Chapter 38

637 8 3
                                    

"Tart, let's run away again?"

My forehead creased.
"Run away? Bakit? May tinatakbuhan ka ba?" usisa ko.

"I mean, run away... like what we did last time. You know, unwinding. Gusto ko lang makalimot sa mga problema ko sa shop." sabi nito.

"Please, Toni? Ko-kontakin ko na ang kaibigan ko para maihatid na niya tayo ngayon din."

Wala naman akong ibang nagawa kundi ang tumango na lamang. After all, he needs a break. Palagi na lang kasing may problema sa shop niya. Alam kong mali na takbuhan ang mga problema, pero tao din siya...

napapagod at nagsasawa.

He quickly packed our things at dumiretso kung saan kami sinundo dati ni Philip gamit ng kaniyang helicopter.

Madaling madali si Felix sa pagsakay, napansin ko na parang aligaga ito.

"Uy, Toni! It's nice to see you again, beautiful." bati naman sa akin ni Philip.
Naaalibadbaran naman ako sa kaniyang mga tingin. Kaya kahit na hindi ako komportable sa kaniya, nginitian ko na lamang ito.

"Pare, let's go." utos ni Felix.

Kaka-take off palang ng helicopter nang biglang mag ring ang cellphone ko. Si Don tumatawag.

Akmang sasagutin ko na ito nang hindi sinasadyang matabig ni Felix ang kamay ko dahil sinusuotan niya ako ng jacket. Naalarma naman ako nang mahulog iyon sa baba.

"My phone!" I screamed.

Felix looked at me like he's really sorry. Hindi ko naman pwedeng iutos na ibaba ang helicopter dahil naka set na ito. At isa pa, nahihiya ako kay Philip baka isipin niya na inaabuso ko siya at feeling VIP ako.

"I'm sorry, tart. Uh! Napaka clumsy ko talaga." he said while hitting his head.

"Hayaan mo na, medyo may diperensya na rin ang cellphone ko na iyon. Baka nagpapapalit na talaga." sabi ko at nginitian siya upang humupa naman ang pressure na nararamdaman niya.

"Stop worrying, tart. I got you, I got your back." that is my first time calling him with his favorite endearment.

Tart

"You know that I hate endearments, right? I want you to calm down at kapag inalis mo 'yang pagka OA mo tatawagin na kitang tart forever." I made a deal with him.

"Ok." he agreed as he sealed me a kiss on my lips.

Masaya naman kaming sinalubong ni Nana Caring at ng mga bata sa pagdating namin.

"Masaya ako at napapasyal kayong muli rito. Ibinalita lang ng mga bata sa akin na may lumapag na helicopter dito, wala naman ibang lumalapag dito kung hindi lang naman kayo." sabi ni Nana.

Nakangiti namang lumapit sa akin si Sandra, samantalang si Roi ay kaagad na nagpabuhat kay Felix.

"Roi, bumaba ka nga diyan. Nakita mong maraming bitbit ang tiyo Felix mo." sabi ni Nana at pilit na ibinababa si Roi mula kay Felix.

"It's ok, Nana. Namiss ko rin naman itong si Roi." sabi nito at ginulo pa ang buhok ng bata.

"Tiya, ako po ba ay namiss niyo din?" nakangusong tanong ni Sandra sa akin.

Kaya naman lumebel ako sa kaniya at hinawakan ang magkabila niyang pisngi.
"Oo naman, Sandra."

Yumakap ito sa akin na ginantihan ko rin ng mahigpit na yakap.

Pagdating namin sa bahay ni Nana, si Cecil kaagad ang hinanap ng aking mga mata.
"Nana, si Cecil po?" tanong ko.

"Naku, sa makalawa pa ang dating nilang mag asawa. Nakahanap kasi ng trabaho itong si CJ doon sa construct site sa bayan, si Cecil naman ay nagtitinda din doon ng gulay."

Raegan's DivulgenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon