"..but you are too much!"
"Too much? Mali ba na makipag unahan ako kay Enrie dahil alam kong wala naman talaga akong laban sa kaniya? Kahit ayaw mo itong nangyayari, you can't help it. Hindi mo makakaila na itong nangyayari sa amin ng pinsan ko ay isa ng competition!"
Pansamantala akong nanahimik. Lalo lang niyang pinapagulo ang sitwasyon.
"Walang competition, Felix..--"
"Tama ka, wala nga. Kasi si Enrie parin naman 'di ba? Wala akong chance, talo ako sa kaniya 'di ba? Edi siya na panalo!"
Mahabang katahimikan ang muling bumalot sa aming dalawa. Then, after a few seconds I decided to speak.
"Umalis ka na."
Tila nagulat ito sa aking sinabi. Umiling siya and he flashed an awkward smile.
"No, I'm sorry...--"
"Get out of my unit and don't come back ever again." sabi ko tinalikuran na siya.
"Toni, no. I'm really sorry. Mahal lang talaga kita kaya ako nagkakaganito, I'm sorry! Please!"
The moment he kneel down ay kaagad ko din siyang pinatayo. But he's so persistent, he even hugged my feet.
"Tumayo ka nga, Felix. Don't make yourself look pity."
Tumayo siya sa aking harapan at hinawakan ang aking kamay.
"Bawiin mo ang sinabi mo, Toni. I can't give up, h-hindi pwedeng matapos ito ng ganito lang."
"Why? I mean, bakit ba pinagpipilitan mo ang sarili mo sa akin? I don't even like you, alam mong kapatid at kaibigan lang ang turing ko sa'yo."
Umiling ito.
"No, no. Gagawin ko ang lahat para magustuhan mo ako. Gagawin ko ang lahat, Toni. Everything."
"But the problem is lahat ng ginagawa mo ay ayaw ko."
"Then tell me what you want, and what you do not want. Para aware ako sa mga kinikilos ko." sabi nito.
Mga mata niyang nangungusap, hindi ko alam kung ano ba talagang pakay niya. Gusto ba talaga ako ng taong ito? Marami namang iba diyan, pero bakit ako pa?
"I love you, Toni. I love you so much." sabi nito kasabay ng isang yakap mula sa kaniya.
"Please, hayaan mo ako na suyuin kita. I'm willing to do anything, I am willing to change myself for you."
Hindi ako makapagsalita. Ayokong magdesisyon ngayon, lalo na't on going ang plano namin ni Don sa mga Reagan. Kung hindi lang siya Reagan matagal ko na siyang hinayaan sa gusto niyang mangyari sa amin.
Unfortunately, he is a Reagan.
He's one of the family I am ruining. He's with the same blood of the family who ruin my life.
"Ilang araw ba ang kailangan mo para magdesisyon? Ibibigay ko iyon sa'yo. I am willing to wait." sabi nito at kinalas na ang kaniyang yakap sa akin.
"I don't know." iyon lamang ang aking naisagot.
Tumango tango naman ito.
"I understand, hindi kita pwedeng biglain. Maghihintay ako."
Hayaan ko na lang kaya siya na suyuin ako? Nasa sa akin naman kung palalaguin ko ang namamagitan sa amin. Nasa sa akin din kung papaasahin ko na lamang siya habang buhay. Pero, syempre hindi iyon mangyayari.
Ang akin lang, kung hahayaan ko siyang umasa na magkakaroon siya ng lugar sa puso ko... parang sinayang ko na rin ang mga panahong ginugol niya sa akin at napunta lang sa wala.
Argh! Bakit ba ako napunta sa sitwasyon na ito?! Bakit ba ako ang naghihirap? Sa dinami dami ng tao sa mundo bakit ako ang napili para magdusa?
"Are you ok?"
"Ha? Yah, I'm fine." nakangiti kong sagot kay Enrie.
"Ang tagal nating hindi nagkita, hindi mo ba ako namiss?" tanong niya at inihiga niya ang kaniyang ulo sa aking hita.
As usual, nasa lumang tulay kami. Nagpapalipas ng oras at inaalam ko na din kung anong kwento niya na pwede naming gawan ng issue.
Ilang araw na ang lumipas mula noong makita ko si Felix kung gaano siya na-control ng pagmamahal niya sa akin.
Wala parin akong sagot sa tanong niya, feeling ko kahit na anong isasagot ko sa kaniya ay may negative effect.
"Huy, are you listening? Absent minded ka ba? May problema ka?"
Pinaupo ko siya at hinilot ang aking sentido.
Kung pwede lang sabihin na... "Oo, problema kayong mga Reagan sa buhay ko."
"Huwag mo muna akong kausapin, masakit ang ulo ko." sabi ko at tumingin sa malayo.
"You should've told me na masakit pala ang ulo mo. Tara na, umuwi na tayo."
"Mabuti pa nga." sabi ko at inalalayan naman niya ako sa pagtayo.
On our way home, napansin ko na hindi ito ang daan pauwi sa condo ko.
"Saan ang punta natin?"
"Uuwi."
Umirap ako. Bakit ba ang hilig sa jokes ng mga Reagan na 'to?!
"Uuwi muna tayo sa bahay ko. It's been a very long time since you came again in my house." nakangiti nitong sabi.
Hindi na ako tumutol dahil isa pa, wala pa akong nasasagap na kwento mula sa kaniya.
"Magkwento ka naman tungkol sa tatlong araw mo na hindi pagpaparamdam sa akin." sabi ko pagdating na pagdating namin sa kaniyang bahay.
Wala paring nagbago sa bahay niya, naka display parin ang nga antigo niyang koleksyon. Isang larawan na naka display ang pumukaw sa aking atensyon, litrato niya na kasama ang ate Avielle.
"Bakit kasama mo ang ate dito?"
He snatched the picture on my hand at kaagad na inilagay iyon sa mala antigong drawer.
Nanatili akong nakatingin sa kaniya at hinihintay ang kaniyang sagot.
"Kuha iyan ni ate Erian. Ewan ko ba at pilit niyang inilalabas 'yun. Alam mo naman, best friends ang dalawa. Parang ate ko na rin ang ate mo, pero siguradong hindi na niya magugustuhan na makita pa ang litratong iyon ngayon dahil sa issue nila. At lalo ding pinapalala ng Pseudonym ang tungkol sa kanila. Saka, matagal ko na rin kasing hindi pinapakealaman ang nga gamit ko dito sa bahay kaya hindi ko na rin naaasikaso ang mga nariyan." mahaba niyang litanya.
Hindi na ako sumagot at inilibot ko na lamang ang aking paningin sa buong bahay.
Ang bawat sulok ng bahay na ito, ay may kahulugan sa akin... NOON
"Magluluto pa ba tayo o magpapa-deliver na lang?"
"Bahala ka." sagot ko.
"Deliver na lang para mas mahaba ang oras na kasama kita." sabi nito at hinatak niya ako papasok sa isang kwarto.
"Do you still remember whenever we choose to stay here kesa mag date sa mga fancy restaurant?" nakangiti nitong sabi habang pinapaalala ang aming nakaraan.
Yes, I still remember everything we did in this room.
"Paano ko naman makakalimutan ang kwarto mo? E hindi ba, dito ang setting ng sex scandal natin?" I said sarcastically.
Kita ko ang pagtikhim niya at pinilit niyang ngumiti.
"Tara, tingnan mo 'yung sa isang kwarto ko where I put all my paintings." pag iiba niya ng usapan at hinatak ako palabas ng kwarto niya.
"Pwede mong kalkalin ang mga gamit na nandiyan, mag o-order lang ako." sabi niya at iniwanan ako sa silid na iyon.
Ano namang gagawin ko sa mga bulok niyang paintings? Hindi naman ako interesado sa ganito.
Napairap na lamang ako at umupo sa isang silya. Pero sadyang matalas ang aking paningin at may kakaibang painting nanaman akong nakita.
Tumayo akong muli at lumapit doon. Hinatak ko pataas ang art work na naka gitna sa iilang paintings.
"Bakit ka may ganito?" I asked the moment he entered the room.
BINABASA MO ANG
Raegan's Divulgence
RomanceAntonia Nolan is a successful news reporter, but she lost her job because of a man. The man of her dreams and the only man for him. What will happen to her after the devastating and painful life she had?
