Chapter 40

731 17 0
                                    

Dalawang linggo na kaming nandito at wala yatang balak bumaba ng bundok itong si Felix.
Mula noong isang araw din ay naramdaman ko na ang pagbabago ng sistema ko. Madalas akong magkaroon ng morning sickness at sa tuwing kakain kami ay sumusuka ako ng walang humpay.

"Nana, ok lang ba talaga si Toni?" halata sa boses ni Felix ang pag aalala.

"Normal lang iyan, hijo. Huwag kang mag alala."

Oras-oras bumabaligtad ang sikmura ko. Wala na nga yatang laman ang tiyan ko pero walang parin akong tigil sa pagsuka.

Hinimas himas ni Nana ang aking likuran at unti-unti ko ng naramdaman ang kaginhawaan.
Inalalayan naman ako ni Felix sa paglalakad.

"Felix, Toni." tawag sa amin ni Nana.
"Magpipitas lang ako, kayo na muna ang bahala sa bahay. Isasama ko na ang mga bata para hindi rin muna ma-stress itong si Toni kina Sandra." paalam ni Nana. Nakabuntot anh dalawang bata sa kaniya, habang nasa likuran naman niya si Elydia.

"Ok, Nana! Take care!" sabi ni Felix at talaga namang pinanindigan ang pag akay niya sa akin.

"My feet are fine, Felix. Hindi ako lumpo." natatawa kong sabi sa kaniya at saka na umupo sa ilalim ng puno.

Suddenly, he sighed.
"Bambam, huwag mo namang pahirapan ang mommy." sabi ni Felix at hinihimas himas pa ang aking tiyan.

"Don't blame, Bambam. Hindi siya ang nagpapahirap sa akin, sabi nga ni Nana normal lang ito."

"Alright, alright. Nag aalala lang ako para sa'yo. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko na nahihirapan ka."

"Don't worry, everything will be alright kapag nakapag adjust na itong katawan ko kay Bambam." nakangiti kong sabi at pinisil pisil ang kaniyang kamay.
"Huwag kang masyadong mag alala."

Wala pang sampung minuto ang lumipas nang umalis si Nana ngunit pabalik na ito.

"Felix, halika."

Agaran namang sumunod si Felix. He jogged towards Nana.
Medyo malayo sila sa akin kaya hindi ko marinig ang usapan nila. Panaka naka naman ang pagsulyap sa akin ni Felix.

Ilang saglit lamang ay lumapit na siya sa akin.
"Pumasok ka muna sa bahay, nagpapasama lang si Nana. I'll be right back, mabilis lang ako." sabi nito at humalik na sa aking noo.

Sinunod ko naman ang sinabi niya at inaliw ko ang aking sarili sa loob ng bahay. Dapat pala'y pinaiwan ko na lamang sina Elydia dito nang hindi ako mainip.

"Tiya!" si Roi na papasok sa bahay.

"Oh, nasaan si Nana, ang mga kapatid mo at ang Tiyo Felix mo?" tanong ko.

"Nandoon pa po sa may helicopter. Nainip po kasi ako kaya umuwi na lamang ako." sabi ni Roi at kinalkal ang mga laruan niya.

"Anong sabi mo? Helicopter?" ulit ko.

"Opo."

Walang sabi akong lumabas ng bahay at tinungo ko kung nasaan sina Felix.
Tama nga ang bata, nandito si Philip.
Palapit na ako sa kanila.

"Kailangan niyo ng bumalik sa Manila, man. Kailangan si Toni ng mga magulang niya."

Napahinto ako sa kinatatayuan ko. Bakit ako kailangan nina mommy?

"Alam mong hindi pwede."

"Bakit hindi pwede?" tanong ko at tuluyan ng lumapit sa kanila.
"Bakit nandito ka Philip?" tanong ko.

"Pinapasundo ka ni Don." sagot ni Philip. Nanginginig pa ang kaniyang boses.

"Sinabi mo kung nasaan kami?" sabat naman ni Felix.

Raegan's DivulgenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon