Ni minsan hindi ako dumalaw sa burol ni daddy dahil gusto ko ng maayos at payapa na burol para sa kaniya. Ayokong gumawa ng malaking usapan sa funeral ni daddy, kahit kahihiyan man lang ang maibigay ko sa kaniya.
Ilang beses akong kinontak ni mommy pero nirereject ko iyon dahil desidido ako na hindi muna magpakita sa publiko. Lalo na't mainit parin ang usapan tungkol sa akin at sa scandal na iyon.
Even in my dad's internment, hindi ako nagpakita. Nanatili akong naka pwesto sa malayo. It's hard for me to be with the circle of people na talagamg nagmahal kay daddy. Dahil sa aking palagay, hindi ko matutumbasan ang pagmamahal at pagbibigay halaga nila sa aking ama.
Wala akong ibang ibinigay sa yumao kong ama kung hindi sakit ng ulo.
Ilang buwan na ang lumipas, malala parin ang mga post tungkol sa akin sa social media. Mukhang wala talaga akong mukha na maihaharap sa kanilang lahat. Mukhang habang buhay na lamang akong magtatago.
"Girl, ilang araw ka ng nagmumukmok diyan sa kwarto mo. Pasinag ka naman ng araw para kay Bambam." sabi ni Don.
Tumayo ako at lumabas ng aking kwarto. Tumapat ako sa bintana, sakto kasing nasisinagan ng araw ang unit ko. Hinahaplos haplos ko ang umbok ng aking tiyan, napapangiti ako sa tuwing hahawakan ko ito.
But my smiles are bittersweet.
"I'm such a mess. Siguro nakakarma ako sa mga pinanggagawa ko noon. At ang masakit pa rito, pati itong si Bambam na walang kamuwang muwang ay nadadamay sa kawalanghiyaan namin ng ama niya." sabi ko at napabuntong hininga.
"Don't stress yourself too much, girl. Nai-stress din ang baby. Tandaan mo, kung anong nararamdaman mo, iyon din ang nafefeel ni Bambam."
Mabuti na lamang at nandito lagi si Don sa tabi ko. He's with me through thick and thin kaya marapat lang siyang maparangalan ng best buddy of the town.
"Gusto mo na ulit kumain? Maghahanda ako ng fruits."
Tumango naman ako.
"Yes please."
"Good morning! Kamusta ang Bambam ko?"
Ang naka ngiti kong labi ay napalitan ng ibang kurba. Pinipigilan kong hindi maapektuhan sa presensya ng lalaking ito for the sake of my child.
"Don, paki dala na lamang iyan sa kwarto." sabi ko at dumiretso ako sa aking silid na hindi tinatapunan ng tingin si Felix kahit minsan.
Komportable kong inihiga ang aking katawan sa malambot na kama. Gusto kong magrelax ngunit narito nanaman ang problema sa buhay ko.
Araw-araw, walang mintis ang pagbisita niya sa akin kahit na pinagtatabuyan ko na siya. Dala siya ng dala ng kung anu-ano, mapa pagkain man o gamit. Nagmumukha na ngang supermarket at department store itong unit ko.
"Sabi ng mommy mararamdaman mo na daw ang heartbeat niya kasi palaki na ng palaki si Bambam." sabi nito.
Talagang sumunod pa siya. Napaka kapal ng mukha, kung maka akto e parang wala lang sakaniya ang pambababoy na ginawa niya sakin.
"I can't wait to see Bambam."
"Hindi na rin ako makapaghintay na lumabas siya nang hindi na kita makita pa ulit." sabi ko at inirapan siya.
"Toni, I want to right all the things I did. I want to win you again. I'm not doing this para lang sa anak natin, I'm doing this for the both of us. Kasi, kahit na anong gawin ko... it's still you."
Honestly, those words touched my heart. Pero ganito rin naman ng ginawa niya noong una, hindi magtatagal baka magkagulo nanaman kami at ayokong madamay sa gulo ang anak ko.
BINABASA MO ANG
Raegan's Divulgence
RomantizmAntonia Nolan is a successful news reporter, but she lost her job because of a man. The man of her dreams and the only man for him. What will happen to her after the devastating and painful life she had?
