Chapter 19

611 11 0
                                    

"Bakit ka may ganito? I mean, why did you paint my ate Avielle's?"

Ako ang ex niya, pero ni isang itsura ko sa mga paintings niya e wala ako.

Tumingin ako ng deretso kay Enrie at hinihintay ang kaniyang sagot habang hawak ko ang kaniyang obra.

"Your ate Avielle asked me to paint her, ang kaso hindi na niya nakuha gawa ng lumipad ako ng Europe noon. Matagal na iyan."

Tumango naman ako at lumabas sa kwarto niya na bitbit ang painting.

"Ako na ang maghahatid kay ate." presinta ko at inilapag iyon sa gilid ng sofa.

"Ok." - Enrie

Pagkatapos ng araw na iyon, dumeretso ako sa bahay upang kitain si ate Avielle.

"Ma'am, wala po ang daddy niyo dito." salubong sa akin ng maid.

"Hindi ko sadya si daddy. Ang ate Avielle ang pinunta ko rito." sagot ko habang dala-dala ang painting na gawa ni Enrie.

"Antonia?"

Lumingon ako at bumungad sa akin ay ang aking napaka gandang ina.

"Mommy!" binitawan ko ang larawan ni ate Avielle at masaya ko itong sinugod ng yakap.

"Oh my God, honey. I missed you so much!" sabi nito at mahigpit ang aming yakapan.
"What brought you here?" tanong niya kaagad nang magkalasan na kami ng yakap.

"May ibibigay lang kay ate Avielle at may itatanong na rin." sagot ko.

Para akong linta na hindi mawala wala ang kapit kay mommy.

"Sali naman ako sa moment niyo."

From our back, ate Avielle approached us.
Nakisali rin siya sa aming yakapan.

"This is really not my style, but... I missed seeing my tres marias hugging each other."

Ginapang ako ng kaba nang makita ko si daddy na kasunod ni ate.
Pero nang makita ko ang napaka tamis niyang ngiti, unti-unting naglaho ang kabang nadarama ko.

"Daddy..." mahina kong sabi.

"On our way home, pinag uusapan ka namin ni daddy. I told him to move on na, and sudden things happened. Nandito ka, ako, si mommy and daddy, kumpleto tayo. It means na this is a great sign na dapat magbati na kayong dalawa ni daddy." - ate Avielle

"Eh ano pa nga ba? --come here, baby girl." sabi ni daddy kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pa at yumakap na rin sa kaniya.

"I'm sorry for making your life rough. I just want you to learn your lesson." he said while petting my head.

"I know."

After ng aming mini reunion, I handled the painting to my sister.

"What's this for?" she asked.

"Sabi ni Enrie, you asked him to paint you. And since hindi niya naibigay sa'yo many years ago, pinaabot na lamang niya sa akin." sabi ko.

"Really? So, you're seeing each other again?"

Natameme ako sa tanong ni ate. That is just a yes or no question pero bakit nahihirapan akong sumagot?

"Uh, no. It's just we bumped each other and you know... we talked. 'yun lang." sabi ko at umiwas na ng tingin.

"So, I gotta go. Baka gabihin ako sa daan." sabi ko at inilabas na ang susi ng aking sasakyan.

"No, dito ka na matulog. Please?"

That's a good idea! Sasagot na sana ako nang mag ring ang phone ko.

"Excuse me, ate. I'll just answer my call." sabi ko at medyo lumayo sa kaniya.

Raegan's DivulgenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon