Magdidilim na kaya't naisipan kong buksan na ang ilaw. I turned the switch on pero hindi sumisindi ang ilaw.
"Felix." tawag ko habang kinakalikot parin ang switch ng ilaw.
"What's wrong?"
"I think, we don't have electricity." sabi ko at tinitigan ang ilaw na nakasabit.
"Pupunta lang ako kay Nana." sabi nito at kaagad na lumabas ng kubo.
Kinalkal ko ang iilang antique drawer na nasa kubo, nagbabakasakali na may magagamit na pang ilaw.
"There you are." sabi ko at inilabas ang isang lampara.
"Toni, Nana gave me a candle and it's already..-- what's that?" tanong niya.
"Ito?" sabi ko at lumapit sa kaniya na hawakbang lampara.
"Lampara. May oil pa siya sa loob kaya magagamit pa natin 'to. Sindihan mo na rin." sabi ko at ipinasa ito sa kaniya.
Ilang sandali lamang ay bumisita si Nana Caring.
"Sumabay na kayo sa hapunan namin." aya nito.
Sumunod naman kami sa kabilang bahay. Nasa labas ang isang mahabang mesa sa ilalim ng malaking puno. Punong puno din ito ng iba't ibang putahe na bago pa lamang sa aking paningin.
"Umupo na kayo...--nga pala ito ang panganay ko, si CJ. Wala pa ang iba kong mga anak, panigurado nasa trabaho parin sila." pakilala ni Nana sa kaniyang anak.
"Magandang gabi." bati naman ni CJ sa amin.
"Ito naman ang kaniyang asawa at mga anak...--" tumiman ako nang sunod niyang ipakilala ang dalawang bata sa akin pati na rin ang kanilang ina na may hawak na sanggol.
"--si Felix, alaga ko sa Maynila hindi ko sigurado kung naaalala mo pa siya, Cj. At siya naman si Toni nililigawan ni Felix."
Ngiti lamang ang aking sinagot sa kanilang mga bati, sa totoo lang hindi ako ganoon ka friendly kaya hindi ko alam kung paano ang first approach sa kanila.
"Sige na, kumain na kayo diyan."
"Wow, Nana it looks like we have a feast." tuwang tuwa na sabi ni Felix.
"Simple lang iyan, pero sana magustuhan ninyo."
"Thank you po." sabi ko at saka umupo na sa mahabang upuan na walang sandalan.
Una kong tinikman ay ang maliit na piraso na parang pinritong manok. It looks like a chicken lollipop but it taste different.
Kasunod naman ay ang adobong baboy. But the meat is already chopped. Kaya mas lalo siyang masarap kainin dahil malambot.
"The chicken is really good." sabi ko at kumuha pa ng isa.
"Uhm, Toni..."
Tinapunan ko lamang siya ng tingin at pinagpatuloy parin ang pagkain.
"That's not a chicken."
The moment I heard what Felix said e binitawan ko ang hawak ko na chicken lollipop look-a-like.
"Then, what?"
"Palaka po iyan." sagot ng batang babae.
"Wha-what about this? Ano ito?" tanong ko at itinuro ang adobo.
"Dagang...--" tinakpan ng asawa ni CJ ang bibig ng kaniyang anak.
"Is this a rat?" tanong ko kay Felix, ngunit hindi ako nakatingin sa kaniya.
"I'm sorry, pasensya na po Nana hindi po kasi sanay si Toni sa mga ganitong pagkain...--"
"N-no it's ok." putol ko sa kaniya.
Pero mula nun ay hindi ko na sinundan pa ng isang subo. Ayoko na mapahiya si Felix dito dahil unang una sa lahat nakikitira lamang kami at saka nakikikain lamang din kami.
Kaya pagkatapos ng hapunan ay dumiretso ako sa kubo at umupo sa isang maliit na upuan.
"I can't believe na kumain ako ng exotic foods." wala sa sarili kong nausal.
"I'm sorry, hindi ko agad nasabi sa'yo." Felix said while scratching his nape.
I laughed sarcastically.
"No, it's ok. Sabi ko naman, ok lang 'di ba? O my goodness, kailangan kong sabihin kay Don iyon." sabi ko at kaagad kong inilabas ang aking phone.
I tried to contact Don but the signal is too weak.
"Sad, walang signal. Dream kasi namin ni Don iyon, ang makakain ng mga exotic foods."
Mukhang nakahinga ng maluwag itong si Felix.
"Good thing that you didn't scold me for making you eat an extraordinary food."
Ngumiti din ako.
"Hindi naman siguro sasakit ang tiyan ko 'di ba?"
Hindi na rin kami nagtagal sa pag uusap namin. Kinabukasan, nagising ako sa malakas na tunog ng kaserola.
Bumangon ako at sumilip sa labas. May mga matatandang rumoronda na may hawak na malaking kawali at patuloy ang paghampas nila sa kaserola.
"Ano pong meron?" tanong ko kay Nana Caring paglabas ko ng kubo.
"Nagising ka ba dahil diyan?" tanong nito sa akin at inihinto ang pagwawalis.
Tumango naman ako bilang sagot.
"Araw-araw iyan dito bago mag alas sais okaya naman ay saktong alas sais. Sa oras na ito kasi sumisikat ang araw." paliwanag ni Nana.
"Parang alarm clock?"
"Parang ganun na nga. 'yung may hawak na kaserola, 'yun si kapitan. Kapag kasi nagising ka ng alas diyes dito e tatawagin kang tamad. Para mo na daw sinayang ang oras mo sa wala."
"Kung hindi ka na inaantok maaari mo akong tulungan sa paghahanda ng agahan." dagdag nito.
Sakto namang lumabas ng kanilang bahay ang asawa ni CJ.
"Tutal gising na rin si Cecil, kayo ng dalawa ang kumuha ng mga sangkap para sa pananghalian at ako na lamang ang magluluto para sa agahan."
Madali naman akong nagbihis. Kasama si Cecil, huminto kami sa isang malawak na gulayan.
"Magpipitas tayo ng gulay, tuturuan kita kung papaano." nakangiting sabi ni Cecil at saka umupo paharap sa halaman ng okra.
Tinuruan niya ako kung paano ang tamang pagpitas upang hindi masira ang buong tangkay nito.
Nag enjoy ako sa ginagawa ko dahil ngayon ko pa lang nararanasan ito. Ni tree planting ay hindi ko natikmang gawin.
"Mabuti pa kayo 'no? Hindi niyo na pinoproblema ang pagkain." komento ko.
"Itong lupa at mga tanim ang matagal na pinag ipunan ni inay Caring. Mahirap kasi ang pagbaba ng bundok, medyo malayo ang bayan kaya naisipan ni inay na magtanim na lamang."
"Swerte kayo dito, hindi tulad sa amin puro polusyon. Kaya siguro kahit na may dalawa ka ng anak e mukhang dalaga ka parin. Dumito na lang kaya ako?" biro ko.
Nagtawanan kaming dalawa na para bang matagal na kaming magkakilala.
"Swerte ka din naman. Maganda ka at mahal ka ni Felix. Kinukwento siya lagi ni inay Caring sa tuwing uuwi siya rito sa bundok. Mabait daw si Felix at magandang lalaki. Kaya kung minsan nagseselos ang asawa ko pati na rin ang mga kapatid niya dahil bukambibig si Felix ng inay."
No doubt, tama ang mga sinabi ni Cecil. At pinatunayan niya iyon sa akin ng mahigit apat na taon.
"Kung ako sa'yo, hindi ko na sasayangin ang pagkakataon na maging kabiyak si Felix." dagdag pa nito.
"Kabiyak agad?" natatawa kong sabi.
"Aba'y oo. Alam mo ba, minsan lang ang makahanap ng ganiyang klaseng lalake. Akala ko nga ay si CJ na lamang ang natitirang lalake na hindi babaero. Pero sa mga karagdagang kwento ni inay kagabi tungkol kay Felix, naisip ko na baka ako pa itong mukhang nagtataksil sa asawa ko dahil manghang mangha ako sakaniya."
Yeah right, Felix is a husband material pero hindi pa ko handa para sa bagay na iyon.
BINABASA MO ANG
Raegan's Divulgence
RomantizmAntonia Nolan is a successful news reporter, but she lost her job because of a man. The man of her dreams and the only man for him. What will happen to her after the devastating and painful life she had?
