"Toni, nandito na sina Felix lumabas ka na diyan."
Tumayo ako mula sa aking higaan at lumabas ng kwarto. Tumatalon sa tuwa ang aking puso sa tuwing makikita ko ang aking anak.
Maingat ko itong kinuha mula kay Felix at dire diretso ako sa aking kwarto.
Ganito lagi ang set up namin, araw-araw ang punta ni Felix kasama si Pam upang bigyan ko ito ng breast feed. Hindi daw kasi sapat ang breast milk na pinapadala ko dahil minsan hindi iyon iniinom ng anak ko.
Pitong buwan na siya, alam kong napakabilis dumaan ng mga araw. Bukas, kaarawan ko na at ito na rin ang huli naming pagkikita ni Felix.
"Pam, be a good girl okay? Kahit wala sa tabi mo ang mommy, huwag mong susuwayin ang daddy mo. I want you to grow beautiful and kind. Bibisitahin ka ni mommy when the time has come. I love you so much." sabi ko habang pinapadede ko ito.
Bigla naman siyang tumigil sa pagdede at tiningnan ako.
"Ma... Ma... Mama."
Lalo akong naiyak nang narinig ko na naibigkas na niya ng maayos ang salitang mama. Madalas kasi "Ami" ang sinasabi niya.
"She called you mama"
Mas natigger ang mga luha ko na mag unahan sa pagababa nang marinig ko ang boses ni Felix.
This will be the last time na makikita, maririnig ang boses niya at makakasama ko siya, siguro i-off ko muna ang pagmamataray mode ko sa kaniya.
"Yeah, and it's heartwarming." sabi ko at tumingala sa kaniya upang nginitian siya.
"I'm so glad to see you smile. Sana lagi ka nalang niyang tawaging mama para lagi kang naka ngiti." he said while wiping away my tears.
Ilang sandali lamang ay nakatulog na si Pam.
By the way, my baby girl's name is Pamela. I just find that name joyful kaya iyon ang napili ko at hindi naman tumutol si Felix doon.
"Ako na muna ang hahawak kay Pam, baka nangangawit ka na." sabi ni Felix at sinubukan niyang kunin si Pam mula sa akin.
"No, no. It's ok, mas magandang narito siya sa mga bisig ko." tanggi ko at hinele siya.
Mahabang katahimikan ang bumalot sa amin. Noong una, walang nagtangkang magsalita sa amin but Felix broke the ice.
"Akala ko tuluyan mo na kaming iiwan, sana sa susunod magsama na tayo sa iisang bubong."
Ngiti lamang ang aking isinagot sa kaniya. Ayokong bigyan siya ng hint para sa plano ko. Ayoko din naman siyang paasahin na ang gusto niyang mangyari ay maipagbibigyan ko.
"Birthday mo na bukas, anong balak mo?" tanong niya.
"The usual, wala." sagot ko at inilapag na si Pam sa kama dahil nangawit na ako ng tuluyan.
Humiga naman si Felix sa kabilang banda ng kama at ngayon, nasa gitna namin ang aming munting anghel.
"Napakasarap ng tulog niya, ano? Tingnan mo, naka nganga pa." natutuwang sabi ni Felix at nilalaro ang bibig ni Pam.
Bahagya itong kumislot kaya maagap kong tinapik ang kaniyang binti then I hummed.
"Let me know kung may lakad ka bukas for your birthday okay?" sabi nito at hinaplos pa ang aking pisngi.
"Toni..."
hindi ko naman siya pinagkaitan ng atensyon.
"Tell me that your heart is still with me. Tell me that it's still me."
I can't deny what my heart say... siya parin but my mind says to let him go for the sake of our child.
"Toni, please..."
"Ikaw parin. You own my heart, Felix." sabi ko at nagpakawala ng mahinang hikbi.
"And I'm sorry for making your life miserable. Wala namang mangyayaring ganito kung hindi ako naghiganti sa angkan mo. It's all my fault."
Tinakpan ko ang aking mukha at pinipigilan kong lumakas ang aking mga hikbi.
Ilang saglit lamang ay nasa harapan ko na siya, inupo niya ako tulad ng kaniya.
"Wala sa'yo ang sisi, tart. I'm sorry too, because I am too weak at nagpadala ako sa galit ko. Alam ng puso ko na mahal kita pero hinayaan kong balutin ako ng galit and that explains na I am weak."
"Felix..."
Hindi ko na napigilan ang aking sarili at niyakap ko na siya. Paulit ulit akong humihingi ng tawad sa kaniya. Natigil lang iyon when he sealed me with a kiss.
Nagpaubaya ako because I like it too. We're ready to get laid when suddenly Pam cried.
Handa ko naman siyang pagbigyan tutal huling pagkikita na namin ito, ngunit hindi siya pinagbigyan ni Pam.
Sabay namin siyang pinatulog ngunit sadyang gising na gising na ang diwa nito.
"Do you want me to cook?" tanong ko sa kaniya. Tila ba umasta ako na parang asawa.
"Yes sure, my tart." ngiting ngiting sagot ni Felix.
Inayos ko ang aking sarili at tinungo ko na ang aking kusina.
Nagkalaman ang kusina ko mula nang magbuntis ako dahil walang sawa sa pagrerefill itong si Felix sa mga stock. Eh kadalasan si Don lang din ang kumakain dahil masyadong madami.
Nagsimula akong magluto ng adobong manok dahil iyon lang naman ang pinaka madali sa lahat. Habang pinapakuluan ko iyon, iniluto ko na rin ang marinated beef na dala ni Felix.
"Wow, this is a feast, tart." sabi ni Felix habang ako ay siniset ang lamesa.
"Have a seat. Tikman mo na." sabi ko at sinalinan na rin ng juice ang kaniyang baso.
This is really a feast, dahil ito na ang huling birthday ko na kasama ka pati na rin ni Pam.
Inilapag niya ang aming anak sa kuna at maganang kumain sa hapag kainan.
"You should join me, or susubuan na lang kita?" pilyo pa ang ngiti nito.
"I'm good, gusto lang kitang pagmasdang kumain." sabi ko at nagpasalumbaba sa kaniyang harapan.
"Saluhan mo na ako. Here..." sabi nito at pinangsandok pa ako ng kanin.
"Ubusin mo ito, I want you to gain weight."
Hindi na ako tumanggi pa, after all this is our last feast.
"Thank you, tart." then he held my hand laying on the table.
"For?"
"For everything, for giving me a cute little Pam, for giving me a life that I never imagined and for giving me your heart again."
My heart will always be yours, Felix.
And there, my eyes were filled with tears again.
Tumayo siya at lumuhod, he's holding my hands very tight.
"Ayoko ng pakawalan ang mga kamay na ito. You're my everything, Toni. Kayong dalawa ni Pam."
He kisses my knuckles.
"I love you, tart."
"And so I do." mabilis kong sagot at hinagkan ang kaniyang pisngi upang halikan ito.
We shared kisses while smiling, isa lang talaga ang pumipigil sa amin. And it's Pam.
"My princess wants our attention."
He sprints towards Pam and held her.
"Stop crying, sweetheart. Daddy's here."
I smiled while looking at them. I will miss these two lovely faces. I surely will.
Pumasok ako sa aking kwarto at nag ayos ng sarili. Lumabas ako na maayos ang gayak at para bang magpho-photoshoot ang dating.
"What's with the attire, tart?" he asked.
"Let's take a picture." sabi ko at nag set up na ng camera.
Umupo ako sa sofa at sumunod naman doon su Felix.
I fixed his hair habang hindi pa nauubos ang ten seconds timer. Yumakap siya sa akin and then we were captured smiling, even Pam.
Kaagad ko itong ipinrint.
"Please send me the digital copy." sabi nito at tila hindi mawala wala ang tingin niya sa litratong ibinigay ko sa kaniya.
"I'll treasure this. I love you."
His eyes are sparkling. I can see how happy he is right now, at least I enjoyed... we enjoyed rather our last day.
BINABASA MO ANG
Raegan's Divulgence
RomanceAntonia Nolan is a successful news reporter, but she lost her job because of a man. The man of her dreams and the only man for him. What will happen to her after the devastating and painful life she had?
