Chapter 26

565 12 0
                                        

"Don, what if sabihin ko kay Felix ang tungkol sa Pseudonym? Umamin na kaya ako sakaniya? Tutal, he's my friend at understanding din siya kagaya mo. What do you think?"

Umiling si Don.
"I don't think that's a good idea. He's a Reagan and come to think of it...--" he paused for two seconds.

Umupo siya and he added...
"His brother died because of you."

Yeah right, ako ang dahilan kung bakit inatake sa puso ang kuya niya. Kasalanan niya kung bakit napilitan akong ilabas ang sikreto niya.

Greg, Felix's brother... he's an owner of a casino, masasabing isa siya sa mga nagmamay-ari ng mga malalaking casino sa buong Pilipinas at isa rin siya sa mga malalaking tao na dealer ng ipinagbabawal na gamot.

Nalaman ko ang bagay na ito noong kami pa ni Enrie. Kaya hindi niya kasundo si Greg dahil tutol si Enrie sa negosyo ng kaniyang pinsan.

Siniraan ko si Greg sa Pseudonym dahil ang ama ko ang itinuro niyang master mind. I know na laman lagi ng mga casino ang daddy at kahit naman na komplikado ang sitwasyon namin ng daddy noon ay ayoko paring masangkot ang daddy ko sa kawalanghiyaan niya lalo na't inosente ang daddy.

My only chance is the Pseudonym para mapawalang sala ang aking ama. That's why I used my powerful words to reveal the truth about Greg Reagan's business.
Hindi ko naman inaasahan na iyon pala ang magiging dahilan ng pagpanaw niya.

People said na baka nagpakamatay talaga siya because he's going down too fast, but Felix said that Greg had an heart attack.

Umupo na rin ako at sumandal sa aking headboard.
"But, telling him what I really do will test him. Because, honestly Felix is now hitting on me. He wants to prove that I deserve him, that I should love him back."

Mukhang nagulat si Don sa aking sinabi. Hindi ko naman inasahan ang pag iling nito.

"Toni, don't love him. He's...--"

"Because he's a Reagan?" putol ko sa kaniya.

"You can't just love somebody because they show some efforts. Of all people, of all the girls around him bakit ikaw pa? I mean, you have a dark past and it can ruin his image. Isipin mo, why he's into you?"

"He's not just a somebody, Don. Siya lang naman ang kasama ko bukod sa'yo noong lugmok na lugmok ako sa kalungkutan. And he said na wala siya pakealam sa nakaraan ko."

Don rolled his eyes.
"You can't love him! That's it! Huwag kang magpapadala sa mga sugarcoated niyang mga salita. Men are men, Toni."

Bakit pa ba ako nakikipag argumento kay Don, after all it's my decision kung ano man ang mananalo sa puso ko.

"Toni, mahal mo na ba si Felix?"

Hindi ako sumagot, mataman ko lamang siyang tinitigan.

"Silence means yes."

"I don't know." mabilis kong sagot.

"I don't know means yes."

"Don!"

"May sarili kang vocabulary 'no?" sabi ko then I rolled my eyes.

Naghalukipkip siya sa aking harapan.
"It's just a question that you need to answer if YES or NO."

"I'm gonna ask you one more time...--"

"Hindi." putol ko sa kaniya.

"Hindi nga ba talaga o hindi... pa?"

Napapikit ako ng mariin. He's stressing me out. Ayoko ng sumagot, baka mag away lamang kami ni Don.

"Osiya, uuwi na ako. Kailangan kong mag beauty rest dahil mag a-apply ako sa kabilang istasyon. Kailangan ko ng trabaho ngayon at kailangan mo na rin."

Wala pang isang oras nang makaalis si Don e tambak na mensahe ang natanggap ko mula sa kaniya.

From: Don

Gurl! Pinakealaman nanaman 'yung website!

O my God, buksan mo 'yun ngayon na. Ikaw muna ang bahala dahil wala pa ako sa bahay.

Please take care of it.

Madali ko namang binuksan ang aking computer, ngunit puro "access denied" ang lumalabas sa screen kapag maglo-log in ako.

"Aish!"

Binitawan ko ang mouse at sumandal sa aking in uupuan.

"We're doomed." wala sa sarili kong nausal.

In-exit ko ang tab na gamit ko at viniew ang website as a visitor of this page.
Napatutok ako sa monitor nang makita ko ang bagong published na article.

"Toni Nolan with a new guy."
Ang headline kasama ng litrato namin ni Don.

Inikot ko ang aking mga mata with a smirk.
"This is crazy."

Kaagad kong tinawagan si Don na kaagad naman niyang sinagot.

"Have you deleted it?" bungad niya.

"No. Access denied lagi ang lumalabas kapag maglo-log in ako." sagot ko.

"Ako din, hindi ako makapasok sa website natin. This is really our end."

Nasapo ko ang aking ulo. Kung kailan naman handa na akong kalimutan ang lahat ngayon pa nangyayari ito.

"I'll just figure out paano mawala ng tuluyan ang Pseudonym. Mas mabuti ng i-shut down iyon." I said and then I hung up the phone.

"Fuck that intruder." sabi ko nang makita kong muli ang ipinublish niya.

Lagi na lang pangalan ko ang idinadawit ng nanghimasok na ito. Sigurado akong malaki din ang galit niya sa akin kaya niya ginagawa ito.

Oras na malaman ko kung sino siya, hindi ako magdadalawang isip na bumalik sa paninira ng reputasyon gamit ng mga salitang bibitawan ko.

Raegan's DivulgenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon