"What are you doing?"
Mabilis kong itinulak si Enrie dahilan ng kaniyang pagka hulog sa sahig.
"Don, it's not what you think."
Alam ko namang hindi na nagulat si Don sa nadatnan niya. But, he has to act like one, as if he's really shocked.
"What? Wala naman akong ibang iniisip."
Umiwas ng tingin si Don.
"O----kay, sa susunod na lang tayo mag uusap." sabi niya at diretso labas na ng aking condo.
Suddenly, Enrie speak up.
"Tell me your passcode."
"Are you crazy? Why would I?" then I rolled my eyes.
"Tabi nga." sabi ko at pumasok sa aking kwarto upang maipagpatuloy ko na ang aking tulog.
"Bakit si Don alam niya? Kita mo, wala ka ng privacy dito? Now tell me." sabi niya at sinundan ako sa aking kwarto.
"Don owns this condo unit. He's just letting me stay here dahil wala akong ibang tatakbuhan. I bet, you know what happened to me and my family." irita kong sagot at nag suklob na ng kumot.
"Edi doon ka na lang sa bahay ko tumira para wala ka ng utang na loob sa kaniya." suhestiyon niya.
"That's insane." lamang ang aking tugon sa kaniya.
"So, you're just going to sleep kahit na nandito ako?"
Hindi na ako sumagot dahil talagang antok na antok pa talaga ako. Ilang segundo siyang nanahimik, napabalikwas ako ng tayo nang marinig ko ang welcome sound ng aking computer.
"Enrie!" bulyaw ko sa kaniya.
"Let's see what you have here..--"
Kaagad kong hinablot ang saksakan ng computer. Kabado bente ako dun ha, baka makita niya mga files ko na nai-submit sa Pseudonym. Nakasave lang pa naman sa desktop iyon.
"Don't you ever touch my things without my permission!" singhal ko sa kaniya.
"Gusto ko lang naman libangin ang sarili ko, since tutulugan mo ako."
Iniikot ko ang aking mga mata. Jusme, hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga Reagan na 'to!
"Don't be mad. I'm just seeking for your attention." sabi niya at yumakap sa akin na parang bata.
"You don't know how much I missed you. Kaya every minute and seconds ng buhay ko kailangan maging meaningful with you." sabi nito at hinila ako paupo sa gilid ng aking kama.
"Hindi mo man lang ba ako namiss after how many years?" tanong niya then he caressed my cheeks.
I have to act that he's still the one. Though, he still is kaya nga hindi ko na naiisipang maghanap ng iba at magpaka matandang dalaga nalang. But, the fact na this is just an act for some purposes.
"I do, of course. I was wasted and I...-- I am longing for you for almost four years." sagot ko.
"I already knew that you will answer me that way." nakangiti niyang sabi at mabilis akong ginawaran ng halik.
Ilang sandali lamang ay nagpapasahan na kami ng hininga. I let him do whatever he wanted to do with me, pero isa lang ng tinutulan ko. And that is sex.
"Why?" he asked.
"I... I don't feel like doing it. It's too early, I mean... I'm not in the mood." sabi ko at bahagya siyang tinulak upang makawala sa kaniyang matipunong katawan.
Tinalikuran ko siya upang hindi ako matukso sa mga susunod niyang hakbang.
He hugged me from my back at naestatwa ako.
"Hindi mo ba ako mamimiss kapag naging busy na ako? Kasi ako, mamimiss kita ng sobra. Gusto ko lang namang maging..--"
I cut him off, humarap ako sa kaniya at sinabing...
"Meaningful ang araw na ito? Do you think having sex with me is meaningful?" sarcastic kong tanong.
Hindi naman siya sumagot at tumango na lamang.
"Hindi na kita pipilitin. I'm sorry." sabi niya hinalikan ako sa noo.
"I'm really sorry, matagal na kasi kitang hindi nakakasama that's why I am like that. I just missed you, so bad."
Hindi na ako nagsalita pa dahil ayoko mg makipag diskusyon sa kaniya.
We spent our day on my bed, talking about his work, and yes sinundan niya ng yapak ang ate niya pero sa advertising siya ngayon. I tried to change the topic dahil nakiki usisa din siya sa trabaho ko.
"Let's eat? Gutom na rin ako." sabi ko at inunahan na siya sa paglabas ng aking kwarto.
Since wala akong ibang pagkain kung hindi noodles, iyon lamang ang pinagsaluhan namin.
After ng lunch namin, lumarga na rin si Enrie dahil may meeting pa daw siyang kailangangang attend-an.
Ako naman ay nag umpisa ng mag ayos para sa event ni Felix. Saktong isusuot ko na ang aking rubber shoes nang may nag doorbell.
At hindi kayo nagkamali ng hinala dahil si Felix nga iyon.
"I told you to dress pretty. Party ang pupuntahan mo hindi team building." he said.
"Mas komportable ako kapag ganito, Felix. Wala akong pakealam kahit na hindi ako maganda sa paningin nila, at saka hindi naman ako magtatagal."
Hindi na siya nakipag argumento sa akin. Alam niyang hindi ko hahayaang matalo niya ako by words.
Pagdating namin ay doon na naglipana ang mga reporters na may kaniya-kaniyang dala ng camera. I was stunned by them dahil parang bala ng mga baril ang bawat flash ng mga ito.
"Ribbon cutting ba ito o presscon?" I asked sarcastically.
"Hindi ko naman alam na ganiyang kadaming mga reporters pala ang darating. Ang sabi kasi icocover daw itong shop ko kaya pumayag na ako." bulong niya.
Inikot ko ang aking mga mata. Agad agad ay sa ribbon kami dumiretso, inabutan si Felix ng gunting at hindi na ito nagpaligoy-ligoy pa. After nitong magupitan ang laso, dinasalan iyon ng isang pari at pagkatapos ay nag umpisa ng madumog ang shop ng sangkatutak na mga tao.
Sa likuran ng pastry shop, may open area na garden style doon na naghihintay para sa mga magdi-dine in ng kanilang mga binili. Doon din ang tinutukoy ni Felix na event.
"Hindi na ako magtatagal, Felix. I have to go..--"
"Wait, may ia-announce lang ako."
BINABASA MO ANG
Raegan's Divulgence
RomanceAntonia Nolan is a successful news reporter, but she lost her job because of a man. The man of her dreams and the only man for him. What will happen to her after the devastating and painful life she had?
