Chapter 23

544 11 0
                                        

Binitawan na niya ako pagkatapos kong sabihin na...
"Ayoko na Enrie."

"Why? M-may nagawa ba ako? May sinabi ba ang ate Avielle mo?"

Ate Avielle?

"May dapat ba siyang sabihin?" tanong ko.

Natahimik siya, ibig sabihin meron nga talaga. Meron silang hindi sinasabi sa akin.

"Kung sasabihin ko, will you promise me na hindi mo na ako hihiwalayan?" he said.

Umiling ako at tinalikuran na siya.
"Nevermind. Mas mabuti siguro na huwag ko na lamang alamin."

Baka lalo lang akong masaktan kapag nalaman ko kung tungkol saan iyon. Baka lalo lamang gumulo ang utak ko.

"Kasabwat ko ang ate Avielle mo sa pagpapakalat ng sex video natin."

Huminto ako sa paglalakad, nanatili akong nakatalikod sa kaniya.

"Nawawala na ang atensyon sa kaniya ng mga magulang niyo at pati na rin ang mga tao magmula nang pumasok ka sa industriya nila."

Lalong lumalakas ang kabog ng aking puso sa tuwing nagsasalita si Enrie.

"Hindi 'yun magagawa ng ate! She loves me so much, kakampi ko siya! Stop making stories para lang bumalik ako sa'yo!" I yelled.

"I am not inventing stories, Toni! I'm telling you the truth!"

"Stop."

"How can I stop ngayong alam mo na na iyon ang dahilan kung bakit tayo naghiwalay at kung bakit bumagsak ang career mo!"

"Please stop!"

"Toni, wake up! I was threatened. Your ate is too influential, anong laban ko? Avielle likes me, ikaw ang gusto ko. Ang sabi niya'y kayang kaya ka niyang burahin sa mundo, maging ako'y ipapatumba niya kapag hindi ako sumunod! I love you, ayoko na mamatay ka. Wala akong kasalanan! Biktima lang din ako..--"

"Walang kasalanan?!" I reprimanded him.
"The fact na nagsunod sunuran ka sa gusto niya, biktima ka pa rin ba?! The fact na nilaglag mo ako kahit na mahal mo ako, iniwan mo ako kahit na alam mong buntis ako, tinalikuran mo ako kasabay ng pagbagsak ko. How can you consider yourself as a victim?!"

He tried to hug me, pero kaagad ko iyong naiwasan.
"Sa ginawa niyo, para na rin akong namatay!"

Madali akong sumakay sa aking sasakyan at pinaharurot iyon.
I can't believe na si ate ang dahilan ng paghihirap ko.

Hanggang sa makarating ako sa aking condo, hindi tumitigil sa pag agos ang luha sa aking pisngi.

"Why did you call me...-- omg, Toni what happened? What's the matter?"

Don... paano ako magku-quit ngayon sa Pseudonym kung ikaw nanaman ang mayroon ako ngayon?

"Don..." then I burst into tears, harder.

Inalo niya ako sa likod at patuloy ang pagsabi ng...
"Let it out, hanggang sa mawala ang sakit na nararamdaman mo."

Yumakap ako ng mahigpit sa kaniyang braso. Hindi ko mapigilan ang hindi humagulgol.

"I thought ate Avielle is with me. I thought she love me the way I love her." sabi ko sa gitna ng aking mga hikbi.

"Hush now, tell me what happened."

I wiped my tears at umupo ng maayos sa harapan ni Don.

"Tinapos ko na ang namamagitan sa amin ni Enrie dahil ayoko ng pahirapan pa ang sarili ko. Hindi niya nagustuhan ang ideya ko kaya he refused it tapos..--"

"Sinaktan ka ba niya?!"

Nagulat naman ako sa inasta ni Don. Para na siyang maskuladong lalaki na handang manapak.

"No, no... He didn't."
Sabi ko at pinaupo siyang muli.
"He told me everything about my past."

"Which is?"

Ikinwento ko sa kaniya lahat ng salitang lumabas mula sa bibig ni Enrie. As expected, na-shock si Don.

Alam ni Don kung gaano namin kamahal ni ate ang isa't isa. Yes, nag aaway kami. Pero ganun naman talaga sa magkakapatid hindi ba?

"Inggitera talaga iyang ate mo. Wala na siyang ibang ginawa kung hindi ang manira ng buhay." inis na sabi ni Don at umirap.

"Siya ang motivation ko, siya ang inspirasyon ko sa trabaho. Dahil sa kaniya, naging passionate ako sa gusto ko sa buhay."

Muli nanamang umirap si Don at tinapik ng bahagya ang aking pisngi.
"Girl, shake it off. Tama na ang compliments sa ate mo. Kaya ka nga daw niyang burahin sa mundo 'di ba?"

"Kailangan kong makausap ang ate."

Kaya kinabukasan, agad akong tumulak papunta sa studio kung nasaan ang ate Avielle ko.

"Nandiyan ba si Avi Nolan?" tanong ko sa isang staff.

"Opo, kakatapos lang nila mag air." sagot naman nito.
"Kayo po ba ang kapatid niya? Are you Toni Nolan?"

Tango naman ang aking isinagot sa kaniyang tanong.

"She's in her waiting room, nandoon din po ang daddy niyo. Follow me."

Walang sabi sabi akong sumunod sa kaniya. Hindi ko pa nabubuksan ang pintuan nang marinig ko ang malakas na sigaw ni daddy.

"How could you do that to your sister!"

Nabalisa ko at kaagad na binuksan ang pintuan.
Nadatnan kong nakaupo sa sahig si ate.

"Daddy, stop!" pigil ko nang akmang sasampalin niyang muli si ate.
Lumapit ako sa kaniya at marahan siyang itinayo.

Marahas na tulak naman ang natanggap ko mula sa kaniya.

"Why are you here?! Tell me, admin ka ng bwisit na website na iyon ano?! That fvcking Pseudonym!"

Hindi naman ako nakakibo. Ayokong umamin dahil ayoko din namang malagay sa panganib ang buhay ko. Sa dami ba naman naming siniraan doon.
Ayoko din namang mag deny dahil lalo lang dumadagdag ang kasalanan ko.

"And now you'll blame your sister!" daddy shouted at her.

"Eh siya lang naman ang pinagsabihan ni Enrie e! Don't deny it, ibinalita sa akin ni Enrie kagabi na inamin niya sa'yo iyon!" - ate Avielle

"Inamin nga niya sa akin pero hindi ako... hindi ako ang nagsulat nun at hindi na ako nagsusulat!"

"Avi! Stop your bullshits now! I came here dahil sa kahihiyang ginawa mo. Ngayong alam na ng publiko ang ginawa mo sa kapatid mo, paano ka haharap ngayon sa camera?" - Daddy

Mas paborito talaga ng daddy si ate Avielle, tanggap ko iyon. Never naging concerned si daddy sa akin pagdating sa trabaho ko. Kaya hindi ko malubos maisip na siya ang sumira at humila sa akin pababa.

"I don't fvcking know!"

Napabuga ng marahas na hininga si daddy.
"Why on earth did you do that to Antonia? Anong ginawang masama ng kapatid mo at hindi lamang sa amin kung hindi maging sa buong mundo e siniraan mo siya?"

Inilipat naman ni ate Avielle ang tingin niya sa akin.
"Wala. Wala siyang ginawa."

"Then why?!" daddy shouted.

"Wala nga! Wala nga siyang gaanong ginagawa pero iyong atensyon niyo e madaling nalipat sa kaniya! Napaka unfair niyo kasi, kapag ang isa na ang umaangat kinakalimutan niyo na rin ang isa! Hindi sa aming dalawa ang focus ninyo kung hindi sa kaniya lang! Kaya gumawa ako ng paraan kung paano makuha muli ang atensyon niyo."

Ngayong nasa kaniya ang lahat ng atensyon, hindi ako nagsalita. Pero knowing na pinlano niya lahat ng nagpasakit sa akin, hinding hindi ko siya mapapatawad.

Bago pa ako maiyak, lumabas na ako sa silid na iyon, nagpasya akong umuwi na lamang at magpakalunod sa alak.

"Toni!" tawag sa akin ni daddy pero tuloy tuloy parin ako sa paglalakad.

Pagdating ko sa bahay, hindi ko inaasahan na may bisita pala ako.

Raegan's DivulgenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon