From: Don
Toni, we need to talk. It's about our website.
Nakatanggap ako ng text message mula kay Don. Ano nanaman ba? Tapos na ako sa Pseudonym, ano pa bang pag uusapan namin tungkol doon?
"Who's that?" tanong ni Felix sa akin, yumakap sa akin ay ang kaniyang mabigat na binti.
"Si Don. Gusto niya makipag usap." sabi ko at umupo upang ayusin ang aking damit.
"Mamaya ka na umalis. Let's get laid muna." sabi niya at niyakap niya ako sa bewang.
He gently pull me closer to him and now he's spooning me."Felix, ano ba. We just finished doing our thing." I protested as I tried to escape from him.
"Fine, fine. Bumalik ka kaagad after mong makipagkita kay Don." sabi nito sa akin while I am dressing myself.
"Ikaw? Hindi ba't dapat ay pumunta ka sa shop mo? Isang linggo ka ng nandito lang sa bahay at ginugwardyahan ako from the day that I moved in here." sabi ko at inayos na ang aking buhok.
"Marami naman sila doon, siguradong kaya nila kahit wala ako. Saka, wala naman akong gaanong naitutulong doon, puro mando lang ako at tayo." sabi nito.
"Bahala ka." sabi ko at saka na tinawagan si Don, na agad niyang sinagot.
"Toni, sa condo mo." bungad ni Don. Ni hindi pa nga ako nakakapag hello sa kaniya.
"Ok." sagot ka na lamang at pinatay na ang tawag.
Pagdating ko sa building e bigla akong binati ng guard.
"Ma'am, congratulations po." nakangiti nitong sabi.
Ako naman ay napalingon at baka may iba pa lang kausap si kuya. Nagkibit balikat na lamang ako at tumuloy na sa pagpasok.
Nadatnan ko si Don na aligagang palakad lakad sa sala.
Ano nanaman bang nangyari sa baklang 'to?"Toni, nakita mo ba ang nasa Pseudonym?" salubong niya sa akin.
Umiling lamang ako."Ito? Hindi mo pa nakita ito?" inabot niya ang kaniyang cellphone. It's about me again.
May litrato pa itong nakalagay, it's a shot from Felix's house. That day when we are hanging out on his front yard. Sinamahan ko siyang maglinis ng sasakyan noon."Kailan pa ito?" tanong ko habang ini-scroll ko ito pababa.
"Kamakailan lang. Siguro, four days after mong tumira sa bahay ni Felix."
"From Reagan to Reagan" ang nakalagay na headline.
Ang sabi ay palihim kami na ikinasal ni Felix at pati ang pag gain weight ko e ginagawan nila ng issue na kaya daw ako tumaba e buntis na ako.Aminado naman ako na nag improve ang katawan ko kumpara dati na parang isang ihip lang ng hangin e liliparin ako. Pero hindi ako buntis!
"Ano bang ginagawa mo sa bahay ni Felix at hindi ka aware sa mga issues sa media?" kwestiyon niya sa akin.
Hindi ako kaagad nakasagot. Inisip ko kung ano nga ba ang ginagawa ko doon. Wala naman, puro harot lang kami sa bahay ay madalas kaming mag eksperimento ng mga recipes sa kusina ni Felix kaya siguro nagkalaman ako bigla.
"Don't tell me laging nakagarahe si Felix diyan sa pichi pichi mo?" taas kilay na sabi ni Don.
"No!" singhal ko sa kaniya at inirapan siya.
"Si Felix kasi, he's not letting me use my cellphone whenever I am with him. Nag che-check lang ako ng messages kung meron ba pagkatapos e iiwanan ko na iyon." paliwanag ko.Hindi na kumibo pagkatapos si Don. Tila ba may malalim nanaman itong iniisip.
"Mahal mo na ba si Felix?" out of the blue niyang tanong.
Mahal ko na ba siya?
Siguro ang sagot diyan ay..."I don't know? Basta masaya ako ngayong kasama ko siya, I feel safe and habang pinag aaralan ko siyang mahalin mas nakikilala ko pa siya na mabuti." sagot ko.
"Toni, huwag na kasi si Felix. Reagan 'yun e! Mortal na kaaway natin ang mga Reagan, remember?"
"But not Felix. Hindi natin siya kaaway. He understands me and he loves me."
Pumikit ng mariin si Don, halatang againts talaga siya sa relasyon namin ni Felix.
"Pag-uusapan nanaman ba natin 'to, Don?" tanong ko.
"Sabihin mo nga ang totoo, na developed ka na ba sa akin o kay Felix ka na-in love kaya pinipigilan mo ang namamagitan sa amin dalawa?" malisyoso kong tanong."Bitch, none of the fvcking options. I'm too classy para magkagusto sa isa sa inyo 'no." sagot niya at inirapan ako na para bang diring diri ito sa aming dalawa ni Felix.
"E, bakit nga ba?"
"Toni, you can't love Felix because...--"
Someone pressed the buzzer, tinalikuran ko si Don at tiningnan kung sino ang nasa labas. I saw my man from the screen.
Without saying a word, lumabas ako ng unit."Toni!" tawag ni Don.
"Did I disturb you two?" he asked.
Umiling ako bilang sagot. Hinawakan ko ang kamay ni Felix as I walk away from my unit."Toni ano ba, makinig ka muna!" Don shouted.
Humarap ako sa kaniya.
"Bakit ba against ka sa mga desisyon ko para sa aming dalawa ni Felix?" tanong ko.
"May hindi ba kayo sinasabi sa akin? Kayong dalawa." sabi ko at palipat lipat ang aking tingin sa dalawa."Wala naman." kaagad na sagot ni Felix.
"Don, ano?"
"Felix, stop. Tama na, huwag mong paglaruan si Toni."
Paglaruan? Ako? Pinaglalaruan ni Felix?
Kaagad ko naman siyang tinapunan ng tingin. My eyes were asking for some explanation from him."What are you talking about, Don? You know what hindi kasi sa lahat ng pagkakataon e naco-control mo si Toni. Ano bang problema sa akin? Ginagawa ko naman lahat ng gusto ni Toni para i-prove sa kaniya na worth it ako na mahalin niya. Maging ako hindi kita maintindihan, Don." litanya ni Felix at binitawan ang aking kamay.
"Don't pretend like you're doing everything for Toni..--"
"Tama na, Don. I don't want to hear your judgements anymore. Please, Don masaya na ako, hayaan mo na ako." sabi ko at tinalikuran na siya.
Hinawakan kong muli ang kamay ni Felix at nagsimula ng maglakad.

BINABASA MO ANG
Raegan's Divulgence
RomanceAntonia Nolan is a successful news reporter, but she lost her job because of a man. The man of her dreams and the only man for him. What will happen to her after the devastating and painful life she had?