"Is he? Yes or no lang naman ang sagot." Putol niya sa akin.
"Yes, pero hindi ako pumayag."
Nanahimik siya ng ilang segundo. Pagkatapos ay bigla niya akong nginitian.
Creepy.
"Say yes." nakangiti nitong sabi.
"Huh? Are you out of your mind? Huwag mo nga akong i-test, hindi uubra sa akin iyan." sabi ko at inikutan siya ng mata.
I spinned my chair back in front my computer.
"Say yes, pumayag ka sa gusto niya. Bigyan mo siya ng second chance."
Napatayo tuloy ako sa aking kinauupuan.
This is unbelievable.
"Pinaglalaruan mo ba ako, Don? Huwag mong sabihing boss kita at pinapaswelduhan mo ako kaya mo ako ginaganyan?" irita kong sabi.
"Anong ginaganyan? I have a plan."
Seeing him smirk makes me cringe. It seems like he has a not so good idea.
---
The next day, I dialed Enrie's number. My hands are shaking, hindi kasi talaga tama ito.
"Uhm?"
He picked up the phone. Mukhang nagising siya sa tawag ko.
"Hey." Mahina kong sabi.
Sa tantiya ko e dalawang segundo ang lumipas bago siya nagsalitang muli.
"Hello? Toni? Is this really you?"
Obvious naman na nabuhayan siya ng diwa. Haaay kinakabahan ako sa utos ng Don na ito.
"Yup, it's me."
Geez, I sounded awkward.
"Teka, am I dreaming? Last time I checked, you hate phone calls."
Napabuntong hininga na lamang ako at sumagot.
"Let's meet, sa dating lugar. Now na, paalis na ako. Alam mo na iyon, wala namang ibang lugar na pwede nating pagtaguan." sabi ko at ibinaba na ang tawag.
I placed my right hand on my chest. Dama ko ang pintig ng puso ko. If something happens to me, magiging kasalanan iyon ni Don.
And yes, as what I've told Enrie... we are going to meet at the old bridge. Palabas pa lang ako ng aking sasakyan, tanaw ko na siya.
Dala dala ko ang nerbyos na aking nararamdaman kanina pa sa condo. I manage to smile habang papalapit kay Enrie, but my eyes can't do the same. Bakas parin sa aking mga mata ang pait at sakit na naaalala ko sa tuwing makikita ko ang lalaking ito.
"Hey," panimula ko.
"I bet you have something to say?" sabi niya kaagad.
Pumikit muna ako bago ako nagsalita.
"I just want you to know that I am giving you your second chance... --uhm, to prove yourself again." pahina na ng pahina ang aking boses dahil labag sa aking kalooban.
"I... I realized na tao ka din like me... Uhm, nagkakamali, at deserve patawarin."
Kahit na halos kainin ko lahat ng mga sinasabi ko, half of me is a bit happy into this situation. Gusto ko naman talaga siyang bigyan ng another chance dahil mahal ko parin siya. Pero ngayon, may iba munang purpose.
Ang marupok na Toni na kilala niya, magbabalik muli.
"W-wow. I don't know what to say... Seriously." sabi nito at bigla niya akong sinunggaban ng yakap.
"Thank you, Toni. Thank you for trusting me again, I will never break your heart ever again." sabi nito sa akin.
I'm sorry, Enrie.
I am giving you another chance because I want to break you.
"Gad, I'm so happy."
Humiwalay siya sa aming yakapan at nginitian niya ako. Nagawa ko naman itong ngitian pabalik.
"Uhm, Enrie... kung pwede sana isikreto muna natin ito? Tayong dalawa lang ang makakaalam ng relasyon natin, maliwanag? Gusto ko ng payapang buhay kasama ka, 'yung walang ibang nakekealam at sumasawsaw."
Agaran naman itong tumango.
"I swear, ikaw, ako, tayong dalawa lang ang nakakaalam." nakangiti nitong sagot.
Sa condo ko, nagluluto ako ng aming pananghalian at oo narito siya dahil gusto daw niya akong makasabay sa pagkain. Umayaw ako ngunit pursigido siya sa gusto niya.
Habang piniprito ko ang mga isda e siya namang pagyakap niya sa akin mula sa likuran ko.
He started planting small kisses on my shoulder.
"This is my first lunch with you after how many years being apart with my beautiful lady."
"Stop it, Enrie. This is not the right time to flirt." malamig kong sabi.
Itinigil naman niya iyon at umupo sa counter.
"Pinag isipan mo ba talaga ng mabuti ang pagsagot mo sa akin ulit? What made you say yes? Is it about the kiss?"
Nahinto ako sa aking ginagawa at naalala ko ang pinag usapan namin ni Don.
"If you give him another chance, may chance ka din na makasagap ng mga sikreto sa pamilya niya. Also, para makaganti na rin sa ginawa niya sa'yo. I mean, kapag in love na in love na siya ulit talaga sa'yo, gawin mo iyong ginawa niya four years ago. Dump him like nothing happened." pahayag ni Don.
"Don..." tanging nasabi ko lamang.
"Don't worry, dear. Hindi ko naman pakekealaman ang sex life niyo, at nasa sa iyo kung magpapabuntis ka sa kanya. What we really up to is the informations about them. Lalong lalo na sa ate niya."
"Pinapagawa mo ba ito sa akin for the sake of your revenge kay Erian? Si Erian lang naman ang main purpose mo sa pamilya ni Enrie e. Ipapahamak mo pa ako." then i rolled my eyes.
"Dear no, I'm telling you to do this and that for the both of us. Nabuo ang tandem natin not because of me, but because of you also. Remember?"
Kaya sa mga mapamolang salita ni Don e napapayag niya ako na balikan ang damuhong Enrie na ito.
"The fish is burning, Toni." sabi ni Enrie na ikinataranta ko.
"Fuck!" mura ko habang inaalis ang kawali sa electric stove.
"Ouch!"
Hindi ko naman sinasadyang maidikit ang kamay ko sa labi ng kawali at kaagad itong namula.
"What happened?!"
The moment na nakita niya ang paso ko e hinila niya ng aking kamay at kaagad na itinutok sa faucet.
"Clumsy ka padin."
Bago pa niya mabasa ang aking kamay e binawi ko na ito agad.
"I'm fine, and washing my hands after cooking is not a good idea. Baka mapasma pa ako." sabi ko habang hinaplos haplos ang aking paso.
"I'm fine." sabi kong muli.
Hindi naman na siya nakipagtalo tungkol doon at hinayaan na lamang ako.
Sa kalagitnaan naman ng aming pananghalian, nag ring ang aking cellphone.
"Are you expecting a call from someone?" tanong nito sa akin.
"Ha? Oo, ano... si Don."
Tinanguan naman niya ako saka na nagpatuloy sa kaniyang pananghalian.
"What?"
"What kaagad salubong mo sa akin?" tunog pabebe pa ang kaniyang boses.
"What? What do you want? I'm busy." sabi ko.
"Awe, I bet you're still lying on your bed at wala ka pang kain. Anyways, no problem with that, tart. I'm already on my way. I'm bringing you foods...--"
"NO!" putol ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Raegan's Divulgence
RomanceAntonia Nolan is a successful news reporter, but she lost her job because of a man. The man of her dreams and the only man for him. What will happen to her after the devastating and painful life she had?
