Lumipas na ang isang linggo at ito na ang araw na luluwas na kami ng Maynila.
"Mag iingat kayo palagi ha." sabi ni Nana at yumakap sa aming dalawa ni Felix.
"Cecil." tawag ko sa kaniya.
"Mamimiss kita." sabi ko at nginitian siya.
Ilang sandali lamang ay rinig ko ang helicopter na paparating sa aming kinaroroonan. Palakas na ng palakas ang hangin habang pababa ito.
"Bye nana." iyon ang huling paalam ni Felix.
Pagdating namin sa condo unit ko, humarap ako kay Felix bago ko buksan ang pinto.
"Malinaw na siguro sa'yo na tayo na. Kaya, prove mo parin sa akin na hindi mali ang desisyon ko na um-oo sa'yo."
"Yes po, opo, tart." sagot niya sa akin at hinapit ako sa bewang.
Akmang hahalikan na niya ako nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang aking kaibigan na si Don.
"Antonia!" sigaw niya sa akin kaya napahiwalay ako kay Felix.
"Antonia Nolan, bakit ngayon ka lang nagpakita?!" singhal niya sa akin at hinila ako palayo kay Felix, papasok ng bahay.
Hindi ako makasagot, nakatingin lamang ako kay Felix.
Suddenly, Don step out.
"Umalis ka na Felix." utos nito.
"Don." pigil ko.
"Now!" he shouted.
Pumihit na si Don paharap sa akin at tuluyan ng pumasok sa unit ko. Sinarado niya ang pinto at pagkatapos ay hinila niya ako hanggang sa sala.
"Don, that's rude!" sabi ko at inirapan siya.
Pwede naman niyang paalisin si Felix ng maayos. Hindi 'yung kung ipagtabuyan niya e parang hindi ito tao.
"Toni, makinig kang mabuti sa akin. Do you know what is rude? Iyong umalis ka ng bahay at hindi bumalik ng mahigit isang linggo ng walang pasabi!"
Kitang kita ko ang galit niya sa akin. Alam na alam ko kapag galit talaga si Don, his eyes are wide like a vampire who's ready to bite someone.
"And you are with Felix. Ano, kayo na ba? Nagayuma ka na ba sa mga sugarcoated niyang compliments sa'yo? Naging uto-uto ka naman at um-oo?"
This time, sasagot na ako ng seryoso. He can't just say words like that to me.
This is so humiliating.
"Alam kong matalik kitang kaibigan at iniiwasan mong mapahamak ako. Naiintidihan ko iyon. Alam kong may utang na loob ako sa'yo at kailangan kong tanawin iyon ng malaki. Naiintindihan ko iyon. But, Don I am not a kid anymore. Alam ko ang ginagawa ko. I can already manage my decisions!" sagot ko sa kaniya
"At oo, I am now accepting his offer to enter my heart. Kasi iyon ang nakikita kong tama sa ngayon." dagdag ko at tinalikuran na siya.
"Humarap ka dito, Toni. Huwag na huwag mo akong tatalikuran hanggat hindi pa tayo tapos! We are worried, so worried about you! Hindi mo man lang sinabi kahit sa akin man lang kung nasaan ka! Halos mabaliw na ako kakahanap sa'yo dahil alam ko kung anong pinagdadaanan mo, alam ko ang nangyari sa'yo between your father and ate."
Hindi parin ako humaharap sa kaniya. But I answered him back.
"I'm sorry if I'm not able to say my whereabouts. As what I've told you, malaki na ako, alam ko na ang ginagawa ko."
"Toni!" he shouted out of frustration.
"Felix is not for you, you can't love Felix, you can't love a Reagan, hindi ba?"
"Noon iyon, hindi na ngayon." and then I face him.
"Alam na niya lahat, Don. Sinabi ko na kay Felix ang sikreto ko and he's still willing to serve my heart." paliwanag ko.
"Hindi mo alam ang ginagawa mo, Toni. Huwag kang magpadalos-dalos, you just know him bilang Felix and not as a Reagan." he said.
"Bakit? Ano ba ang alam mo? Sige, sabihin mo Don, handa akong makinig sa'yo." sabi ko at prenteng tumayo sa kaniyang harapan ng mas malapit.
"Toni..." sabi niya at sinabunot ang kaniyang buhok.
