Chapter 11

1K 16 0
                                        

I gave in.

No, this isn't right.

"Stop it." sabi ko after I cut our moment.

"You kissed me back." sabi nito at palapit nanaman sa akin. Tila kinakin ng mga yapak niya ang distansya namin.

Tinulak ko siya palayo at saka na pumasok sa aking sasakyan.
Kaagad ko itong pinaandar at nilisan ang lugar na iyon.

"Stupid! Stupid!" sigaw ko sa aking sarili.

"Hindi dapat ako bumigay! Napaka tanga ko, ang tanga ko."

While saying those words, I can't help not to cry. Itinabi ko ang aking sasakyan sa gilid ng highway at ipinatong ko ang aking ulo sa manibela.

Four years ago, umiiyak ako sa sasakyan ko because of Enrie. Now... because of my stupidity.
Kayang kaya kong balikan si Enrie anytime I want, pero 'yung sakit na dinanas ko sa kaniya lagi din nagpaparamdam. Para bang habang buhay ko ng dadalhin ito, itong sama ng loob ko sa kaniya. I want him, I want him again in my life pero half of me sinasabing...

"No, huwag. Pinahirapan ka niya kaya pahirapan mo siya. Sinaktan ka niya kaya saktan mo rin siya. Sinira niya ang relasyon mo sa pamilya mo kaya dapat masira din siya. Pinahiya ka niya sa libo-libong tao, kaya ang dapat sa kaniya hindi lang libo kundi bilyon."

Ilang minutong naka park sa gilid ng kalsada ang aking sasakyan. Nang kumalma ako at nagsawa na sa pag iyak, binuhay ko ng muli ang makina ng aking sasakyan.

Bago pa ako makasulong, nagring ang cell phone ko.
Sinagot ko ito without hesitation.

"Hello?"
Felix is on the line.

"Uhm?" lamang ang aking sagot.

"I'm in front of your pad." sabi naman nito kaya nataranta ako bigla.

"Huwag kang papasok, pauwi na ako."

"Pauwi? Nasa labas ka? Nasaan ka?"

"Basta."

"Hihintayin na kita sa sala m..--"

"No! Sa labas ka maghintay!" sabi ko at ibinaba na ang tawag.

Nasa sala ang laptop ko and yes, si Felix, ako at si Don e alam ang passcode ko sa condo unit ko.

Kabadong kabado ako sa pagmamaneho dahil alam kong may pagka mainipin si Felix. Baka mangahas itong pumasok sa condo ko sa sobrang inip at makita niya ang laptop ko kung nasaan ang mga files ko na nai-publish na sa Pseudonym.

"O my God, Felix." wala sa sarili kong nasabi.

Niluwagan ko ang kapit ko sa manibela. Kailangan kong kumalma kung hindi, baka maibangga ko itong sasakyan ko sa sobrang nerbyos.

"Mag relax ka lang, Toni. Alam ni Felix na galit ka kaya hindi papasok iyon ng wala ka. Relax, Toni."

"Inhale."
"Exhale."

Paulit ulit kong ginagawa iyon hanggang sa maipark ko na ang sasakyan ko.
Kumaripas ako ng takbo papunta sa condo unit ko at wala akong dinatnan sa labas.

Iniisip ko ngayon na baka umuwi na lamang si Felix habang pinipindot ko ang passcode ko sa gilid ng pintuan. Pagkabukas ko nito ay nanlambot ako nang makita ko ang sapatos niya sa gilid.

Naglakad na ako patungo sa sala at wala rin akong dinatnan na Felix doon, nag iisa ang laptop ko at mukha namang hindi nagalaw.

Kumaripas naman ako ng takbo papunta sa kwarto ko dahil baka pumasok siya doon ng walang paalam.
Malamig ang doorknob, sana lang wala talaga si Felix dito.
Pagbukas ko ng pinto, malamig na hangin ang sumalubong sa akin. Hindi ko man lang nai-turn off ang air conditioner nang umalis ako.

Wala din siya sa kusina. Nasaan na kaya ang lalaking iyon? Narito ang mga sapatos niya pero wala siya.

"Felix, stop playing inside my pad. Huwag ka ng magtago hindi nakakatuwa." sabi ko at nagpamewang pa.

"Bibilang ako ng lima, kapag hindi kapa lumabas diyan habang buhay ka ng nandiyan sa lungga mo. Isa!"

Naiinis na ako dahil alam kong ganito ang trip ng lalaking ito.
Mas mabuti ng pagbantaan ko siya bago pa na ako gulatin.

"Dalawa! Ang tigas mo talaga ha..--"

"Sinong matigas--"

"Ay!"

Napalundag naman ako sa gulat nang may magsalita mula sa likuran ko.

"Felix, ano ba!" singhal ko sa kaniya.

"What? Sino bang kausap mo? Nandito ba si Don?" tanong niya habang nag aalis ng tsinelas sa gilid ng pintuan.

"Bakit.. ikaw... kaninong... saan..."

"Nandiyan si Don? Sakto lang itong binili kong iluluto para sa atin e." sabi niya at inangat ang mga paper bags na dala niya.

"Bumili ka? Ng ano? Bakit?" tuloy tuloy kong tanong.

"Ng kakainin natin. Magluluto sana ako, at gusto kitang surpresahin kaso walang laman ang ref mo. Puro tubig at iced coffee, iyang mga nasa cabinet mo naman e puro instant noodles, kaya lumabas muna ako para bumili ng mga ingredients. Ginamit ko na rin 'yung tsinelas mo, ang hassle kasi kung magsusuot pa ako ng sapatos tas tatanggalin ko nanaman pagdating ko dito." mahaba niyang litanya habang patungo siya sa kusina, ako naman itong nakasunod sa kaniya.

"Hindi na kita nahintay sa labas, gusto kitang ipagluto para makabawi man lang sa nagawa ko sa'yo." dagdag niya at inilabas na ang mga sangkap mula sa paper bag.

"Wala ka namang ginawang masama. Ako dapat ang bumabawi sa'yo dahil sa pride ko, ako na nga itong humingi ng pabor ako pa itong malakas ang loob na awayin ka." sabi ko at tinulungan siya sa ginagawa niya.

"Sus, osige ganito. Pareho na tayong may kasalanan sa isa't isa, tutulungan mo ba ako rito?"

"Sige na, sige na. Ano bang lulutuin mo?"

Raegan's DivulgenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon