Chapter 29

575 10 0
                                        

Hindi na ako nakapag paalam kay Don dahil kaagad din kaming lumarga paalis ng Maynila.

Hindi na ako gaanong nagdala ng damit dahil hindi naman siguro kami aabot ng isang linggo doon.

Bumaba kami sa harapan ng isang building. I'm confused kasi akala ko malayo ang pupuntahan namin.
Pagsakay namin ng elevator, pinindot ni Felix ang RD (Roof Deck) button.

"Why are we here?" tanong ko nang makarating kami sa roof top.

Iba ang ineexpect ko. So, ito pala ang RUN AWAY concept niya?

"Patience, tart." sabi nito at nginitian ako.

Ilang saglit lamang ay nakaramdam ako ng malakas na hangin na dumadampi sa aking balat, umalingasaw din ang ingay ng isang helicopter na kakalapag pa lamang.

"Pare, sakay na!" sigaw ng piloto nito.

"Tara?" sabi nito kasabay ng paghatak niya sa aking kamay palapit sa helicopter.

Inalalayan ako ni Felix sa pagsakay at sumunod rin ito. Kung anong anik anik ang nilagay niya sa akin pagkatapos ay pinalipad na ang sinasakyan naming helicopter.

Hindi ako makapagsalita dahil nanginginig ang buo kong katawan. Masyado akong binigla ni Felix sa ganitong mga bagay, para bang biglaan din akong nagkaroon ng fear of heights dahil sa nakikita ko.

"You ok?" Felix asked as he wrapped his arms around me.

Hindi ako sumagot sa kaniya at ipinikit na lamang ang aking mga mata dahil randam kong malapit na akong mahilo.

"Hang on, hindi naman kita pababayaan. I promise, 'pag dating natin doon sa lugar na iyon siguradong mawawala lahat ng problema mo." he said while caressing my cheek.

Habang pinapakalma niya ako, hindi ko na napigilan nang dumapo ang antok sa akin.

"Toni, we're here."

Pagmulat ko'y kaagad akong tinamaan ng sinag ng araw. Umunat muna ako bago bumaba ng helicopter.

"Thank you, man. Kahit kailan talaga hindi mo ako binigo bilang kaibigan mo." sabi ni Felix sa piloto namin at nagkamayan pa ang dalawa.

"Syempre naman, man! We're best friends kaya there's no way para mag NO ako sa'yo."

Pinagmasdan ko sila habang nagbobolahan sa isa't-isa. Sa totoo lang, ngayon palang ay nararamdaman ko na ang inip.

"Nga pala, this is Philip my highschool best friend." pakilala ni Felix.

"Hi." bati ko sa kaniya.

"And this is Toni. Kilala mo naman siya hindi ba, man? Ilang beses ko na siyang naikwento sa'yo."

"Oo naman. I'm a big fan of yours, back then." sabi niya at nakipagkamay sa akin.

I smiled awkwardly.
"Back then." bulong ko.

And now, the atmosphere is not good. Nasa labi ko parin ang ngiting hindi komportable.

"Sige na, sa Sabado ko na ulit kayo babalikan dito." sabi ni Philip saka na sumakay muli sa kaniyang helicopter.

"Bakit parang napakatagal natin dito? Akala ko mga tatlong araw lang." sabi ko at binitbit na ang aking kapuranggit na gamit.

"Ayaw mo nun? Mas mahaba kang makakapag relax." sagot naman ni Felix.

Huminto kami sa paglalakad at ngayon ko lang napagtanto na nasa bundok pala kami. Tanaw ang malawak na palayan, maisan at koprahan sa ibaba ng bundok.

Tama nga si Felix, mukhang makakapag relax ako rito. Tanawin palang, napakaganda na.

"Nana!"

Isang babae na may edad ang yumakap kay Felix.

"Kamusta ka na? Napalaki ka ni madam Viktoria na magandang lalaki." sabi pa nito at hinaplos haplos ang pisngi ni Felix.

Nagtawanan naman ang dalawa at maya-maya'y gumawi ang mga mata ng babae sa aking pwesto.

"May kasama ka pala, Felix."

Ngumiti ako sa kaniya at lumapit.

"Si nana Caring, dati namin siyang kasambahay at sakaniya na ako halos lumaki."

"Good morning po." bati ko.

"Magandang umaga rin, hija. Girlfriend mo ba itong magandang binibini na ito ha, Felix?" usisa niya.

Umiling naman itong si Felix.
"Hindi pa ho, nana. Sana um-oo na siya sa akin." sagot niya.

"Naku, hija. Huwag mo ng sayangin itong si Felix. Kung ako sa'yo, ipaubaya mo na ang matamis mong oo."

Wala akong maisagot maliban sa aking ngiti.

"Mabuti at napapasyal ka rito at biglaan pa." - Nana Caring

Sumunod na lamang ako sa paglalakad at pinagmamasdan ang bawat madaanan namin.

Noong reporter pa ako e hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na magcover sa ganitong klasing komyunidad. Kaya first time kong makaakyat ng bundok. Puro studio lamang kasi ako noon or around Manila.

"Eh gusto ho kasi naming magbakasyon ni Toni. Naisip ko na mas maganda na dumito kami dahil sariwa ang hangin, mababait ang mga tao rito at nandito ka Nana." sabi ni Felix.

"Ganun ba? Osige, dumito muna kayo sa bahay. Ipapalinis ko lang 'yung isang kubo doon. Dito na rin kayo matulog dahil siguradong hindi malilinis iyon ngayon." -Nana Caring

"Kami na lang po ang maglilinis." suhestiyon ko.

"Ah, oo. Kami na lang ho, Nana. Organisadong tao rin kasi itong si Toni kaya yakang yaka na namin iyon." nakangiting sabi ni Felix.

Hindi na kumontra pa si Nana Caring at hinatid na lamang kami sa kubo na titirhan namin.
Inilapag ko ang mga gamit ko sa maalikabok na lapag.

Inilibot ko ang aking paningin, inaaral ko kung saan kami mag uumpisa.

"I'll start over there." sabi ko at itinali ang aking buhok.

Maghapon kaming nag ayos at naglinis ng kubo. Tanging tanghalian at merienda lang ang naging pahinga namin sa buong araw.

"I didn't expect na matatapos natin ang paglilinis sa isang araw." sabi ni Felix na may hawak na tinapay.

"Just learn how to focus. Kapag kasi gusto mo ang ginagawa mo, magagawa mo ng maayos." I said.

"Tama ka naman diyan. Halos hindi mo na nga ako kausapin mula nung mag umpisa tayo sa paglilinis e." sabi nito at inabutan niya ako ng isang tasa ng kape.

"Thanks." saka ko ito tinanggap.

Mahabang katahimikan ang bumalot sa amin bago siya muling nagsalita.

"So, what do you think? Sa palagay mo ba mag eenjoy ka dito?" he asked.

Tumango ako. Doon palang sa paglilinis na ginawa namin e para bang nakalimutan ko bigla ang mga problema ko.

"It's nice to know that. Just let me know kung gusto mo ng umuwi."

"I will."

Raegan's DivulgenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon