sa init ng kaniyang katawan. We stop kissing each other, I saw him smiling. Mahal ko na nga talaga si Felix, in just five months pinatunayan niya na karapatdapat siyang mahalin.
Sino nga ba ako para tanggihan ang pagmamahal niyang ibinibigay sa akin? Mahal niya ako, no doubt. Kaya ibibigay ko sa kaniya ang buong puso ko para masuklian ko lahat ng kabutihan na ginawa niya sa akin.
"I love you, Felix." nakangiti kong sabi at saka ko ito niyakap.
"Finally, nauna kang mag I love you sa akin." sabi niya at gumanti ng yakap.
Pahigpit na ng pahigpit ang kaniyang yakap hanggang sa maramdaman kong lumulutang na ako.
"Ano ba, put me down." utos ko.
"Now that you turn me on, I feel like staying inside this house, this room the whole day..." he even grinned.
"...with you." pagpapatuloy niya.
Lumabas kami ng bathroom at maingat niya akong ibinaba sa kama. Nakatingin lamang ako sa kaniyang mga mata, I'm trying to read his expression. Nakangiti lamang ito sa akin.
"I love you, Toni." with that words he kissed me passionately.
Hinubad niya ang kaniyang pang itaas kasabay ko. I can't take my eyes off of his vigorous body with muscle.
Nakakapaso ang init ng kaniyang katawan dahil sa kaniyang lagnat.
"I'm sorry, Felix. Ang dami kong kasalanan sa'yo, now I am willing to give everything to you." sabi ko sa kaniya at ipinagpalit ang aming pwesto.
"Toni... is this really you?" tanong nito na para bang manghang mangha sa aking ginawa.
"You don't look well, that's why I'll do the rest of the work." sabi ko na may mapanlarong mga ngiti.
We savour each others feelings, pleasuring each other and locking our lips with each other. I traced my lips down to his sexy jaws.
"Toni..." I heard Felix's soft words calling me out.
And obviously we know what happened next.
"Sigurado ka na ba sa akin, Toni?" tanong ni Felix na ngayon ay nakadantay ang isang paa nito sa aking katawan.
Wala akong sinayang na segundo at kaagad akong sumagot.
"Yes, Felix. Siguradong sigurado na ako sa'yo."
Habang nagyayakapan kami, tumunog ang cellphone ni Felix.
"Someone's calling you." sabi ko at ako na mismo ang kumuha sa cellphone niya.
Sumulyap ako sa screen at unregistered number ang nakita ko doon.
Pagkaabot ko sa kaniya'y kaagad nitong sinagot ang tawag.
"Yes?" sagot niya.
"Ngayon na?" sabi nito at tumingin sa akin. "Uh, sige pupunta na ako."
Nang ibaba na niya ang tawag ay kaagad itong tumayo. Mabilis siyang nag ayos samantalang ako ay pinagmamasdan ko lamang siya.
"Kailangan kong pumunta sa shop. Stay here ok? Tawagan mo ako kapag aalis ka para masamahan kita." sabi nito bago siya lumabas ng kwarto.
Pero bigla naman siyang bumalik at mabilis na lumapit sa akin. He cupped my face and the next he did is he gave me a sweet peck of kiss.
BINABASA MO ANG
Raegan's Divulgence
RomanceAntonia Nolan is a successful news reporter, but she lost her job because of a man. The man of her dreams and the only man for him. What will happen to her after the devastating and painful life she had?
