I haven't seen Enrie since we argued. Hindi rin niya ako maco-contact dahil mukhang may diperensya ang phone ko. Hindi rin naman siya nag e-email.
Baka wala lang talaga siyang balak kitain ako.
Kinukulit na nga ako ni Don na makipagkita sa lalaking iyon dahil eager siya na mapabagsak talaga si Erian.
"Why are you so serious?"
Napatayo ako mula sa aking sofa nang marinig ko ang boses ni Felix.
Maagap kong sinarado ang aking laptop at humarap sa kaniya.
"How did you get in?!" singhal ko.
"I opened the door?" he even laughed.
"Kakapalit pa lang ng passcode ko, paano ka nakapasok?" usisa ko.
"Sabi ko na nga ba, nagpalit ka. Hindi ko naman talaga mabuksan kanina, nagbaka sakali lang ako na birthday mo at ni Don ang passcode. Then, walah~ I opened it." sagot niya.
Don is so stupid! Sa lahat ng numero, bakit birthday ko at birthday pa kasi niya! Argh!
"What do you want?" irita kong tanong.
"Irita ka na agad, wala pa nga akong sinasabi."
I rolled my eyes 90 degrees.
"Felix, why are you here?"
"I just missed you and I brought you some food." sabi nito at itinaas niya ang paper bag na dala.
Saktong kumalam ang aking sikmura kaya tinalikuran ko na siya upang magtungo sa aking silid at iwanan doon ang aking laptop.
Pagkatapos ay nadatnan ko na siya sa dinning area na nag-aayos.
"Hindi ka ba kailangan sa shop niyo?" I asked.
"Nope. Pero ikaw, kailangan ka doon."
Napataas ang aking kaliwang kilay, hinihintay ang kaniyang susunod na sasabihin.
"You love pastries, and I want you to try our new product. Gusto kong sa'yo magmula kung pasado ba sa taste mo, or nah."
Hindi naman ako nagdalawang isip na um-oo sa kaniyang gusto. Kaya, pagkatapos naming kainin ang mga pagkaing dala niya e dumiretso na kami sa shop niya.
"Oh, bakit sarado?" tanong ko habang palabas ng kaniyang sasakyan.
"It's sunday and it's family day. Day off ng mga empleyado ko nang maka-bonding naman nila ang pamilya nila." sagot nito at binuksan na ang pintuan ng kaniyang pastry shop.
I didn't expect na pastry shop ang mapag ti-tripang ipatayo ng lalaking ito. It doesn't suit to his personality, TBH!
"Halika, doon tayo sa kusina." sabi nito and he lead my way.
Napamangha naman ako sa ganda nito, sa kusina ko kasi wala halos gamit.
"Actually, I made something here." sabi niya at inilabas ang isang twisted bread na may gummy bear/worms sa taas mula sa refrigerator style niyang appliance.
"Does it look good or too childish?"
Hindi ko napigilan matawa. This man is insane!
"Why? What's the matter? Childish 'no?" sabi niya at sumimangot.
"No, no. It's not childish, it's cute actually." sabi ko na tumatawa parin.
"Then why are you still laughing?"
Ilang segundo pa bago natapos ang aking pagtawa. Pinipilit ko ang sarili ko na magfocus kay Felix.
"Why gummies? I mean, I am so curious about the taste the moment I saw it. It's cute pero kasi, it doesn't look edible." I commented.
"Anong gagawin ko?"
Tinikman ko ito without saying anything after kong malunok saka na ako muling nagsalita.
"Pati pala sa loob ng bread may gummy bear. Well, it taste good naman. But, I think it'll be best kung matunaw ng konti 'yung gummies sa taas ng bread instead of just sprinkling the gummies on the top of it." suhestiyon ko.
"I see." sabi nito at kaagad na sinuot ang kaniyang parapernalya.
Inumpisahan na niyang lumamas ng masa at kung anong anik anik ang ginagawa at nilalagay niya.
Nakatingin lang ako sa kaniya habang ginagawa niya 'yun.
"Baka ako ang malusaw at hindi ang gummy bear."
Inikutan ko siya ng mata to stop his oh so high confidence.
Like, duh!
"You look cute kahit na lagi mong iniikot iyang mga mata mo." sabi pa niya ngunit naka pokus ang kaniyang mga mata sa masa na minamaneobra niya.
"Whatever, whatever." iyan lamang ang tanging sagot ko.
Ilang minuto rin niyang iniikot ikot ang dough hanggang sa magmukha na siya twisted bread. Kung anu-ano ang ginawa niya maisaksak lamang ang mga gummies sa loob nito. And the last piece of it is the gummy worms sa taas.
"Felix, why pastry shop?" I asked.
"Bakit, masama ba?" he answered while putting the doughs inside the big microwave oven.
"Hindi. I mean, of all the businesses why bread and pastries?"
Umupo siya at ngayo'y harapan na kami.
"Because I am a sweet and a fluffy person." sagot niya at kinindatan pa ako.
"Fluffy my foot." sabi ko at inirapan siya.
"Why? Fluffy naman ako ah."
"No, you're not." I disagree.
"I am huggable kaya. Halika, you try." sabi nito at lumapit sa akin.
"Don't you dare, Felix!" banta ko.
"Just try me if I am fluffy and huggable."
After those words, inikot niya ako paharap sa kaniya at ginawaran ng yakap.
"Felix, stop it. Fine, fine ikaw na fluffy, ikaw na huggable." I surrendered para lang pakawalan niya ako mula sa kaniyang mga bisig.
"That's why I like you, Antonia."
After a couple of seconds he let go of me. Pero, hindi pa pala doon natatapos. He held my face and he quickly kissed me. I was so surprised and I can't even move.
Nagpatuloy ang kaniyang paghalik sa akin when I suddenly found myself kissing him back.
Hindi rin naman nagtagal iyon, marahan niya akong binitawan. Umiwas ako ng tingin, ang puso ko... sobrang bilis ng kabog nito.
"I'm sorry... I'm just carried away." sabi niya at kinamot pa ang kaniyang batok.
Kaagad naman siyang humarap sa oven at inilabas ang tinapay na gawa niya mula sa loob nito.
Naco-conscious tuloy ako sa pagkain nito dahil sa nangyari five minutes ago.
"So, how was it?" tanong niya.
Tumango naman ako.
"It's good." maikli kong sagot kahit na...
hindi naman talaga "good" ang lasa. The taste is really weird, and I think gummies are not a perfect match with it.
"You know what, be honest." aniya habang naglilinis na ng mga ginamit niya.
Ngumiti lamang ako, ngiting alam na niya ang ibig sabihin at ang ngiting alam na niya agad ang sagot.
BINABASA MO ANG
Raegan's Divulgence
RomansaAntonia Nolan is a successful news reporter, but she lost her job because of a man. The man of her dreams and the only man for him. What will happen to her after the devastating and painful life she had?