"I want the best for you. I want the best man, best life, best future for you. And it's not Felix, it's not the life of that Reagan. So, please ako ang pakinggan mo. Don't love that Felix."
Lumuwag ang aking pagkakahalukipkip. This is not what I want to hear from him.
"Who are you to dictate what is the best for me? Alam kong marami akong utang na dapat bayaran sa'yo pero huwag ka namang masyadong manghimasok sa buhay ko."
With that, I walked out of my unit...--no, Don's unit. Hindi ko tinatapos ang pagkakaibigan namin, at wala akong balak na gawin iyon. Ang gusto ko lang ngayon ay lumayo sa kaniya at bigyan siya ng panahon upang maisip na hindi niya ako kailangang hawakan sa paa, kamay at mas lalong lalo na sa leeg.
Paglabas ko sa aking unit, sumalubong si Felix sa akin.
"Bakit nandito ka pa?" I asked.
"Nalimutan mo itong isa mo pang bag sa kotse ko." sabi niya at itinaas iyon.
Kinuha ko naman ito mula sa kaniya at linagpasan siya.
"Sasama ako sa'yo, where's your car?" tanong ko.
"Nasa harapan na ng building, napabalik lang talaga ako para sa gamit mo."
"You're in a good timing." sabi ko at lumabas na sa elevator.
Pagdating namin sa bahay niya, kaagad kong tinungo ang kaniyang kwarto.
"Ok lang sa'yo na dito ka matutulog kasama ako?" he asked. Para bang shock na shock pa ito.
"Yah, bakit? Ayaw mo?"
"No. That's not what I mean." sabi niya at lumapit sa akin upang yakapin ako mula sa aking likod.
Kinalas ko ang kaniyang yakap at umupo sa gilid ng kaniyang kama. Hindi ko na rin napigilan ang mapabuntong hininga.
"What's the matter? Nag away ba kayo ni Don?"
I looked at him firmly.
"Ako dapat ang magtanong sa'yo ng ganiyan, nag away ba kayo ni Don?" ulit ko sa kaniyang tanong.
"No." he answered quickly.
"E, bakit ayaw niya sa'yo para sa akin? Bakit againts siya sa desisyon ko para sa ating dalawa? May nagawa ka ba kay Don na hindi niya nagustuhan?" tanong kong muli.
"I don't know? We don't know? Baka meron pero hindi ako aware. Pero ang alam ko never kaming nag away ni Don for a serious matter."
So, bakit ganoon na lang kasama si Don kay Felix? Given na ayaw niya akong masaktan about my past secret pero, ngayong alam na ni Felix at naiintidihan niya ako... I don't see any problems about me and Felix being in a relationship.
"Sa palagay mo ba naging straight na lalaki si Don throughout the years na kasama ko siya and he fell in love with me?" tanong ko kahit na I sounded paranoid.
"Huwag naman sana, tart. Wala na nga si Enrie na kaagaw ko sa'yo tas biglang makikisawsaw si Don? Huwag naman. Please, knock on wood." sabi nito at nagpout pa.
"You look gayish, tbh." pabiro kong sabi at tumayo na.
Ngunit hindi pa akong nakakatayo nang hilain niya akong muli at napakandong pa sa kaniya.
"Felix!" suway ko.
"What?" may ngiting nakakaloko pa ito.
Naramdaman ko ang kamay niya na gumagapang sa papasok sa aking damit kya maagap ko itong hinampas.
"Ouch!" inda niya.
"Ayoko, Felix. Hindi ako nakipag relasyon sa'yo para lang sa ganito. Know your limits." sabi ko at tumayo na ng tuluyan.
"I'm sorry, tart. Nakaka excite ka kasi lagi." pabiro niyang sabi.
Napangiti ako sa kawalan, ewan ko ba. I didn't know that I'm still attractive after the scandal I made with Enrie.
"Yieee, ba't ka ngumingiti diyan?" sabi niya at pinindot pindot pa ang aking tagiliran.
And then I realized that we did it again in just a snap.
BINABASA MO ANG
Raegan's Divulgence
RomanceAntonia Nolan is a successful news reporter, but she lost her job because of a man. The man of her dreams and the only man for him. What will happen to her after the devastating and painful life she had?
