Chapter 28

556 14 0
                                        

Iminulat ko ang aking mga mata, nagising ako sa ingay ng dalawa.

"I cancelled my flight to Europe for Toni. Ako na ang magbabantay sa kaniya at ikaw na ang bumili nito." that's Enrie.

"Ano naman? Sinabi ko bang magpaiwan ka sa eroplano mo? Basta ako ang mag i-stay dito kay Toni." and now I hear Felix' voice.

"Baka gusto niyong ako nalang ang bumili at kayong dalawa ang maiwan rito?" sabat ko at pinilit kong umupo.

"Toni."
"Tart."

"Nasaan ba si Don? Bakit kayong dalawa ang nandito?" tanong ko.

"Sinundo niya ang mommy mo." sagot ni Felix.

Hindi na ako sumagot at pinagmasdan na lamang ang dextrose na nakasaksak sa akin.
What the fudge is this?

"Why am I here? Bakit may ganito ako?" I asked.

"Na-dehydrate ka dahil maghapon kang walang kain kahapon, idagdag mo pa iyang dramarama mo."

Iginawi ko naman ang aking tingin sa pintuan kung saan nanggagaling ang boses ni Don, and he's with my mom.

"Why are you here?" malamig kong tanong.

"Because I am worried, anak kita syempre. Bakit pati ako ginaganyan mo?" sabi ni mommy na nakapout pa.

Hindi na ako nag expect na pupunta si Avi at ang ama niya. Wala namang pake sa akin ang dalawang iyon.

"Gusto kong mapag isa. Umalis na kayo." sabi ko at muling humiga.

"Toni." - Don.

"Please."

Lahat sila ay lumabas pwera kay Don. Nakatayo parin siya at mataman akong tinititigan.

"Ang sabi ko gusto kong mapag isa."

Hindi ko naman inaasahan na may mga gabutil na luha ang lumalabas sa kaniyang mga mata.

"What's wrong with you?" tanong ko.

"Ikaw dapat ang tanungin ko niyan! What's wrong with you?! Balak mo ba ang magpakamatay ha?! Pasalamat ka at magaling akong pumili ng sasakyan dahil pinili ko 'yung may tracking device. Kung hindi inuuod ka na ngayon sa gilid ng highway kung hindi ka pa namin nahanap!"

Hindi ako nagsalita, I'm so fed up of my life ayoko ng umiyak.

"Alalang alala ako noong tumawag ang mommy mo kung nakauwi ka na ba! I checked your condo pero wala ka! I tried to contact you pero hindi kita mareach! Akala mo ba nakakatuwa 'yung ginawa mo!"

Hindi ko alam kung concern and worried ba siya or he's just scolding me.

"I'm sorry, tama na. Huwag ka ng umiyak diyan." sabi ko and I managed to stand para yakapin siya.

"Hush now, hindi pa naman ako inuuod kaya tumahan ka na." then I caressed his back.

At least, now I know that someone in my life will sta by my side for sure. And it's Don, look how caring and vulnerable he is right now. I can't help not to smile.

Hindi na rin ako nagtagal sa hospital. Nang maubos ang nakasaksak sa akin na gamot e nagpasya na akong umuwi.

Hindi na ako nasundan ni mommy hanggang sa condo dahil hinahanap na daw siya ng asawa niya.

"Pwede na kayong umuwi, kaya ko namang mag isa." sabi ko at umupo sa aking sofa.

"I'll stay." - Felix
"Sasamahan kita." - Don

"Mag stay narin ako tutal sa susunod na araw pa ang flight ko." and now Enrie.

"Walang mag stay rito, umuwi na kayo." I insisted.

"Don." tawag ni Felix sa kaniya.

Nag eye to eye contact ang dalawa, para bang binabasa nila ang nasa isip ng bawat isa.

"Ok fine." bulong ni Don at bumuntong hininga.

"Enrie, samahan mo nalang ako umuwi. Hayaan mo na si Felix diyan sa malditang iyan." sabi ni Don at hinatak ang kamay ni Enrie.

"But I want to stay." pagmamatigas nito.

"Sige na, tara na." sabi ni Don at tuluyan na silang nakalabas ng unit ko.

"What was that all about?" tanong ko at naghalukipkip sa harapan ni Felix.

Umarte naman siya na para bang walang narinig na tanong mula sa akin.
"Sobra akong nag alala sa'yo. Bakit hindi mo ako tinawagan?"

"Sa palagay mo ba matatawagan pa kita sa sitwasyong iyon?" saka ko ito inirapan.

"I mean, dati kaagad mo akong tinatawagan kapag may problema ka."

I said...
"Wala na ako sa wisyo ko para tawagan pa kayo. Ang tanging gusto ko e ilabas lang ang sama ng loob na nararamdaman ko."

Tumango tango naman ito.
"Masakit pa ba?" he asked.

I nod as an answer.
"Sobrang sakit." sabi ko at humiga na ng tuluyan sa sofa.

"Dati, kami ang pinupuntirya ng Pseudonym na iyon. Ngayon, ikaw naman." sabi nito at umupo sa sahig saka pa hinawakan ang aking kamay.

"Do you want to run away?"

"Run away?" tanong ko.

"Yes, run away. Aalis tayo, pupunta tayo sa malayong lugar kung saan walang nakakakilala sa'yo at sa akin. What do you think?"

Matagal bago ako sumagot. Magandang ideya iyon and it is a good timing to relax myself.

"Ano, g?"

"Saan ba?"

Raegan's DivulgenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon