"I have no idea what is happening. Ate, ok lang ba si daddy? Is he recovering now?" tanong ko at sinubukan ko siyang hawakan.
"Don't you dare touch me with your filthy hands! You whore, slut! Inatake sa puso si daddy because...--"
"It's because of you, Avi! Huwag mong isisi kay Toni! You know it, huwag kang magmalinis!" putol ni Felix kay ate.
"Stop! Ano ba! I really don't know what's happening! Sabihin niyo muna sa akin kung anong pinag aawayan ninyo, kasi nagmumukha na akong tanga rito! Hindi ko alam kung bakit ako ang sinisisi ng ate sa nangyari kay daddy!"
Akmang hahawakan ako ni Felix nang higitin ako ni Don palayo sa kaniya.
"Magdahan dahan ka naman, Don! Buntis si Toni!"
Everybody's flaming. Galit lahat ang tao and it's because of me. Dahil daw sa akin, DAW!
"Toni, binalaan na kita diyan kay Felix. Tama ako na hindi maganda ang dulot niya sa'yo."
Nakatingin lamang ako kay Don. Hinihintay ko ang susunod niyang sasabihin.
"Don, hayaan mong ako ang magsabi." singit ni Felix.
"Bakit? Para masaktan mo na ng tuluyan ang kaibigan ko? Tama na ang ibinigay kong pagkakataon sa'yo--"
This time ako na ang pumutol kay Don.
"Just fucking tell me what's with you all!"
"Iyan, iyang dalawang demonyong nasa harapan mo. Ang ate mo at iyang mapagpanggap mong boyfriend! Magkasabwat sila sa sex scandal mo."
Napahilot naman ako sa aking sentido.
"Don, that was long time ago. Wala na sa akin iyon kung sino man ang may kasalanan. Ibinaon ko na iyon sa limot."
"It's a new scandal, Toni. Hindi iyong sainyo ni Enrie, it's you and Felix."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang sinabi ni Don. Hindi ako makatingin kay Felix, pinoproseso pa ng utak ko lahat ng mga salita na binitawan ni Don.
"May kumalat sa internet last 2 weeks nang bigla nalang kitang hindi ma-contact. Humingi ako ng tulong sa kaibigan ko upang mahanap kung sinong nagpakalat ng scandal na iyon and we found out na si Avielle Nolan ang naglabas ng video niyo ni Felix. Hindi lang isa, hindi lang dalawa kundi tatlo. Tatlong magkakaibang video." - Don
"Wait lang ha? Clarify ko lang... ako?" tanong ko. "Pati si Felix... m-may scandal?"
"Yes Toni and it's all Felix and Avi's plan! Magkasabwat sila, gusto ka nilang pabagsakin. And that Felix? Ginamit niya iyang feelings mo para magantihan ka niya."
Naninikip ang dibdib ko. Hindi ko makuhang tingnan ang mga taong nasa harapan ko ngayon. Nanghihina ako hindi ko na alam kung sinong haharapin ko.
"Toni, let me explain." nginig ang boses ni Felix.
"Don, ilayo mo muna ako dito. Hindi ko kayang huminga kasama sila." sabi ko at kumapit sa kaniyang braso.
Pero bago pa ako nakahabang, my body collapsed. Nang imulat ko ang aking mata, nakarandam ako ng pagkabigat ng aking katawan.
"Toni are you ok? Walang masakit sa'yo? Don't worry about our baby, the baby's fine. Wala ka bang nararamdaman na kahit ano sa katawan mo?"
Nakatitig lamang ako kay Felix. Hindi ko masikmura na kausapin siya. I never imagined that this man will bring me down like what his cousin did. Nangyari nanaman ang kinakatakutan kong mangyari. Muli nanamang pinaslang ng isang Reagan ang puso ko.
"Get out." I commanded.
"Pakinggan mo muna ako, please."
"Leave." ma-awtoridad kong sabi.
But he's too persistent.
BINABASA MO ANG
Raegan's Divulgence
RomanceAntonia Nolan is a successful news reporter, but she lost her job because of a man. The man of her dreams and the only man for him. What will happen to her after the devastating and painful life she had?
