Wala pang isang oras nang makaalis si Felix, iyon naman ang pagtawag ni Don sa akin.
"Nasaan ka?" he asked.
"Alam mo naman kung saan ako lagi 'di ba?" sabi ko while rolling my eyes.
"Kita tayo, I'll text you where." sabi niya at pinatayan na ako ng tawag.
I stood up and took a bath, kumain rin ako bago umalis. I'm about to take a pill pero kaagad ko rin itong binalik sa capsule. I shook my head, hindi ko na pipigilan kung makabuo man kami ni Felix.
Pumunta ako sa restaurant na sinabi ni Don at ikinagulat ko ang nakita ko. Felix is sitting in front of my friend, Don. Napaka seryoso nilang dalawa habang nag uusap, I wonder what's their topic.
"What's going on here?" tanong ko at saka na umupo sa tabi ni Felix.
"Don, what is this again?" iritang tanong ni Felix kay Don.
"Nag usap kami ni Felix about sa relasyon niyo." Don said at pinagsiklop ang kaniyang mga daliri.
"Ano nanaman ba iyan? Akala ko ba settle na ang lahat? Bakit ba hindi mawala wala iyan sa inyong dalawa? Ano ba talaga ang problema?" maging ako ay irita na.
Pinaghiwalay na ni Don ang kaniyang mga daliri na kanina'y nagsasama sama.
"Gusto ko lang makasiguro na hindi ka niya sasaktan, Toni. I treasure you like my own sister. Sorry kung nagiging OA na ako pero, hindi ko lang talaga mapagkatiwalaan itong si Felix to be honest."
"That's why I want to hear from you na mahal mo na talaga itong lalaki na ito sa harapan niya at harapan ko...--"
"Yes, Don. Ok na?" putol ko.
"Ito lang ba ang itinawag mo?"
Don shook his head.
"Nakasalubong ko lang si Felix, I just want to hear some news about you. And syempre hindi ko na pinalampas ang pagkakataon na tanungin siyang muli tungkol sa pagmamahal niya sa'yo. Gusto ko lang namang makasiguro."
Napabuntong hininga naman si Felix.
"I have to go. My employees are waiting for me, mauna na ako." sabi nito at humalik na sa aking pisngi.
"Take care, ok? Tumawag ka sa akin kung gusto mong magpasundo. Enjoy your bond with Don, tart."
Mahabang katahimikan ang bumalot sa aming dalawa ni Don mula nang umalis si Felix.
"Hindi ka pa ba buntis, girl?" biglang tanong nito sa akin.
"Hindi pa. Sa totoo lang, pinipigilan ko. Natatakot kasi ako na baka mabuntis niya ako at iwan lang niya ako tulad ng ginawa ni Enrie. Ayoko ng maulit iyon."
He released a deep sigh.
"I think Felix is already serious about you. Nag usap kami kanina and he prove me wrong."
Bumalik na ako sa bahay ni Felix pagkatapos naming kumain ni Don. Si Felix kaya e nagtanghalian na?
Tuloy tuloy ako sa kwarto, nahila ang aking atensyon nang makita ko ang susi ng sasakyan ni Felix sa mini drawer nito.
Bumaba akong muli, nang marinig ko ang pagkalansing ng baso ay kaagad kong tinungo ang kaniyang kusina.
I saw Felix pouring a beer in his glass. Lumapit ako sa kaniya at hinaplos ko ang kaniyang matipunong braso.
"What's the matter?" tanong ko.
Tinabig niya ang aking kamay at muling lumagok ng alak.
May nagawa ba akong mali?
"What's wrong, Felix?" matigas kong tanong.
Nagtatanong ako ng maayos kaya huwag niya akong pakitaan ng ganiyang asal.
"You wanna know what's wrong? Ikaw." sabi nito at talagang idinikdik sa akin ang salitang IKAW
"Ako?--"
"Oo! Ikaw, Toni! You heard me, right!?" he shouted.
"What the fuck is this?" then a capsule of pills is on his hand.
Umiwas ako ng tingin. May mali nga ako. Malay ko bang gusto niya na makabuo kami? At kasalanan ko ba na naging maingat lang ako?
"Rebound lang ako 'no? Kasi last time, nagbreak kayo ni Enrie, tapos um-oo ka sa akin. Rebound lang siguro ako."
Hindi ako nagsalita, alam kong lasing lang siya kaya niya nasasabi ang mga bagay na iyan. Ayokong gatungan ang nagliliyab niyang galit ngayon. Magpapaliwanag ako sa kaniya kapag malamig na siya, kapag puti na ang awra niya.
"Hah!" he laughed sarcastically.
"I knew it, hindi mo parin ako mahal. Ano? Ginagamit mo lang ako para may lalake ka sa buhay?"
Mabilis kong inilipat sa kaniya ang aking tingin. Hindi ko kayang tanggapin ang sinabi niya.
"How dare you say those words to me, when the fact na ikaw itong nagmakaawa sa akin na mahalin ka. Bakit? Ang pagkakaroon ba ng anak ang basehan para maipakita ko sa'yo na mahal kita..--"
"Fucking YES!" sigaw niya.
"Because a child can positively bring us closer together!"
"But we're already on the same page, Felix!"
Unti-unting humuhupa ang tensyon sa aming dalawa. His fingers run into his hair.
"I want to build a family with you, Toni. Kaya gustong gusto ko ng magka-anak sa'yo dahil natatakot ako na baka anytime iwanan mo ako."
Tumango ako.
"Fine, I'm sorry. Natakot lang naman ako na baka iwan mo din ako tulad ni Enrie. Na kung kailan may dinadala ako doon ka bumitaw, ayoko lang na maulit pa iyon kaya naninigurado ako na nasa tamang panahon ang pagbubunga nitong relasyon natin." I reasoned out.
Tumayo siya mula sa kaniyang pagkakaupo. He gave me a tight hug that made me burst into tears.
"I promised to myself na kapag nakabuo tayo, hihinto na ako." he said.
"Hihinto saan?"
Mga limang segundo bago niya sinagot ang aking tanong.
"Hihinto na ako kakaisip na iiwan mo ako. Kakaisip na baka one day ma-realized mo na hindi mo talaga ako mahal."
Hindi na ako kumibo pang muli. Gumanti ako sa yakap niya at hinigpitan ko iyon upang iparamdam sa kaniya na mahal ko na siya.
--------
Ilang linggo na ang lumipas at naging maayos ang samahan namin ni Felix. It's nice compared noon and my hopes are high na magkakalaman na itong tiyan ko. Dahil 2 weeks na akong delayed. I'm sure about that dahil regular at sakto lagi ang menstruation period ko.
Papasok ako ng kwarto nang marinig ko si Felix na may kausap sa cellphone niya. Ayokong mag eavesdrop but I can't help not to.
"I told you nth times na hintayin mo ang cue ko! Ang sabi ko hintayin mo ang signal ko hindi ko sinabing ikaw ang magdesisyon kung kailan mo ilalabas iyan!" he yelled.
He suddenly clenched his fist, para bang he's about to puch something or someone.
"You're insane! Burahin mo iyon ora mismo!" sigaw niya at marahas niyang hinagis ang cellphone sa kama.
He looks upset and worried kaya linapitan ko na siya.
"Everything's fine? Or nah?"
Tila nagulat ito sa aking presensya.
"Toni..." lamang ang kaniyang nasabi.
Hinintay kong mag open siya sa akin, tinititigan ko siya ng mabuti.
"Kanina ka pa ba?" he asked.
And I answered him:
"Sakto lang ang dating ko noong magsisigaw ka diyan. Ano bang pinapabura mo?"
Napapikit siya ng mariin nang buksan ko ang usapang iyon. Para bang iyon ang bagay na ayaw niyang pumasok sa isip niya sa ngayon.
"It's just about the social media team doon sa shop ko. They posted something on the internet na walang permiso galing sa akin."
Ngayon nama'y parang tense na tense ito. Parang hindi lang maliit na bagay ang problemang iyon.
"Chill, everything's gonna be alright." sabi ko sa kaniya at hinaplos ang kaniyang pisngi.
"Sana nga."
Bakas sa kaniyang mga mata ang pag aalala. Kaya naman hinalikan ko siya sa pisngi, konting lambing lang sa lalaking ito e mag iiba na mood nito.
"Tart, let's run away again?"
BINABASA MO ANG
Raegan's Divulgence
RomanceAntonia Nolan is a successful news reporter, but she lost her job because of a man. The man of her dreams and the only man for him. What will happen to her after the devastating and painful life she had?
