Chapter 20

717 16 0
                                        

"Sino?"

Don't say my name, Enrie. Please, don't say my name.

"Ah, 'yung kaibigan ko. Nasa loob pa siya." sagot niya sa tanong ni ate pero sa akin nakatingin.

"Tara na?" aya ni Felix kaya naman sumunod na ako sa pagsakay ng kaniyang kotse.

Para bang naka glue ang mga mata ni Enrie sa akin hanggang sa mawala kami sa paningin niya.

"Why do you think he's here? Sa palagay mo ba sinusundan ka niya?" tanong ni Felix.

"Ha? Hindi naman siguro." sagot ko na hindi man lang makatingin sa kaniya.

Hindi na bumaba pa si Felix dahil may aasikasuhin daw siya sa business niya. Hindi mawala sa isip ko na baka sinundan nga ako ni Enrie kanina.

Wala pang isang minuto nang pumasok ako sa condo ko nang may mag buzzer sa labas.
Hindi ko na tiningnan kung sino iyon at kaagad na binuksan ang pintuan.

Pagbukas na pagbukas naman ng pintuan, iyon din ang mabilis na paghatak ni Enrie sa aking kamay.

"What was that?" halata sa mga mata niya ang selos, galit at kung ano pa mang kasuklam suklam ang nararamdaman niya.

"Anong what was that?" sagot ko na patanong din.

Hindi parin niya binibitawan ang aking palapulsuhan.
"'yung kanina. I am texting you multiple times and I tried to call you pero hindi kita ma-reach. Hindi ko alam na ang pagtulong ko sa kaibigan ko doon sa restaurant na iyon ay tutulong din sa akin na mahagilap ka."

So, may kasama nga siya doon.

"I'm sorry, biglaan din naman ang paglabas namin ng family ko...--"

"With Felix? Bakit kasama siya?" putol niya sa akin.
"Ginagantihan mo ba ako dahil sa ginawa ko? Toni, napatawad mo na ba talaga ako?"

and I answered him...
"He's my friend, Enrie."
Hindi ko masagot ang huli niyang tanong dahil hindi ko pa siya napatawad.

"Friend? Pero hindi friend ang turing niya sa'yo. Be sensitive naman, Toni! Pinopormahan ka niya, hindi mo ba iyon maramdaman?"

I rolled my eyes at binawi ang aking kamay.
"I am not insensitive, Enrie. Alam kong iba ang turing niya sa akin. Pero pamilya ko 'yung kasama niya, at isa pa siya lang naman ang kasama ko noong mga panahong nawala ka na parang bula. Siya lang mayroon ako noong walang wala ako. He offered his warm shoulders for me to cry because of you! Ngayon, sabihin mo sa akin kung bakit kailangan mong kwestyunin ang pagsama ko sa pinsan mo?" litanya ko.

Mahabang katahimikan....

"I'm sorry. I'm just... jealous." mahina niyang sabi.
"Never pa kasi tayong lumabas na kasama ang pamilya mo. Kaya nang makita ko how happy you are with that man, bigla ko nalang naramdaman na parang naagaw ka na niya sa akin."

"I'm sorry din Enrie. I'm sorry for making you feel that way. Hindi ko kasi alam kung mahal parin kita o sadyang gusto ko lang gumanti sa'yo. Dahil hindi sapat ang sorry mo para matakpan ang sakit na dinulot mo sa akin. Hindi sapat na nandyan ka na ulit para sa akin para makalimutan ko ang mga araw na nangungulila ako sa'yo dahil wala ka sa tabi ko."

Iyan ang gusto kong sabihin sa kaniya, but I can't.
Nanahimik lang ako.

"Now that I have you, ayoko na na mawala ka pa sa akin." sabi niya at sinundan niya ito ng yakap.

Kinalas ko ito kaagad. I don't have time to be so dramatic.

"Pagod ako. Siguro, umuwi ka muna. Saka na tayo mag usap." sabi ko at tinalikuran na siya.

Nang marinig ko na ang pagsara ng pintuan e nakahinga na ako ng maluwag.
Patong patong na stress ang idinagdag sa akin ng mga Reagan na ito.

Binuksan ko ang aking PC, balak ko sanang gumawa ng bagong issue para sa mga Reagan nang pinaulanan ako ng text messages ni Don.

From: Don

You have to check our website. I think it was hacked

Ano ba, Antonia Nolan! Answer my phone calls!

Nakapatay ba ang phone mo? Gaaaahd!

You're so stupid!

Mukhang kanina pa ang mga ito pero ngayon palang pumapasok ang mga mensahe ni Don.

"What's wrong with my phone?" sabi ko sa aking sarili habang tinatap ito dahil nag hang na.

"Argh! Bakit ngayon pa nagloko 'to!" inis kong sabi at binitawan na.

Humarap akong muli sa aking computer at binuksan ang aking Gmail account.
Wala akong ibang choice kundi ang i-email si Don dahil sira ang phone ko.

Pagkasend ng email ko, sunod ko namang tiningnan ang website namin.
Anong hacked-hacked kaya ang pinagsasabi ng baklang 'to?

"May bagong release?" bulong ko at kaagad kong kinlick ang artikulo.

Bumalandra sa monitor ang larawan na mukhang kakakuha pa lamang kanina habang nasa restaurant kami, at ang kasunod ay larawan ni Enrie na papasok sa condo ko. Kanina lang din ito!

"Double affair?"

Gagawa na lang ng headline napaka jologs pa.
What is written in the article is really pathetic. They don't even have a strong proof na ang mga larawang ito ay nangangahulugang pinagsasabay ko ang mga Reagan na 'to.

I rolled my eyes. O my God! Sino naman ang mapangahas na nanghimasok sa website namin ni Don.
This is so insane! Kapag hindi ito naayos, panigurado may mga bagong mapopost sa website na hindi sa amin ni Don galing.

Since I have the access of the website, kaagad kong binura iyon.

"Gurl! What happened?! Nagulat na lang ako at may nagnotif sa akin na may bagong article. Akala ko e gawa mo." sabi ni Don pagkapasok na pagkapasok niya.

"Bakit ko naman sisiraan ang sarili ko?"

"Iyon na nga kaya nga nagtaka ako 'di iba? Baka nga may nakapasok sa website natin kaya may access siya at nakapag post pa."

Napabuga ako ng marahas na hininga.
"It might be. Ang baduy pa naman ng headline. Like, duh?"

"It looks great naman, medyo pashowbiz. Nabura na, ikaw ang nagbura?" tanong nito.

"Yah, ano pang gagawin natin dun? E mukhang patapon lang naman ang article."

Nanahimik si Don, mukhang may iniisip. Ilang saglit lamang ay nagsalita na siya.

"Kailangan nating bantayan ang website natin in case na may ipost nanaman siya. Aaaahh! Mababaliw ako kapag biglang nagshut down ang Pseudonym!"

Raegan's DivulgenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon