Chapter 32

534 11 0
                                        

"Sandra, nasaan ka ba?" si Felix na nangangamot ng ulo dahil tinataguan siya ng panganay sa magkakapatid.

Samantalang si Roi ay patuloy sa pagtakbo sa loob ng kubo. Ako? Heto, karga karga ang bunso.

"She's so gentle." sabi ko at hinaplos haplos ko ang pisngi ng bata gamit ng aking daliri.

Muntik na akong maging ina, at ngayon hindi ko mapigilan ang aking sarili na matuwa dahil sa hawak kong bata.

"Roi, teka lang. Nasasakal ako!"

Tinungo ng aking mga mata ang kinalalagyan ni Felix. Karga niya si Roi sa kaniyang likod at nakasabit ang mga kamay nito sa leeg ni Felix.
Samantalang si Sandra ay nasa likod parin ng aparador.

Biagsak ni Felix ang kaniyang katawan sa sahig na kahoy na ikinatuwa naman ni Roi. Hingal na hingal ito, he's lost of words.

"Iyong hinahanaphanap mo ay nasa likuran ng aparador. Ayun oh, I can see her feet from here." sabi ko at itinuro ang kinaroroonan ni Sandra.

Hinilamos ni Felix ang palad niya sa sa kaniyang mukha at tumayo. Ilang saglit lamang ay karga karga na niya si Sandra na tuwang tuwa dahil nahanap na siya sawakas ng kaniyang tiyo Felix.

Biglang yumakap si Sandra mula sa aking likod at tinitigan ako nito.
Ginawa ko din ang ginawa niya, tinitigan ko siya na parang inaaral ang bawat sulok ng kaniyang mukha.
This is so heartwarming when she suddenly smile at me.

Pinaupo ko siya sa aking harapan.
"Kung hindi lamang namatay ang bata sa sinapupunan ko noon, siguro kasing edad na niya si Sandra." sabi ko at marahan na hinaplos ang mahaba niyang buhok.

Tumigil sa pagtakbo si Felix at marahan akong tinitigan.

"And I'll probably name her Serene." dagdag ko.

"I know. Ilang beses mo na nabanggit sa akin si Serene."

Napawi ang ngiti sa aking mga labi. Mabilis na naipon ang tubig sa akin mata. The pain is hunting me again. This time, hindi na kay Enrie, hindi na sa nakaraan namin. Kundi, sa supling ko na napabayaan ko dahil inisip ko lamang noon ay ang nararamdaman ko.

"I know you're always blaming yourself. Maybe, may rason kung bakit siya nawala. She's an angel now, Toni. Maybe, kailangan mo na ring pakawalan iyang anak mo." Felix said and he started caressing my back.

"Tiyo, bakit po umiiyak ang tiya?" tanong ni Sandra. Basag din ang boses nito at mukhang maiiyak na din siya.

"Masaya lang ang tiya mo na nandito kayo. Namimiss lang niya 'yung family niya." paliwanag ni Felix sa bata.

"Huwag na po kayong umiyak. Uwaaaaah ~" pati na rin si Roi ay umiyak kaya hindi ko naiwasang matuwa sa kanila.

"Ok, hindi na ako iiyak. Basta ba good girl at good boy kayo sa amin?" sabi ko at pinilit na ngumiti.

"Opo, tiya." sabay nilang sabi.

Pinunasan naman ni Felix ang aking pisngi na basang basa ng luha.
I smiled.

"Thanks." sabi ko.

Yumakap ito sa akin, kaya pati ang mga bata ay yumakap na rin.

"Para tayong one big happy family. How about that idea?" sabi ni Felix while flashing his smirk.

Bahagya kong hinampas ang kaniyang braso.
Pero, biglang pumasok iyon sa aking isipan. What if, si Felix na nga? What if, kaya nangyari sa amin ni Enrie ang lahat ng iyon dahil si Felix ang dahilan?

"Biro lang. But I'm still hoping na magkatotoo iyon." sabi ni Felix at hinaplos haplos ang aking braso.

Ilang sandali lamang ay umunat si Elydia, hudyat na nagising ito.
Maagap kong hinele ang batang hawak ko, ngunit tuluyan na yata itong nagising.

Ilang minuto rin siyang umiyak. Tumigil lang ito nang pasakan namin siya ng dede. Hindi nawawala ang titig ko sa bata maging hanggang sa oras ng pagtulog namin.

"Matulog ka na diyan, Toni. Baka malusaw ang bata kakatitig mo." pabirong sabi ni Felix.

Umayos naman ako ng higa at tumitig sa bubong na yari sa sawali.
Napatiman ako sa isiping pinaluwag ni Felix ang nararamdaman ko. No more, Serene. No more pain.

"Sabihin mo lang kung gusto mo na talaga ng maliit na Toni at maliit na..-- aray!"

Hindi nito natuloy ang kaniyang sinasabi dahil marahas ko siyang hinampas sa braso.
Napabalikwas naman ako ng upo nang biglang gumalaw ang batang nasa gitna namin.

"Ssshhhh." marahan kong hinaplos amg kaniyang ulo upang bumalik ito sa pagkakatulog.

"Biro lang naman e." bulong nito.

Minutes have passed, naramdaman ko na ang antok ko. But someone's caressing my cheek so sudden.

"Hmmm." I moaned. Inaantok na kasi talaga ako.

"I just want to say good night and I love you, tart." with those words, namulat ang aking mga mata.

He's not caressing my cheek anymore, nakatalikod na ito sa akin. I can't take this. Unti-unti na akong nahuhulog sa kaniya, kailangan na niyang malaman ang sikreto ko to test him if this man really love me and if he's really serious about us, about me...

Kinabukasan, pagkatapos ng aming tanghalian inaya ako ni Felix na maglibot kasama sina Roi at Sandra.

"Tiyo, pumunta tayo doon sa taniman ni apo." sabi ni Sandra na nakasakay sa balikat ni Felix.

"Alam ko kung saan iyon." sabi ko at kinarga so Roi upang mapabilis ang aming paglalakad.

"Mabuti't alam mong puntahan ang taniman ni Nana?" tanong ni Felix sa akin.

Kahit na tirik ang araw I managed to look at him. Matangkad kasi siya at kapag tumingin ka sa kaniya e talaga namang tatamaan ka ng sikat ng araw.

"Sinamahan ko kasi si Cecil noon sa pagkuha ng mga gulay." sagot ko habang nakatingin sa kaniya.
Halos nakapikit na ako.

Pagdating namin doon ay kaagad ding nagpababa ang magkapatid at kaagad na nagtakbuhan papalapit sa puno ng caimito.

"Tiyo sungkitin mo 'yun oh!" sabi ni Sandra at inabot kay Felix ang isang mahabang bulo na may hook sa dulo.

Mabilis naman niya itong nasungkit. Nagpalakpakan ang magkapatid at kaagad na pinagsaluhan ang hinog na caimito.

"Uhm, Felix..." tawag ko sa kaniya.

"Oh?" sagot niya na nakatingin parin sa taas ng puno dahil matyaga niyang sinusungkit ang mga prutas na tinuturo ng mga alaga namin.

"Mag-usap tayo mamaya." sabi ko.

Lumingon naman siya sa akin.
"Bakit hindi pa ngayon? Importante ba?" tanong niya.

Tango naman ang aking isinagot. Samantalang siya e ibinalik na ang tingin sa puno. Kaya nang magdidilim na'y napagpasiyahan na naming bumalik. Nakatulog na rin kasi ang dalawa habang karga karga namin.

"Felix, teka..." pigil ko sa kaniya bago pa siya makapasok ng kubo.

Lumingon siya sa akin at lumakad palapit sa akin.

"Uhm, hindi ko na papalabukin 'tong sasabihin ko. Tungkol kasi sa Pseudonym..."

Raegan's DivulgenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon