Chapter 16

726 13 0
                                        

"Wait, may ia-announce lang ako." and then he wrapped his hand around my waist.

Mula sa kinatatayuan ko, may mga pamilyar na mukha ang nakatingin sa akin.

"Ate..." ang una kong nasabi.

"Everyone, I want your attention please!" - Felix

The moment na nagsalita siya at doon din namatay ang music na kanina pa bumabalot sa buong event.

Nakatutok silang lahat, samantalang ako iisa lamang ang direksyon ng mga mata. Kay Ate Avielle, kay Erian at kay Enrie.

"I want to announce that I am officially dating this girl beside me."

Hindi naman ako nakapag react agad dahil nafocus ako kay Enrie na ngayon ay nakatayo na sa kaniyang inuupuan, at kay ate na napataas ng kilay.

"Felix, anong joke 'to? It's not funny." bulong ko sa kaniya. Masisira ang plano namin kay Enrie. Argh!

Usually, sa mga ganitong tagpo ang mga tao ay maghihiyawan at papalakpak. Pero ngayon, dito, hindi. Nagbubulungan silang lahat, para bang kinukwestiyon nila si Felix na "Bakit siya? Maruming babae iyan 'di ba?"

"I don't mind about her past, as long as I love her and as long as we understand each other." nakangiti nitong sabi.
"That's all! Enjoy the rest of the event."

"You can now go, hindi na kita maihahatid dahil marami pa akong bisita. Babawi na lang ako sa'yo bukas." naka ngiti nitong sabi.

"I'm really sorry, tart. Hope you understand me. Hmm?" sabi nito at tinalikuran na ako.

We need to talk after this bullshit, Felix. I've had enough with his jokes!

After naming mag usap, nilapitan ko si Ate Avielle, humalik naman ito sa aking pisngi.

"I missed you, baby girl. Kailan ka ulit bibisita sa bahay? Mommy wants to see her bunso so bad." sabi nito sa akin then she cupped my face.

"I'll... I'll try to visit mom kapag may time." sagot ko kahit na napaka dry na ng aking ngala ngala.

"Okay, let me know kapag bibisita ka ha? Gusto ko magkakasama tayong tres marias." sabi nito.

"Ate, mauna na ako. May aasikasuhin pa kasi ako." paalam ko.

Tumango naman ito.
"Take care, baby girl. You know how much we treasure you."

Nginitian ko na lamang si ate at nagdire diretso na ako palabas. Hindi na rin ako nag paalam sa dalawang Reagan dahil wala talaga akong balak na kausapin sila sa event na 'to. At isa pa, siguradong magugulo kami ni Enrie nang dahil sa pakulo ni Felix.

Kaagad naman akong nakapag book ng grab at hinihintay ko na lamang ito na sunduin ako.

"Toni."

Napapikit ako ng mariin nang marinig ko ang boses ni Enrie.

"Ano 'yung kanina? What is that all about? Totoo ba iyon?"

Humarap ako sa kaniya at umiling.
"No. He's just joking around, wala lang iyon. That is not true, kilala mo ang pinsan mo." sabi ko at muli siyang tinalikuran.

"Uuwi ka na ba? Ihahatid na kita."

"No. Alam mo ang usapan natin, Enrie. The deal is tayo lang dalawa ang makakaalam kung ano ang meron tayo." sabi ko.

Sakto namang dating ng grab na binook ko. Hindi ko na siya nilingunan pa noon at sumakay na.

Pagdating ko sa bahay, nadatnan ko si Don na para bang may problemang dala.

"Antonia Nolan, what the fvck is this?" salubong niya sa akin at itinutok sa pagmumukha ko ang kaniyang cellphone.

Binasa ko naman ang headline...
"Toni Nolan is back into the Reagan's lime light."

Part of the summary lead says...
"...with those beautiful smile of Felix Reagan, one of the guest is surely in an heartache. None other than, Enrie Reagan. The brother of the "lagpak" anchor Eri Reagan."

"What the fvck are you doing?! What the fvck are you thinking?! Nag iisip ka ba ha, Antonia?!" sigaw ni Don.

"I didn't expect that thing will happen!"

"Ano? Nakita kayo ni Enrie na magkasama? Narinig niya lahat ng iyon! Siguradong magagalit si Enrie sa'yo!"

"He's not! Nagkausap kami awhile ago, and I cleared things up. At saka, wala naman talagang namamagitan sa aming dalawa ni Felix. That man just really love big jokes!"

Napasabunot si Don sa kaniyang buhok at umupo sa sofa. He's scrolling on his phone screen and then he scream oh so loud.

"What the fvck is this again, Antonia?!"

"Ano nanaman?!" sigaw ko na rin.

"Arrrgh! You are stressing me out, girl!" pagkasabi niya nun ay pabagsak niyang inilagay ang phone niya sa kaniyang gilid.

Kinuha ko iyon at inusisa kung ano nanamang pinuputok ng tumbong nito.

Another news about me...
"Reagan vs. Reagan"

I flicked my eyebrows the moment I saw the headline. Kaya naman binasa ko ang kasunod na linya.

"After the announcement of Felix Reagan, a source from our team send a picture of Enrie Reagan and the former field reporter Toni Nolan. As if this Reagan number two is still tailing towards Toni..."

Umupo ako sa tabi ni Don at maging ako ay nafu-frustrate sa nangyayari. In just one event, two issues had come up about me.

"You need to do something, girl. Kailangan mong makaalam ng baho nila para matakpan iyang issue mo. Kailangan natin ng bagong issue sa kanila."

Tinapunan ko naman ng tingin si Don.
"Anong gagawin ko?" I asked.

"It's for you to find out, girl."

It's for me to find out.. Duh! Siya lang naman ang may kasalanan bakit pareho kaming nai-stress ngayon sa dalawang Reagan na iyon.

Raegan's DivulgenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon